CIELLE
Iba-iba yung isla na pupuntahan ng bawat year pati ng mga Top 10. Kaya Sunday na ng hapon nang mapuntahan namin yung Forbidden Island.
Kumpara sa ibang isla, dalawa lang yung nagbabantay at bukod sa dalawang yun ay wala ng tao.
"Can the shore hold about 7,000 people?" Tanong ni Gray.
"Yes. Keeping them within the shore would be the issue, Your Highness." Sagot ng isa.
Nang sabihin na ni Gray yung gusto n'yang mangyari para wala talagang makakapasok sa isla ay tiningnan ko yung bungad ng gubat. Siguro mga 100 meters layo namin mula sa kung saan kami nakatayo. Pero kahit ganun ay nakakaramdam ako ng kilabot. Mamaya pa lulubog yung araw pero ang dilim na tingnan nung gubat kahit sa bungad lang.
Hindi naman ito yung first time ko dito. May times kasi na may makukulit na turista na tumutungtong dito kahit hindi kasama sa island hopping. At dahil maraming nagpupumilit, talagang si Kuya o ako ang pupunta dito para pagsabihan sila.
"Na-brief na po kami ni Sir Lucas kaya halos 30 na personnel ang pupunta dito sa last day ng Training Camp. Tapos sabi rin ni Sir Lucas ay may professors din na mauuna at sasama s'ya sa huling araw."
Matapos 'yon ay umalis na kami sa isla. Pinatuyo pa ni Aila yung laylayan ng dress namin. Kung tutuusin, pwede naman s'ya mag-pants o mag-shorts pero sabi n'ya dadamayan daw n'ya ako sa pagsuot ng dress. Kaya pareho kaming nakasuot ng dress na hanggang binti. Bumaba na kami sa yacht nang huminto na sa port.
"Mukhang dumating na sila." Sabi ni Aila.
Lahat kami napalingon sa hotel kung saan may pila. Pila na mas mahaba sa usual na pila sa front desk. Dumiretso naman na kami sa gate kung saan papunta sa estate namin. Naglakad lang kami gaya nung nakaraang mga araw at sa front door kami pumasok dahil may inaasikaso sa area kung nasaan yung back door.
May iilang mga gamit at tao sa receiving area pagpasok namin ng bahay at may mga professor din. Kasama na doon si Professor Murphy at si Uncle.
"Oh, andito na pala sila Headmaster." Sabi ni Professor Murphy nang makita kaming apat.
"Cielle, Aila, Jett, and Gray. Saan kayo galing?" Tanong ni Uncle.
"Double checking. Kagagaling lang namin sa Forbidden Island, Headmaster." Sagot ni Jett.
"Nana Delilah," tawag ko nang makita ko s'ya, "everyone's room is ready, right?"
"Yes, hija. Halos kararating lang nila kaya nandito pa."
"Anong meron sa likod?" Tanong ko. "Opening party ba para sa Training Camp?"
"Oo. Sige na, may gagawin pa ako. Mag-ayos ka na doon. Hinanda ko na yung gagamitin mo. Dadating na rin si Lucas mayamaya."
Tinanguan ko si Nana Delilah bago s'ya lumiko sa dining at kitchen area ng bahay. Hindi ako sigurado kung anong oras sila nagsimula dahil after breakfast umalis na kami. Pero malamang kanina pa dahil halos pitong libo yung pupunta. Kahit kanina habang kumakain kami ng agahan ang dami na nilang ginagawa. May mga chef pa nga sa hotel at establishments doon na pumunta para tumulong.
"Mag-ayos na kayo. Ako na muna bahala tumingin sa preparations." Sabi ni Uncle kaya umakyat na kami papunta sa fourth floor.
"Cielle, punta ako sa kwarto mo pagkatapos ko ha? Ayusan kita." Sabi ni Aila.
"Sige. Iwan ko na lang na bukas yung pinto."
Nang makapasok ako sa banyo sa kwarto ko ay nagsimula agad ako maligo. Sinigurado kong hindi ako amoy karagatan kasi kanina amoy na amoy sa buhok ko yung amoy ng dalampasigan. Mabilis lang akong natapos maligo dahil mas matatagalan ako sa pag-aayos.
BINABASA MO ANG
The Hourglass
FantasyA giant hourglass stands in the middle of the Hudson University. Word has it that its sand has been falling down for hundreds of years and no one knows when it'll stop and what will happen when it does. But as people notices how little sand left it...