Ariella's POV
Nakita kong umiilaw yung phone ko kaya kinuha ko agad ito sa bag ko. Nagulat ako ng makita ko kung sino yung caller. Si mommy yung tumatawag. Ano na naman kayang nagawa kong mali kay mommy at natawag sya sa akin. Papasalamatan kaya nya ako kasi iiwan ko na sya?
Hindi ko nalang sinagot yung tawag ni mommy. Hindi naman nya ako masasaktan kasi nandito na kami sa airport at ilang minuto nalang lilipad na kami patungong america.
"Apo bakit ayaw mong sagutin yang natawag sayo baka importante yan. Teka sino ba yang natawag sayo?" Sabi ni abu.
"Si mommy po" sabi ko kay abu.
"Bakit ayaw mong sagutin ang tawag ng mommy mo, malay mo importante yan" Abu.
"Hindi na po abu, baka papagalitan lang ako ni mommy"
"Akina ako ang sasagot" kinuha ni abu yung phone ko.
After 5 minutes binigay din sa akin ni abu yung phone ko "gusto kang kausapin ng mommy mo" kaya ibinigay sa akin ni abu yung phone.
"Hello mommy?"
"Ariella anak listen to mommy first ha, Im so sorry for making your life miserable. Im sorry anak kasi naging masama akong ina sayo. Hindi ko nagampanan yung role ko as your mom. Kahit ang sama sama ko sayo mahal na mahal mo pa din ako. Baby please come back to mommy. Babawi ako sayo i promise baby. Please wag kang sumama kay mama. I need you"
"Mommy, I love you so much pero buo na po ang disisyon ko, sasama po ako kay abu. Gusto kong mahanap ang sarili ko. Im sorry"
"No baby you dont need to say sorry, ako dapat ang magsorry sayo kasi ang laki ng kasalanan ko sayo. Sige papayagan kitang sumama kay mama but susunduin kita sa america pagkatapos ng project ko. I promise baby. I love you so much Ariella." Mommy
"Sasabihin ko po sainyo kung ready na po akong makasama kayo ulit. Mahal na mahal po kita mommy. Sana maging masaya ka. I love you mom. See you soon."
Pinutol na namin yung usapan namin ni mommy, pasakay na kami ng plane ni abu ng tanungin nya ako. "Apo are you sure sasama kana ba talaga sa akin? Paano si mommy mo gusto nyang bumawi sayo. Sasama ka pa din ba?"
"I dont know abu, naguguluhan pa po ako"
"You know what apo, pwede namang hindi ka tumuloy or kung gusto mo sa resthouse ko nalang sa batangas tayo magpunta kahit 3days tayo don para makapag isip isip ka.
"Sige po abu sa batangas po muna tayo, pagiisipan ko po muna kung tutuloy ba ako sa america. Ayos lang po ba na ipamove natin yung flight papuntang america?"
"Oo naman pwedeng pwedeng iadjust yon"
Lumabas kami ng airport at nagtungo kami sa batangas. Mga 3 hours din bago kami makarating sa batangas. Maganda yung resthouse ni abu dito. Payapa wala kang ibang iisipin plus may sariwang hangin pa.
Sana ganito kapayapa ang buhay ko edi sana sobrang saya ko. Kung sana dito nalang ako nakatira edi wala na akong iisipin pang iba. Nagpunta muna ako sa kwarto ko para magpahinga.

BINABASA MO ANG
The Unwanted Daughter
FanfictionIn this story there's a lot of pain, regret's and hatred, which is make you cry. I hope you will like/love this story! Thank you.