Chapter 15 - Giants

256 18 7
                                    

CIELLE

Awkward...

Malapit na sumikat yung araw pero gising na ako. Kusa kasi akong nagigising ng bandang 4AM kaya ayun, ako na rin nag-volunteer na bandang ganung oras ay ako magbabantay.

Yung spherical light na gawa ni Jett yung nagsisilbing ilaw namin. Sobrang liwanag n'yan pag gabi pero kapag matutulog kami, dimmed. Sa ibang grupo, kung hindi campfire ay apoy na lumulutang sa gitna nila.

Hindi ko alam kung gising ba yung nagbabantay sa ibang year level dahil medyo malayo agwat namin sa iba. Pero buti na 'yon, walang nakakakita na para na akong tuod na nakaupo dito.

Kung tutuusin, dapat naglalakad-lakad ako o kaya nasa ilalim na ng tubig at nanghuhuli ng kung anong edible na lamang dagat. Basta yung hindi ako mababagot dahil wala akong dalang libro na pwedeng pampalipas oras. Pero hindi ko magawa.

Kanina kasing nagising ako, may gising din sa grupo namin, si Gray. S'ya yata yung nagbabantay bago ako. Ewan, basta nagbatian lang kami ng good morning na medyo awkward din. Malay ko bang may mangyayari pang mas awkward pa sa batian namin kanina?

Ang alam ko lang, inaayos ko yung pagkakapatong ng ulo ni Aila sa bag n'ya. Konting usog na lang kasi, sa buhangin na s'ya nakaulo.

Nagulat na lang ako na may bumagsak sa hita ko at pagtingin ko, si Gray na nakahalumbaba lang nung huling tingin ko, nakaunan na sa hita ko at tulog. Kaya ayun, isa o dalawang oras na akong hindi gumagalaw sa kinauupuan ko sa takot kong magising s'ya. Parang nung time lang na may dinala akong puppy sa lost and found at nakatulog sa akin.

Iba nga lang 'to. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Kaya naman isinandal ko sa puno yung ulo ko at pumikit. Dinama ko yung simoy ng hangin at pinakinggan nang maigi yung alon. Ilang minuto kong ginawa yun hanggang sa naramdaman kong kumalma na yung tibok ng puso ko.

I don't know if I'm overacting by being nervous. But I'll just convince myself that it's because even my brother hasn't slept on my lap. I'd rather think of that than relate reality to the romance books I've read.

Ayokong maging delusyonal. Na kung anu-ano iniisip ko at ia-assume.

"Oh, sorry."

Dumilat ako nang marinig yung boses ni Gray at kasabay nun ay nawala yung pressure sa kandungan ko. Nakita ko s'yang iniikot yung leeg habang nakapikit.

Minura ko tuloy yung sarili ko sa isip ko.

"It's okay." Sabi ko at uminat bago tumayo.

Pinapatunog ko yung mga kasukasuan ko habang naglalakad palapit sa karagatan. Sunod ko namang ginawa ay mag-stretching bago lumusong sa tubig. At gusto ko sanang umalis dahil ang lamig-lamig ng tubig.

But I need this. Cold ocean water to wake me up and I'd go as far as letting a crab pinch me with its pincers.

I can't believe I thought that Gray was attractive while he was simply rotating his neck!

I'm not saying he's not handsome, because he is. Incredibly.

What?

Napasinghap ako sa pinag-iisip ko bago sinampal yung sarili ko saka lumusong sa tubig. Dala siguro ng pagod 'to. Nasa pang-apat na isla na kasi kami. At laging sa buhanginan kami natutulog. Bitin pa tulog ko dahil yung katawan ko masyadong sanay magising ng 4AM kahit na dalawa o tatlong oras pa lang nakakatulog.

Umangat naman ako dahil naubos na yung hangin ko at balak ko pa sana magpalutang-lutang ng ilang segundo nang may maramdaman akong umaaligid sa paa ko. Napakumpas tuloy ako ng mga kamay ko paharap. Ilang metro siguro yung inatras ko habang nagkaroon ng wave sa direksyon ng pinagkumpasan ko.

The HourglassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon