CIELLE
Travelling for nearly ten hours without reading a book or falling asleep seemed impossible for me. Not until I reunited with these three.
Para ngang walang katiting na pagkadelikado yung pupuntahan namin kung kumain kami sa sasakyan. Si Aila at Jett ayun, panay pa rin ang asaran.
"Hindi naman siguro tayo tatakbo ano? Busog na busog ako."
Nilingon ko sila sa backseat at nakitang kumakain pa rin sila. Si Aila naman na nasa driver's seat ay saglit silang tiningnan at ngumiwi.
"Busog eh todo lamon ka pa r'yan. Para kang baboy Jett." Pang-aasar ni Aila.
"Hoy! Kung baboy ako, bakit ako may abs ha?!"
"Abs-abs ka r'yan eh parang butete na 'yang tyan mo! Tanong mo pa si Cielle!"
Bakit nadamay ako?
Nang tiningnan na ako ni Jett ay agad kong nilihis yung tingin ko. At sa bucket of fries napunta yung mata ko kaya dumukot na lang ako roon at umayos ng upo.
Halos ala una na rin ng hapon at dahil matagal pa ang byahe namin, bumili lang kami ng pagkain at nagbanyo sa rest stop. Kanina kaming dalawa ni Aila yung nasa backseat at kumakain, ngayon, silang dalawa naman ang nasa backseat.
"Anong oras tayo makakarating sa Chronos?" Tanong ko kay Aila.
"Damn, you got ignored real bad, Jett." Natatawang sabi ni Gray sa likod.
"Super love na talaga kita Cielle." Humahalakhak na sabi ni Aila habang nasa harap ang tingin. “Around 5PM.”
Napatango na lang ako at sa natitirang oras ng biyahe namin ay minsan maingay tapos biglang tatahimik. At nang makarating kami sa Chronos ay napagkasunduan naming kumain muna ng hapunan.
Hanggang dito sa Chronos na halos sampung oras ang layo mula sa Kefalaio ay kilalang-kilala yung mukha nila. Lalo na si Gray.
Sa rooftop pa nga kami ng restaurant pinapwesto at yung manager at chef yung personal na nag-serve ng pagkain.
“Wow. The Forest of Time looks good but who knows what happens there at night.” Ani Aila.
Napatingin kami sa labas at dahil nasa rooftop kami ay kitang-kita namin yung kagubatan na may kaunting kinang. The glow maybe faint but I’m sure it’s brighter if we were closer.
I don’t travel a lot but I’ve read a bunch of books about the Regions of the kingdom. And each region has something unique to them. Be it a plant or creature. As for Chronos, it’s the Prophetical Tree.
Kinokonsulta lang ‘yon kapag may hakbang na gustong isagawa na maapektuhan ang citizens ng Kingdom of Artisan. The King probably has a plan in mind to thwart the movements of the opposition but to avoid unnecessary events that may lead to the destruction of the kingdom, the Prophetical Tree must be consulted.
And the Forest of Time where the Prophetical Tree is situated, is not as friendly as it looks on the outside. Delikado raw ang Forest of Time kapag gabi. Siguro maitutulad s’ya sa Forbidden Island of Nero.
Matapos naming kumain ay dumiretso na kami sa lodging namin at natulog na.
*~~*
Hindi namin alam kung gaano katagal kami sa loob ng Forest of Time. Pero para masigurado na hindi kami aabutin ng gabi ay mga 12NN kami pupunta roon. Kaya nga hindi lang heavy breakfast ang kinain namin. 10AM pa lang ay kumain na ulit kami para sa lunch.
At habang kumakain ay nakikinig kami sa isa sa tagabantay ng kagubatan.
“Kinakabahan ako.” Sabi ni Aila at humugot ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
The Hourglass
FantasyA giant hourglass stands in the middle of the Hudson University. Word has it that its sand has been falling down for hundreds of years and no one knows when it'll stop and what will happen when it does. But as people notices how little sand left it...