CIELLE
Kaliwa't kanang gulat at mura yung naririnig ko. Pero tuloy lang ako sa pagtakbo. At may iilan ding tumatakbo na iniiwasan ko.
How did things end up like this?
Ang plano namin ay kuhain ng tahimik yung scroll na nakasabit sa Holy Tree of Monkey Island. Na tatanggalin yung pagkasabit doon gamit yung vines at dadalhin ng hangin ni Aila yung scroll palapit sa amin.
Makukuha na nga sana namin ng tahimik yung scroll kaso may baby monkey na sumigaw. Nakuha nun yung atensyon ng nagbabantay na apes sa Holy Tree at nakita kami. Ayun, naghuramentado na at may mga tulog pala na unggoy sa malapit na puno doon.
Pinaghahabol kami at kanina pa. Kaya hinihingal na ako!
Option naman yung pag-akyat sa puno kaso marunong din umakyat ng puno yung humahabol sa akin kaya wala ring sense. Magsasayang lang ako ng effort.
May natanaw naman akong paglilikuan at sana lang hindi marunong lumangoy 'tong unggoy na kanina pa nakasunod sa akin. Di bale na mabasa basta tigilan na ako ng isang 'to.
"Ah—"
Pasigaw na ako sa gulat nang may humatak sa akin kaso natakpan yung bibig ko. Dali-dali kong nilingon yung humatak sa akin at nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Gray lang pala. Pero napasinghap ako sa kaba nang tumigil sa tapat ng dahunan kung saan kami nakatago ni Gray ngayon yung humahabol sa akin.
Yumuko pa ako lalo dahil baka makita ako, muntik pa ako ma-out of balance dahil napasobra. May nasandalan lang yung likod ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang sa ibang direksyon lumiko yung unggoy.
"Ow," nasabi ko na lang at tuluyang umupo sa lupa.
"How long 'til these monkeys calm down?" Tanong ni Gray.
"I'm not sure. Ngayon ko lang naman sila nakitang agitated." Sabi ko.
Sinimulan ko namang masahihin yung ankle ko. Natapilok kasi ako kanina at wala naman akong oras para damhin yung sakit dahil malay ko ba kung anong mangyayari sa akin kapag nahuli ako nung unggoy.
"Did you sprain your ankle?" Tanong ni Gray.
Hindi pa ako nakakasagot pero nakahawak na s'ya sa ankle ko at nung tiningnan n'ya ako, umiling lang ako saka sinabing, "natapilok lang naman ako."
Tiningnan n'ya naman ako na may pagdududa pero dalawang kamay na yung hinawak n'ya sa ankle ko at may naramdaman akong lamig at konting pamamanhid doon.
"Pwedeng ma-sprain yung ankle kahit tapilok lang. Mabuti na yung nag-iingat. Tara."
Wait...is this his version of ice pack? Talagang yung laman loob yung pinalamig n'ya.
Tinulungan lang n'ya ako tumayo at kahit na nag-offer s'yang alalayan ako, tumanggi na lang ako dahil kaya ko naman maglakad. Medyo ika nga lang. Pero nakarating kami sa lugar na kinonsidera naming base ng sophomores at nandun na rin yung iba.
"Ano nangyari sa'yo, girl?" Tanong ni Aila na napatigil sa pag-aayos ng buhok.
"Natapilok lang." Sabi ko.
"Na-sprain ka ba?" Nag-aalalang tanong n'ya at umiling ako. "Then why are you walking like that?"
"I slightly froze the muscle around her ankle so it won't swell and lead to a sprained ankle." Singit ni Gray sa usapan namin ni Aila. "Magagalaw mo naman na ng maayos 'yan mamaya."
"That's nice to hear. Just tell us if your ankle hurts later, ha?" Sabi ni Aila.
Tumango na lang ako at napalingon ako sa gubat dahil may naririnig akong dumadaing. At nanlaki yung mata ko nang makita si Jett na tumatakbo palabas. Kaso may apat na naglalakihang gorilla sa likod n'ya.
BINABASA MO ANG
The Hourglass
FantasyA giant hourglass stands in the middle of the Hudson University. Word has it that its sand has been falling down for hundreds of years and no one knows when it'll stop and what will happen when it does. But as people notices how little sand left it...