Chapter 10 - Friends

324 19 0
                                    

CIELLE

Nilakad lang namin mula sa estate namin papunta sa Hotel and Resort. Pwede naman kaming gumamit ng golf cart para mas mabilis pero gusto raw nila makita yung paligid.

Ang weird nga eh, kanina pa actually. Nung breakfast ay ayos pa. Pero mula nung sa kwarto ko nagpalipas ng oras si Aila hanggang sa ngayon na naglalakad kami papunta sa Hotel and Resort ay ang tahimik. Si Aila at Jett hindi nagtatalo. Kahit imik wala.

"Cielle." Tawag ni Gray kaya lumingon ako. "Dito rin nakalibing si Tito Lonnie at Tita Coleen diba?"

Tito? Tita?

"Close ka kay Mom at Dad dati?" Tanong ko.

"Kaming tatlo actually. At ewan ko kung natatandaan mo Cielle, pero, close din tayong apat nung bata pa tayo." Sabi naman ni Aila.

"Madami tayong picture na apat dun sa photo album na tinitingnan namin kanina." Dagdag ni Jett.

Napatingin ako sa malayo dahil sa sinabi nila. Parang wala akong matandaan? Hinalukay ko yung memorya ko pero wala talaga akong matandaan kaya naman naglakad ako. Pero hindi sa daan papunta sa connecting gate ng estate at beach.

Ramdam kong nakasunod sila at nang tumigil ako sa flower garden namin ay ganun din sila.

"Kuha kayo ng bulaklak. Dadalhin ko kayo dun." Sabi ko.

Hindi agad sila nakakilos. Pero nang nauna akong pumutol ng bulaklak ay saka lang sila sumunod. Pale pink rose ang unang bulaklak na kinuha ko at nagulat ako dahil may nakatayo na sa tabi ko habang ginugupit ko yung mga tinik. Nang lumingon ako ay nakita ko si Gray na namimili sa fuschia na roses.

Sa loob ng ilang minuto ay ganun kaming apat. Paikot-ikot sa flower garden at hindi ko maiwasang magulat na marunong sa flower arrangement si Gray at Jett.

"Shocking diba? Yung bungangerong Jett at isnabero na Gray marunong?" Natatawang tanong ni Aila na tango lang ang naisagot ko.

Malaki yung flower garden ni Mom dito at sa gitna ay may maliit na pavillion na may table. At kasalukuyang magkatabi kami ni Aila na inaayos yung mga na bulaklak na kinuha namin.

"I can't remember." Sabi ko at napalingon si Aila sa akin. "Anything about that day and everyone involved except my brother, the Headmaster's family, and the workers of our estate."

"I see. Medyo alam ko na. Kasi...hindi naman talaga maganda ang nangyari noon." Malumanay na sabi ni Aila.

"It's trauma. Ang sabi ng Healers ay pagkalimot yung naging defense mechanism ko para hindi ako masaktan ng sobra."

"We understand. Alam mo bang nung unang beses na sinabi ni Kuya Luke na baka nga nakita ka na namin, hindi ako naniwala. Buti na lang pala inistorbo ni Gray si Kuya Luke tungkol sa napansin n'ya sa Hourglass. Kung hindi pa nagpakawirdo si Gray nun, baka hindi pa namin nalaman na ikaw kapatid n'ya."

"So that's what you meant when you told me not to take it the wrong way na komportable ka sa akin?" Tanong ko.

"Hindi FC?" Natatawang tanong ni Aila. "Pero, aba, kung alam ko lang nung freshman na si Cici ang roommate ko malamang di ako missing in action sa dorm! Kasalanan din 'to ni Kuya Luke at ng Headmaster."

"Huh?" Takang tanong ko.

"I mean, they could've just said that I'm in the same dorm room as you. Edi sana hindi puro pakikipagplastikan ang ganap ko sa babaeng batch mates natin last year at hindi sa club room natutulog."

Hindi ko napigilang matawa ng konti habang kinekwento ni Aila yung pakikipagtarayan n'ya. At medyo nakahinga ako ng maluwag.

I've looked at the photo albums countless of times, in hopes of regaining the memories my brain refused to remember. More than half of the photos are with two boys and one girl. And I've always wondered, who were they.

The HourglassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon