Chapter 7

2K 29 1
                                    

Habang nagtitimpla si Ariella ng gatas inoobserbahan ni Lea si Ariella.

Lea"s POV

Ang tanga tanga ko, hindi ko man lang naisip na nasasaktan ko na sya kanina dahil sa higpit ng hawak ko sa kamay nito. Kanina habang pauwi kami sa back seat sya umupo hinayaan ko nalang sya. Naririnig ko syang umiiyak dahil siguro sa nasaktan ko sya plus nabangga pa sya ng tangang taong yon.

Nang nakita kong pumasok na si Ariella sa kwarto nya lumabas na din ako ng office ko at nagtimpla ng coffee, madami pa akong kailangang reviewin na papers.
1:00am na ng mapagpasyahan kong umakyat na sa kwarto ko para matulog. Pero nakita kong medyo bukas ng kaonti ang pintuan ng kwarto ni Ariella.
Pumasok ako dito at masasabi kong malinis sya parang kwarto ko. Lumapit ako kay Ariella at may nakita akong notebook na maliit siguro diary nya yon.
Lumabas na din ako ng kwarto ni Ariella chineck ko lang sya kung tulog naba talaga sya.

Kinabukasan
Maagang nagising si Ariella dahil na din sa maaga syang nakatulog.

Ariella's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko tinatamad akong lumabas at medjo masa ang pakiramdam ko dahil din siguro sa pagkakauntog ka kahapon. Masakit pa din sya. Naisipan kong manood nalang muna ng movie i choose Frozen kasi maganda yon.
Habang nanonood ako kumikirot pa din yung ulo ko kaya tumigil muna ako sa panonood.
Bumaba muna ako para bumanap ng makakain baka sakaling mawala sakit ng ulo ko kapag kumain ako.
Habang pababa ako lalong sumasakit ang ulo ko hindi ko alam kung bakit. Nakita ko si mommy na nagluluto. Nandito pa pala sya siguro mamaya pa sya aalis. Nagtungo na ako sa kusina pero bago pa man ako makarating sa kusina nadali ko yung base na binili ni mommy sa Italy.

"Shit Ariella ano bang problema mong bata ka? Pinagdadabugan mo ba ako? Alam mo ba kung gaano kamahal yang base na yan mas mahal pa sa buhay mo yang lintik ka!" Galit na sabi ni mommy at Hinila ako ni mommy papuntang sala at tinulak.

"Sorry mommy hindi ko naman po sinasadya, masam....PAK" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi sinampal nya ako ng malapas. Sobrang sakit sarili kong ina nagawa nya akong saktan.

"Ano nangangatwiran kana Ariella! Wala ka talagang kwenta! Sana talaga pinalaglag nalang kita ng dahil sayo iniwan ako ng tatay mo sana namatay ka nalang wala kang kwenta." Mommy.

"Im sorry mommy masama lang po talaga pakiramdam ko kaya nabasag ko yung base. Sorry po kung nagiging pabigat na ako sainyo. Sorry po kung ako yung naging dahilan ng paghihiwalay nyo ni daddy. Sorry po kung wala akong kwentang anak. Sorry po talaga" Ayan nalang yung nasabi ko lay mommy.

"Sumasagot kana ha. PAK!! halika dito dapat sayo tinuturuan ng leksyon" sinampal ulit ako ni mommy at dinala nya ako sa basement. "Yan dapat jan ka nababagay pasaway kang bata ka" nilock ni mommy yung pinto ng basement.
"Mommy please sorry pakawalan mo na po ako."

Madilim dito sa basement at napaka init. Nahihirapan na din akong huminga at masakit pa din ang ulo ko dahil na din siguro sa pagkakauntog ko at hindi pa din ako nakain. Iyak nalang ang nagawa ko habang naghihintay magbukas ang pinto. Natatakot na ako kay mommy baka hindi lang eto ang magawa nya sa akin
and everything went black.

The Unwanted DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon