Lea's POV
Pagkagising ko agad akong nagpunta sa kusina para makapagluto ng almusal. Pagkatapos kong magluto agad akong nagpunta sa kwarto ni Ariella para gisingin ito dahil may pasok pa sya.
"Ariella wake up!"
"Uhmm antok pa ako mommy"
"Malalate kana sa school" sabi ko pero ayaw nya talagang bumangon.
"Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo edi wag" umalis na ako ng kwarto ni Ariella. Sya na nga itong inaasikaso ko nagiinarte pa
Ariealla's POV
Pagkalabas ni mommy ng room ko nagpunta agad ako sa cr para maligo malalate na ako sa school plus may duty pa ako mamaya. Pagkatapos kong maligo nagbihis na din ako at inayos ko na ang mga gamit ko. Bumaba na din ako para kumain.
"Goodmorning mommy" masayang bati ko kay mommy. Pero no response sya siguro nga nainis sya kanina kasi hindi agad ako bumangon.
Sumandok na ako ng pagkain ko ng biglang nagsalita si mommy."Ariella hindi kana magtatrabaho sa fastfood"
"Pero mom" biglang nagsalita si mommy.
"Pagsinabi kong hindi hindi na, makinig ka naman sa akin Ariella." Galit na sabi ni mommy.
Hindi nalang ako umimik, hindi ako ako pwedeng umalis sa trabaho ko mawawalan ako ng allowance. Ayoko din namang humingi kay mommy.
"Kung iniisip mong hindi kita bibigyan ng allowance mo nagkakamali. Bibigyan kita kasi ayon ang obligasyon ko sayo." Sabi ni mommy sabay akyat sa kwarto nya.
Pagkatapos kong kumain nagpunta ako sa kwarto ni mommy para magpaalam na papasok na ako.
"Mommy alis na po ako" hindi ko na hinintay yung sagot ni mommy at umalos na din ako.
Habang naglalakad ako palabas ng village iniisip ko pa din yung sinabi ni mommy na sya na ang magbibigay ng allowance ko. Nahihiya akong tanggapin yon. Sumakay na ako ng jeep hindi na ako nagtaxi dahil mahal ang pamasahe kapag taxi. After 20mins nakarating na din ako sa school nakita ko yung prof ko at binati ko ito.
"Hello Ms. Alma Good Morning po" bati ko dito.
"Hello Ms. Salonga! By the way baka gusto mong sumali sa singing contest malaki daw ang prizes lumapit kalang sa akin kung gusto mong sumali ha"
"Sige po Ms. Alma pagiisipan ko po, salamat po bye"
Nagtungo na ako sa aming classroom at nagsimula na ang klase namin. May pinagawang activity yung prof namen at mabilis ko din naman itong natapos. Maraming oras ang lumipas at napagisipan kong pumasok sa fastfood chain. Yes hindi ko sinunod yung gusto ni mommy, ayokong umasa nalang sa kanya.
4 hours lang naman lagi duty ko dito kaya hindi magtataka si mommy.8:00 pm na ng matapos ang duty ko. Umuwi na din ako. Habang nasa byahe ako bigla kong naisip kung sino ba talaga ang daddy ko. Natatakot akong magtanong kay mommy baka pagalitan nya lang ako pag nagtanong ako. Pagkadating ko sa bahay nagpunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nakakapagod kayang maglakad.
Bago ako pumasok sa kwarto ko dumaan muna ako sa kwarto ni mommy. Pero nabigo ako wala si mommy. Nasaan kaya sya?

BINABASA MO ANG
The Unwanted Daughter
FanfictionIn this story there's a lot of pain, regret's and hatred, which is make you cry. I hope you will like/love this story! Thank you.