Pagkalabas ko ng bahay naglakad na ako papuntang gate ng village namin tsaka ako sumakay jeep. Habang nasa jeep ako naaalala ko pa din yung mga sinabi ni mommy. Tinatamad na tuloy akong pumasok kaya pumunta nalang ako sa park.
Ang dami kong nakikitang mga bata kasama yung parents nila. Sana ako din kasama ang parents ko. Pero alam kong imposibleng mangyari yon kasi si mommy at daddy nga hindi nila ako gusto.
Naglakadlakad muna ako sa my park para makapagpalipas ng oras. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.
Lea's POV
Nagpunta ako sa kwarto pagkatapos naming mag away ni Ariella. Natatakot akong mawala sya sa akin pero kapag kasama ko sya hindi ko mapigilang hindi magalit kasi sya ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Aga.
Ringggggrinnggggg..........
09082718321
Nakita kong unknown number kaya hindi ko sinagot. Pero ang kulit talaga tawag ng tawag sino kaya tong damuhong ito. Sinagot ko na dahil nakakairita lang.
Me: "Hello who's this?"
"Lea let's talk"
Me: "Teka sino ba to?"
"It's me Aga"
Me:"Diba sinabi ko na sayo na wala na tayong dapat pag usapan pa, pagkatapos ng lahat bigla ka nalang susulpot." Pinatayan ko sya ng phone.
Naisipan kong pumunta sa kwarto ni Ariella. Pagpasok ko picture ko agad ang bumungad.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Habang nililibot ko ang kwarto ni Ariella may nakita akong sketch pad at may mga drawing nagulat nalang ako dahil pagbukas ko ay mukha ko ang mga naka drawing dito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Magaling din pala si Ariella sa pagddrawing. Naluha nalang ako bigla kasi naalala ko yung mga masasamang bagay na ginawa ko sa kanya.
Umupo ako sa kama nya at nakita ko yung diary nya na nasa ilalim ng unan. Madami syang entry don pero may isang pumukaw sa paningin ko na nakapagpaiyak lalo sa akin.
Entry #24
Dear Diary, Alam mo ba sobrang hirap na hirap na ako sa buhay ko. Ang dami kong problemang kinakaharap ngayon parang hindi ko na kakayanin. Ayokong mawala yung pagmamahal ko kay mommy pero sya mismo ang nagtatanggal ng pagmamahal ko para sa kanya. Ang sakit lang kasi pati pala ang daddy ko ayaw sa akin. Sana sa ibang pamilya nalang ako napunta, siguro hindi ako magiging ganto, siguro puno ng pagmamahal ang pamilya ko. Siguro masaya ako kung nagkataon na sa ibang pamilya ako napunta.
Sana man lang kahit isang araw sumaya ako. Yung kahit isang araw walang away na nagaganap at hindi ako sasaktan ni mommy. Pero parang hindi na mangyayari yon. Habang buhay na siguro akong ganito yung malungkot, palaging sasaktan ni mommy. Sana namatay nalang pala ako.
Habang binabasa ko ang laman ng Diary ni Ariella bigla na namang nagringgg yung phone ko. Nakita ko kung sino yung caller. Walang iba kundi si Mama.
"Hello Ma?"
"Hi Lea, gusto ko lang malaman mo na nandito na ako sa Manila, mamaya na ako pupunta jan sa bahay nyo jan muna ako magsstay for 1month." Tuloy tuloy na sabi ni Mama.
"Kay Gerard ka nalang muna tumuloy ma" sabi ko.
"My Decision is Final Lea jan muna ako for 1month para na din makasama ko ang apo ko, pakisabi sa kanya malapit na ako. Bye"
Shit si Mama tutuloy dito sa bahay namin paano na kapag nalaman nya yung sitwasyon namin ni Ariella?