Chapter 13

1.9K 33 3
                                    


Ariella's POV

It's already 4:30 am, maaga akong gumising para pumasok sa school. Hinanda ko muna ang aking mga damit bago pumasok sa banyo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na din ako. Bago ako bumaba nilinisan ko muna yung sugat ko medyo malaki din pala ang sugat ko. Binalutan ko muna gaza bago ng benda. Pagkatapos kong linisin ang sugat ko bumaba na din ako para maghanda ng makakain ko. Pero pagbaba ko nakita ko ka agad si mommy pero hindi nya ako napansin kaya bumalik ako sa kwarto ko. Naisipan ko nalang na magbrowse ng IG, maaga pa naman kaya mamaya na ako aalis ng bahay.
Habang nagtitingin ako sa IG bigla kong nakita yung post ni mommy.

"Happy Birthday my dearest Ayisha May your day be as bright as your smile and as lovely as you. Happy birthday my darling"  -msleasalong-

Ayan yung nakita kong caption ni mommy sa picture nila ni Ayisha. Napaka swerte ni Ayisha buti pa sya naaalala ni mommy ang birthday nya. Yung akin never kaming nag celebrate ng magkasama. Kapag birthday ko kasi nagsisimba lang ako tapos tamang kain lang ng streetfoods sa gilid ng simbahan. Nakakaiinggit si Ayisha kasi base sa picture nila masaya si mommy habang magkayakap sila. Samantalang ako wala kaming picture ni mommy na magkasama. Haysss naiiyak nanaman ako.

Pinatay ko na ang phone ko baka may makita na naman akong makakasakit sa damdamin ko. Chineck ko kung anong oras na it's already 5:45 am kaya nag desisyon na akong umalis ng bahay at sa labas na kumain. Pagbaba ko nakita ko si mommy.

"Ariella halika na kumain na tayo" sabi ni mommy.

"Busog pa po ako mommy, sa school nalang po ako kakain" matamlay na sabi ko.

"Dito ka kakain sa ayaw at sa gusto mo! Ano bang inaarte arte mo jan Ariella? Pinagluto na nga kita at pinagsisilbihan. Cant you see nabawi na ako sayo tapos nag iinarte ka jan. Agang aga pinapainit mo ang ulo ko." Sabi ni mommy.

"Hindi ko naman po sinabing ipagluto nyo ako ah" umiiyak kong sabi.

"Alam mo Ariella sana talaga ipinalaglag nalang kita o di kaya iniwan nalang kita kay mama." Sabi ni mommy habang nakangisi.

"Bakit ba ang sama sama mo sa akin mommy? Ano bang nagawa kong kasalanan sayo? Bakit ka ganyan sa akin. Sana nga po ipinalaglag mo nalang ako kasi sobrang sakit na dito(sabay turo sa puso ko) dahil ikaw na sarili kong mommy hindi ako kayang mahalin at ipakilala sa mga tao. Nakakasawa na yung ganitong set up mommy sana pinatay mo nalang talaga ako para wala na akong sakit na nararamdaman at hindi ka na nagagalit sa akin" sabi ko habang umiiyak.

"Alam mo Ariella kung anong problema ko?Ikaw, ikaw ang problema ko kung hindi dahil sayo hindi ako iiwan   ng mahal ko. Kung sana hindi ka nabuo edi sana masaya kami ngayon ng mahal ko. Sana namatay ka nalang talaga." Naluluhang sabi ni mommy.

"Hayaan mo mommy malay mo mamaya wala na po ako or maybe the next day hindi mo na ako makita" sabay alis ko ng bahay.

The Unwanted DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon