Ariella's POV
Nagising ako kasi nakaramdam ako ng uhaw at gutom, nakita ko si mommy sa tabi ko nakatulog na sya. May swero ako at oxygen na nakakabit.
Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Sana hindi na gawin sa akin ni mommy yon. Natatakot na ako kay mommy. Biglang gumalaw si mommy at nakita akong umiiyak."May masakit ba sayo? Tatawag ako ng doctor sandali lang" akmang tatayo na si mommy pero pinigilan ko sya.
"Wag na po ayos na po ako, gusto ko na pong umuwi"
"Sige kakausapin ko lang yung doctor" lumabas si mommy ng room ko.
Ilang minuto lang bumalik na din sya at sinabing "pwede ka na daw lumabas".
Nasa byahe kami ngayon nandito ako sa back seat at inaalala ko pa din yung ginawa sa akin ni mommy.
"May gusto kabang kainin?" Tanong ni mommy.
"Wala naman po gusto ko na pong umuwi sa bahay"
Nang makarating na kami sa bahay agad na akong nagtungo sa kwarto ko. Gusto ko ng magpahinga pagod na pagod na ako physically and emotionally. Gusto kong sumbatan si mommy sa ginawa nya sa akin pero hindi ko magawa kasi mahal na mahal ko sya.
Narinig ko ang mga yabag ni mommy, siguro magpapahinga na din sya. Narinig kong bumakas ang aking pintuan kaya nagpanggap akong tulog, alam kong si mommy ang pumasok kaya ginawa ko yon. Natatakot na ako kay mommy sa totoo lang. First time nyang ginawa sa akin yon. Maya maya pa'y umalis na din sya.
Ni minsan hindi ako tinanong ni mommy kung kamusta na ako, masaya ba ako. Kung kamusta ako sa school. Never nya akong tinanong ng ganon. Minsan nga kapag nakakakita ako ng student na may kasamang parents inggit na inggit ako. Sana ganon din ako pero malabong mangyari yon ni hindi ko nga kilala yung daddy ko tapos hindi ako mahal ng mommy what a good life hahahahahaahah. Itutulog ko nalang tong nararamdaman ko.
Lea's POV
Nagaalala ako sa kalagayan ni Ariella alam kong ako ang dahilan kung bakit sya malungkot ngayon. Natakot din ako sa nangyari sa kanya buti nalang naagapan agad. Bago ako matulog dumaan muna ako sa kwarto ni Ariella. Payapa syang natutulog kamukhang kamukha ko sya hindi mapagkakaila, kuhang ko nya yung ilong ko at labi pati yung hugis ng mukha nya. Kaya siguro nasabi din ni Vice nung nakaraan na Anak ko si Ariella. Nagtungo na ako sa kwarto ko.
Nagopen muna ako ng phone. Nakita kong nagmessege si Dawn.From Dawn:
Lei free kaba tomorrow? Punta ka dito sa bahay 13th birthday ni Ayisha.To Dawn:
Sure ill go there tomorrow. Thank you for inviting me. See you tommorow.From Dawn:
See yah!Pinatay ko na yung phone ko at natulog na ako dahil late na din naman.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Daughter
FanfictionIn this story there's a lot of pain, regret's and hatred, which is make you cry. I hope you will like/love this story! Thank you.