Chapter 17 - The Journal

285 18 2
                                    

CIELLE

My head hurts. Like so bad.

Anong oras na pero nakahilata pa rin ako sa kama ko. Dinalhan na nga lang ako ng pagkain dito sa kwarto. Bukod sa tinatamad ako bumaba, naba-bother ako sa mga panaginip ko.

What happened was, Gray and I were in the forest in the Forbidden Island. And that's absurd. Kinikilabutan nga ako kahit tinitingnan ko lang yung gubat na nandoon, tapos pinuntahan ko?

Parang gumapang yung kilabot sa katawan ko dahil naalala ko yung panaginip ko. Saka naman sumagi yung isa ko pang panaginip.

I was walking in the halls wearing a gown, halls that's similar to Hudson University's, and I ended up in a maze garden. At the center of that maze garden, was guy with his back facing me. Then, that's it. Nagising na ako.

"Akala ko tulog ka pa eh."

Napalingon ako at nakita si Kuya na nakasilip sa may pinto ng kwarto ko pero pumasok din s'ya. Umupo naman s'ya sa kama ko.

"And I just told you last night that I wanted to see you drunk. Hindi ko naman akalaing agad-agad."

Tiningnan ko si Kuya na nagsasabing hindi ako naniniwala.

"Alam mo ba kung paano ka nakauwi?" Tanong ni Kuya at natawa s'ya ng hindi ako nakasagot. "Edi nalasing ka. Sayang di ko nakita pinaggagawa mo."

"Paano ba ako nakauwi?" Tanong ko.

"Inuwi ka ni Gray." Sagot ni Kuya.

Bigla namang kumirot yung ulo ko kaya minasahe ko. Si Kuya tawang-tawa pa rin sa akin. Ipaalala ko kaya sa kan'ya yung drunk moments n'ya?

Yung buong gabi silang uminom ng mga kaibigan n'ya at may araw na s'ya nakauwi. Tapos pinagsasayaw n'ya lahat ng maids namin. Kahit yung butler namin, sinayaw n'ya.

"Damn, my childhood crush on you is resurfacing."

Mabilis akong napadilat nang may narinig ako sa isip ko. What was that? At bakit boses ni Gray?

"Ikaw ah, bakit namumula kang bata ka?" Mapang-asar na tanong ni Kuya. "Di bale, mas ayos ako kay Gray kaysa kay Domingo."

"Huh?" Kunot noo kong tanong nang marahas kong nilingon si Kuya. "Pinagsasabi mo Kuya?"

Imbis na sagutin ako, may inabot na pictures si Kuya sa akin. At talagang nagulat ako nang makitang childhood pictures ko yun. Ang nakakagulat ay lagi akong may kasamang batang lalaki.

Parang ngayon ko lang nakita 'to?

"Sino 'to?" Tanong ko.

Sobrang nanlaki yung mata ko nang makita yung dalawang picture. Tulog ako pero yung batang lalaki sa picture, nakayakap sa akin at tulog din. Tapos sa isa—oh my goodness, yung isa.

Anong kaharutan ang mayroon ako nung bata ako at nagka-first kiss ako ng around 4 or 5 years old?

"Kuya sino 'to?!" Gulat tanong ko.

"Alin? Yung semi-kalbo na batang kasama mo r'yan?"

Sinimangutan ko si Kuya, dahil malamang. He obviously has an idea who this kid was.

"Tanong mo si Aila."

"Ha? Wait, nasaan sila?" Tanong ko.

"Umuwi na."

At umalis na talaga si Kuya sa kwarto ko. Ilang minuto pa akong humiga sa kama ko bago ako nakapagdesisyong tumayo at mag-ayos. T-shirt at short lang sinuot ko tutal wala naman akong balak lumabas ng kwarto ngayong araw. Ire-rearrange ko na lang yung mga libro ko.

The HourglassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon