Chapter 3 - Headmaster

513 25 0
                                    

CIELLE

Ipinatong ko na sa table yung essay na natapos ko at lumabas na sa room. Tinuloy ko na yung pagbabasa ko ng novel kahit na naglalakad ako. Nakikita ko naman kung may makakasalubong ako o wala.

"Matitisod ka sa ginagawa mong bata ka."

Napalingon ako sa kaliwa kung saan nanggagaling yung boses at nakita si Kuya Luke na may dalang suitcase.

"Bakit andito ka na naman Kuya?" Tanong ko. "Busy ka diba?"

"Busy nga. Galing ako ng Headmaster's office. May binigay akong file kay Uncle. At kailangan ko pang puntahan yung ibang Elite na professor dito." Sabi ni Kuya at bigla s'yang tumigil at may kinuha sa suitcase n'ya.

Inabot n'ya naman sa akin yung isang folder at bubuksan ko na sana pero pinigilan ako ni Kuya.

"Open it somewhere private. Elite Club business 'yan. Ibigay mo kay Gray, pabalibag kung pwede."

"Kuya, baliw ka ba? You think I'll do that?"

"Kung pwede nga diba?" Kuya said pointedly. "Anyway, if Gray doesn't like some of it, make the adjustments."

Bigla na lang ginulo ni Kuya yung buhok ko at nagmamadaling umalis. Sakto namang narinig ko yung pagbukas ng pinto sa gilid ko at dun ko lang napansin na nasa tapat na pala ako ng Elite Club room.

"Anong nangyari sa buhok mo?" Tanong ni Jett.

Sinuklay ko naman yung buhok ko gamit yung kamay ko at umusog ng konti dahil nakaharang ako sa dadaanan n'ya.

"Si Kuya." Sabi ko.

"Ah, sige. May inutos si Kamahalan eh. Baka mamaya yelo na buong university."

Kakaway na sana ako dahil paalis s'ya pero bigla n'yang ginulo ulit yung buhok ko at tumakbo palayo habang tumatawa. Ako naman hindi makapaniwalang nakatingin kung saan tumakbo si Jett.

"Uy Cielle—hala may nanabunot ba sa'yo?!"

Bumalik yung tingin ko sa Elite Club room na nakabukas pa yung pinto at lumabas si Aila na inayos yung buhok ko. Pagkatapos n'ya ayusin yung buhok ko, tiningnan n'ya ng masama yung mga nasa hallway kaya hinawakan ko s'ya sa braso.

"Wala, ginulo lang ni Jett yung buhok ko kasi ginawa ni Kuya."

"Gaya-gaya talaga yung bwisit na 'yon, teka igaganti kita sa kapreng 'yon."

Hindi na ako nakaangal dahil humangin lang ng malakas ay nawala na si Aila. At bago pa may sunod na manggulo ng buhok ko—baka sabunot pa sumunod—pumasok na ako sa club room.

Pagpasok sa Elite Club room na kasing laki ng isang classroom sa university, bubungad yung leather couch set na may coffee table. Sa magkabilang gilid ay may tig-anim na work desk at yung pader ay shelf na may mga folders. Halfway ay may isa pang pinto na hindi ko pa napapasok. May space pa sa gilid ng kwarto na 'yon na may water dispenser, mini fridge, snacks shelves, oven, coffee maker, at blender.

Doon din nakatayo yung hagdan na nagle-lead sa conference room ng club.

Sa may snacks area ko nakita si Gray na kumakain ng cupcake at may tasa ng...tsaa o kape siguro.

"You're here. Coffee?" Tanong n'ya nang makita akong papalapit.

"A-ako na lang kukuha." Sabi ko nang makitang patayo na s'ya.

Napatigil naman ako sa pag-aabot ng folder. Hindi ko mapigilang magdalawang isip na iabot kasi kumakain s'ya.

"Sa'yo pinagawa ni Kuya Luke?" Tanong n'ya at ngayon ko lang napansin na hawak na n'ya yung folder!

The HourglassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon