Chapter 7 - Night Party

355 20 0
                                    

CIELLE

"OMG, bakit ganun?!"

"Why?"

Nakakunot lang yung noo ni Aila habang nakanguso. Kaya naman lumapit ako sa kama ko kung saan naglatag si Aila ng mga damit ko na minix and match n'ya pero tinapik n'ya yung kamay ko.

"Girl, you look absolutely gorgeous! Now just wear this pair of shoes and we're good to go! Mahihirapan lang ako mamili ng dapat mo suotin lalo na at bagay sa'yo lahat."

Sinuot ko na yung wedge sandal ko na isa sa kinuha n'yang sapatos ko sa closet. Cropped shirt at high waist skirt yung suot ko ngayon. Habang naka maong shorts at open-back shirt s'ya at chunky heeled shoes.

Nagsusuklay s'ya ng buhok kaya naman ginamit ko yung time na yun para ayusin yung light makeup ko. Nag-retouch ako ng blush on at lipstick. Inayos ko din yung kilay ko.

At nang natapos si Aila sa pagre-retouch ay lumabas na kami. May iilan ding nasa hall at nakabihis. 9PM nagsisimula yung night parties at ilang minuto pa lang naman nang makalagpas ng alas nuebe.

"Shocks, sana pala sinabi ko na lang na hintayin nila tayo sa lobby. Maghahanap pa tayo ng di oras dun sa dalawa." Biglang sabi ni Aila nang bumababa na kami.

May dalawang hagdan sa second floor at sa west wing kami galing ni Aila dahil nasa west wing ang girls' dormitory. Magkatapat lang naman yung hagdan papunta sa West at East Wing pero sa gitna nun ay yung pinto papasok ng Dining Hall. At yung katapat ng pinto ay yung grand staircase pababa ng lobby.

Kalahati ang sakop ng Dining Hall kasama yung terrace sa likod. At yung kalahati naman ay may chairs and tables kung saan madalas nags-stay overnight yung ibang groups kapag may project lalo na at off limits ang dorms sa opposite gender beyond 10PM. May vendo machines din doon.

Bumaba kami ni Aila sa lobby at rinig ko na yung club music na nanggagaling sa likod. Usually ay medyo packed ang dormitory lobby dahil may gaming area dito pero dahil it's that time of the week, the lobby's nearly empty. Mga napapadaan lang dito, tulad namin, ang mga tao.

Hinila naman na ako ni Aila papunta sa likod ng grand staircase kung saan nanggagaling yung music. May nakabukas na pinto doon at nang pasukin namin, dim lights na lang yung liwanag.

"I kind of expected you to freak out a little."

"Aila, this maybe my first time in Weekend Night Parties here but definitely not my first time to be in a club." I said louder than my speaking voice because of the music playing.

"Good to know! I thought I was being a bad influence!"

We squeezed through the crowd, trying to find where Jett and Gray sat. It wasn't an easy thing to do because other than it's pretty crowded, the place is as large as the Dining Hall, minus the round tables and chairs. We even passed through the dance floor and I barely escaped being dragged to dance. And few minutes after, Aila finally spotted them.

"Wow, himalang wala pa silang alak sa table." Sabi ni Aila. "Tayo na nga mag-order."

Lumapit kami sa bar counter at agad na may bartender na lumapit.

"Vodka..." nag-aalangang sabi ni Aila.

"You can go for tequila, beer, or whisky. Or all three." Agad na sabi ko.

Tiningnan ako ni Aila na parang hindi makapaniwala. At nang makitang hindi ako nagbibiro ay namili na s'ya ng drinks, pati snacks, at sinabing dalhin sa table. Pumunta naman na kami sa table. May round table sa gitna at may half circle couch kung saan nakaupo ngayon si Jett at Gray.

The HourglassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon