CIELLE
It took probably more or less an hour for Uncle to introduce the routes. Binanggit n'ya kasi kung anong year level at kung sino yung mga professors na magfa-facilitate sa bawat route at island. Wala namang binanggit kung anong araw pupuntahan yung island. Kaya kahit sa amin galing yung napagdesisyonang routes, hindi namin alam kung gaano katagal kami sa isang isla. Wala ring sinabi kung anong klaseng training gagawin namin doon.
Si Kuya naman, umalis ulit sa table at pumwesto malapit sa stage. At nang matapos na si Uncle, s'ya na ulit. In-announce n'yang dinner na kaya tinawag n'ya yung mga nagluto. Then, one of the chef's snapped his fingers.
In the blink of an eye, the food was already on our table. The countless waiters and waitresses began filling our cocktail glasses with drinks.
Lumiwanag din lalo sa backyard kahit na kalulubog lang ng araw. May palipad-lipad na Night at Light Sprites at may lumulutang na balls of light.
Overall, the ambiance in the backyard screamed Art. The lights, the services, even the tables used. I've handled a handful of events here in our estate's backyard that I know Nana Delilah molded the tables and chairs we're using. Nana Delilah has the Art of Creation and she always created the tables, chairs, stage, and whatever was needed for a party or outside dinner for as long as I can remember.
Matapos kong kainin yung main dish ay nagpaalam na akong lilipat na sa table ng sophomore Top 10. Kanina pa kasi tinatanong ng ibang kasama namin sa table. Bukod sa professors, yung ibang kasama namin ay may-ari ng mga restaurants and other businesses sa may beach at hotel.
Other than the hotel employees namin, wala pang nakaka-meet sa akin.
"You finally escaped the hellhole." Bungad ni Gray na unang nakapansin na palapit ako sa kanila.
"Akala ko buong party ka na ron." Natatawang sabi ni Jett.
Hinatak ako ni Aila para mas mapalapit ako sa bakanteng upuan sa gitna nila ni Gray. At hahatakin ko pa lang yung upuan pero naunahan na ako ni Gray.
"T-thank you." Sabi ko at umupo.
Tango lang yung sinagot n'ya bago bumalik sa pwesto n'ya. Hindi ko in-expect na hahatakan n'ya ako ng upuan. So I'm a bit shocked that I didn't catch everything that Aila was saying. Next thing I heard, sinasabihan na ni Aila si Jett na kuhaan din s'ya ng dessert sa dessert table.
"Ano ka? Sinuswerte? Inaalipin n'yo ako ni Gray ah!"
"Dali na white chocolate fondue lang! Kuha mo na rin si Cielle!" Dagdag ni Aila kaya tiningnan ko s'ya na may gulat.
"Fine! Ikaw?" Tanong ni Jett sa akin.
"Kahit wag na—"
"Kahit ano raw!" Putol ni Aila sa sinasabi ko.
Lumingon lang si Jett habang nakakunot yung noo bago naglakad papunta sa table kung nasaan yung dessert table. Tinitingnan ko naman si Aila na nakatingin kay Jett. Kumunot yung noo n'ya at padabog na kumuha ng finger food na nasa tapat n'ya. Binalik ko yung tingin ko kay Jett at nakitang may kausap si Jett na babae.
Isang pigil na tawa naman yung narinig ko kaya napalingon ako. Iiling-iling si Gray at nang makita n'yang nakatingin ako ay lumapit s'ya sa akin. Aatras sana ako kaso may binulong s'ya.
"Let them be. It's fun seeing them like that." Bulong n'ya at tumingin sa likod ko.
Paglingon ko ay nakita ko si Aila na kinakausap yung lumapit sa kan'ya na lalaki. Binalik ko naman yung tingin ko kay Jett at kunot na kunot yung noo n'ya.
This guy...
Napailing na lang ako dahil tuwang-tuwa si Gray na pabalik-balik ang tingin sa pinsan n'ya at kay Aila. Hindi kita sa emosyon ng mukha n'ya, pero sa mata, oo.
BINABASA MO ANG
The Hourglass
FantasyA giant hourglass stands in the middle of the Hudson University. Word has it that its sand has been falling down for hundreds of years and no one knows when it'll stop and what will happen when it does. But as people notices how little sand left it...