Pagkatapos kong makita si Abu nawala lahat ng lungkot ko. Kasi alam kong may magmamahal na sa akin at hindi ipagkakait ni Abu yung pagmamahal na gusto nyang ibigay sa akin. Dumiretso na ako sa kwarto ko para magshower. Pero pagbukas ko ng kwarto ko nakita ko si mommy na nakaupo sa bed ko.
"Good Evening po mommy"
"At saan ka nanggaling ha Ariella? Kanina pa kita tinatawagan hindi mo man lang sinagot miski isa sa mga tawag ko."
"Sorry po"
"Puro nalang sorry, wala kang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko. Alam mo namang ang dami kong trabaho sumasabay kapa." Sabi ni mommy.
"Hayaan nyo po mommy next time hindi ko na po papasakitin ang ulo nyo, excuse me po magshoshower lang po ako" Sabay ngiti ko kay mommy at nilagpasan ko na sya.
Pumasok na ako ng banyo at nagshower na ako. Hinayaan ko nalang si mommy sa kwarto ko. Tinagalan ko talaga ang pagshoshower ko para hindi ko na maabutan si mommy sa kwarto.
Pagkalabas ko ng CR wala na si mommy. Nagbihis na ako at lumabas na din ako ng kwarto.
Nakita ko si mommy at abu sa salas
"Ariella come here, i have something for you" magiliw na sabi ni abu.
Tumabi agad ako kay abu, nakita ko ang mga tingin ni mommy sa akin. Nakakatakot yung tingin ni mommy sa akin. Kaya lahat nalang ng atensyon ko kay Abu lang lahat.
"Ariella open this" inabot sa akin ni abu yung paper bags.
" thank you abu" binuksan ko agad ito. Nagulat ko sa mga laman nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Abu thank you po" naghug agad ako ky abu tsaka kiss.
"All for you may apo, i love you so much" sabi ni abu
"I love you too abu"
"So let's go na, we need to sleep na" sabi ni mommy.
"Sige po" sabay saby kaming umakyat sa taas.
Kinabukasan si abu ang gumising sa akin. "Baby wake up malalate kana" sabi ni abu.
"Abu it's saturday today, wala po akong pasok" medyo inaantok kong sabi.
"Really? So you do you have any plan today?" Masayang tanobg ni abu.
"Wala naman po" sabi ko.
"That's good, take a bath na. Hihintayin kitang matapos. May pupuntahan tayo."
"Sige po" tumayo na ako at nagkiss kay abu. Dumiretso na akong cr para maligo.
Pagkatapos ko lumabas na ako ng cr at nasa kwarto ko pa din si abu. Naghahanap ako ng damit sa aking closet.
"Ariella anong nangyari jan sa kamay mo? Bakit ka nagkasugat jan ha? Tsaka bakit ang dami mong pasa sa katawan?" Nagaalalang tanong ni abu.
"Wala lang po ito abu, dont mind it nalang po"
"Anong dont mindi it ha! Tell me what happened? Sinong may gawa nyan Ariella?" Naramdaman ko namang mahigpit ang pagkakahawak ni abu sa wrist ko at nasasaktan na din ako.
"Abu please let me go nasasaktan na po ako" umiiyak na ako dahil sa takot ko kay abu, naaalala ko tuloy yung mga ginawa ni mommy sa akin.
"Im so sorry apo, please tell me the truth" binitawan na ako ni abu at niyakap nya na ako.
Iyak pa din ako ng iyak dahil sa takot na saktan din ako ni abu.
"Si mommy po, si mommy ang dahilan kung bakit ako may ganito" nanginginig kong sabi kay abu.