Ariella's POV
Kakatapos lang ng class ko ngayon kaya napagpasyahan kong dumiretso sa waiting area ng school namin, on the way na daw sila mommy.
Malapait na ang Birthday ko at Christmas pero parang hindi ko ramdam. Siguro hindi talaga tanda nila mom and dad yung birthday ko.
Maya maya pa ay dumating na din sila, tahimik lang kami sa loob parang walang gustong magsalita. Ang awkward tuloy sa loob parang gusto ko nalang bumaba.
Nag away kaya sila mommy at daddy? Tanong ko sa isip ko. Parang may mali talaga kaya ako na yung unang gumawa ng move.
"Eheemmm! Mom, Dad? Nag away ba kayo?"
"No!" Sabay nilang sabi.
"Eh bakit ang tahimik nyo?"
"Wala lang, pagod lang siguro kami, pasensya kana anak" sabi ni mommy.
"Okieee"
After 24 minutes nakarating na din kami sa mall.
Dumiretso agad kami sa department store kung saan kami bibili ng mga pangdecoration. Si mommy ang dami nyang kinuhang pangdecorate halos mapuno na yung cart namin. After namin sa Decoration Section sa mga ladies wear.
"Anak kumuha kalang ng gusto mo ha"
"Sure mom"
Si dad naman nagpunta sa mens wear.
Madami akong napiling mga t-shirt's, shorts, at mga pants. Habang nag iikot ako nakita ko si mommy sa dress section at may hawak hawak na terno dress. Bigla akong tinawag ni mommy.
"Anak come here! Sukat natin to"
Nagtungo agad ako kay mommy at sinukat yung dress na hawak hawak nya.
"Bagay na bagay sayo nak" sabi ni mommy sabay yakap sa akin.
"Bagay din po sayo mom"
Si mommy hindi pa din napapagod ikot pa din ng ikot. Ako naman napagod na tsaka madami dami na din akong nabili kaya umupo ako.
Si daddy hanggang ngayon wala pa, siguro madami di syang pinamimili.
Maya maya pa biglang dumating si dad punong puno yung cart nya.
"Anak bagay ba?" Tanong ni dad
"Ahhm yes po bagay na bagay."
"Thank you! Oh by the way nasan ang mommy mo?"
"Nako dad ayaw paawat nandon po sa may dress section"
"Good, samahan mo muna ako don sa mga accessory."
"Bakit po?"
"Mamaya ko na ieexplain sayo, samahan mo muna ako"
Nagtungo na kami ni dad sa mga accessory.
"Nak sukatin mo to"
Binigay sa akin ni dad yung ring.
"Dad ayan medyo maluwag pero ayos naman"
"Nice ang ganda. How about this necklace? Isukat mo to"
Sinukat ko na lahat para naman hindi magalit si dad.
"Daddy bakit mo ba pinasukat sa akin yang mga yan? Ano bang meron."
"Magpopropose na ako sa mommy mo"
"What?"
"Narinig mo naman siguro yung sinabi ko? No need to repeat."
"Yes i heard it dad! Bakit ang bilis mo naman?"
"Alam mo anak dun din naman mapupunta yon eh, tsaka mahal na mahal ko ang mommy mo hindi ko kayang mawala kayo sa akin ulit"
"Awww ang sweet naman ng daddy ko"
"Nako ikaw talagang bata ka, halika na sa mommy mo at baka hinahanap nya na tayo. Isusurprise natin sya next week."
Bumalik na kami ni daddy kay mommy at sakto namang tapos na syang mamili.
Napaisip ako bigla sa sinabi ni dad, next week sya magpopropose ibig sabihin nakalimutan na nga talaga nila yung birthday ko. Sayang first time ko pa namang magcecelebrate ng birthday ko na buo kami..
BINABASA MO ANG
The Unwanted Daughter
FanfictionIn this story there's a lot of pain, regret's and hatred, which is make you cry. I hope you will like/love this story! Thank you.