***Chapter 27: So Sick
"So iiwan mo kami dito?!" Sabay puppy eyes sakin ni Aica.
"Nakakatakot kaya dito Trish baka mamaya...may MULTO!!" Sabi ni Erika.
"Waaaaaaah! >.<" sigaw nila dalawa.
Nagtakip ako ng tenga ko dahil sa kanilang sigaw. Grabe. Kaylangan ko pumunta sa school nuh. Eh si Anna naman kasi iniwan sila agad. Baka bad trip pa yoon kay Shawn.
Naku naman may bitter din ba ang babae na yun.
Nakita ko sila Aica at Erika na parang takot mag-isa sa bahay.
Grabe lang?! Ako nga lang minsan mag-isa dito, tapos sila? Yaan kasi resulta sa panunuod nila ng horror tuwing gabi.
"Sama mo nalang kasi kami Trish." Makaawa sakin ni Erika. "Promise! Hindi kami magiingay ni Aica."
Nag- please sila sa harap ko. Hindi ko matiis ang gingawa ko. Ma-lalate na ko eh.
Um-oo ako sakanila. Basta nag promise sila na hindi sila manggugulo. Patay ako kay Ms. Ella kung ganun nangyari nuh.
***
Nandito na kami sa school at halatang naninibago ang dalawa dahil malaki ang paaralan.
Parang hindi naman ito kagaya sa Korea.
Nagpaalam sila na sa cafeterea lang daw sila tatambay. Alam mo naman sila. Pagkain lang ang nabubuhay sakanila.
Buti nalang ako nalang mag-isa. Palakad ako papuntang classroom ng biglang...
"Trisha!"
Sino naman kaya tumatawag na yon?! Tinignan ko kung sino.
Si Sir Matthew pala.
"Kumusta kana?!" Sabay ngiti niya. "I just want to congratulate you for job well done! Hindi ko akalain na mapipilit mo silang pakantahin right in front of the audience."
So ibig sabihin. First time ng mga gangsters na ito ang kumanta?! Is this true?! NO LIES?!
"A..ah. Sir wala po yun. Just doing my part as a leader. Hindi naman po sila masyadong magulo." Sabay ngiti ko kay sir.
"Kala mo lang.." Bulong ni sir.
"Ano po yun sir?!"
"Wala. By the way, thank you ulit. I'll see you around." Sabay wave ni sir at umalis na. Si sir talaga ohh.
Pumasok na ko sa classroom at nakita ko nag-aaral ang mga classmates ko. Wow lang ha?! Anong mayron?! Himala?
Pumunta na ko sa upuan at nakita kong seryoso sila sa pag-aaral. Lalo na si Jun, yung loko-loko naming classmate.
"Anong mayroon?!" Tanong ko kay Grace na siya din ay nag-aaral.
"May special exam daw ngayun. Parang reviewer exam. Usually, ganun ginagawa nila eh pag malapit na ang finals." Paliwanag niya.
"Eh bat sobrang seryoso nila?!"
"Kasi naman hindi ka makakapag-graduate pag hindi mo to pinasa. Lalo na kung sa mismong exam."
Kaya pala. Ganun pala patakaran nila. Buti nalang ako. Nag-aral ako sa bahay kahit madaling araw na. Iniisip ko panaman na may special exam.
Heto ngayun. Mayroon nga!
Nagbasa lang ako ng libro. Nakakaeplowensya eh.
Basa..
Basa...
Basa...
Grabe ang sakit ng ulo ko. Pano ba naman kasi hindi ko parin makalimutan ang ginawa nila Erika, Aica at Anna kagabi.
Sumagaw sila na parang hindi nagkita within 1 year. Sa pagkakaalam ko, wala pa kaming isang taon dito sa Pilipinas.
Biglang pumasok si Ms. Ellen at binati kami ng good morning.
Sana naman maganda ang morning ko.
***
Sa wakas recess na! Grabe. Buti nalang nasagot ko lahat ng dapat sagutin sa 'special exam' daw. Madali naman talaga yun.
Sumasakit parin ang ulo ko ngayun kaya parang nalabo ang paningin ko.
"Oooops.. Okay ka lang Trish?!" Pag alalay sakin ni Grace.
Hindi ko naramdaman na pahulog na pala ako sa kinuupuan ako. Buti nalang inalalayan niya ko.
Parang feeling ko nanghihina ako na hindi ko alam kung bakit.
"Okay lang ako. Grabe lang sakit ng ulo ko." Paliwanag ko.
"Gusto mo punta tayo sa clinic para bigyan ka ng gamot?!" Tanong niya saakin na parang nag-aalala.
"Okay lang ako. Kaya ko to." Matapang kong sinabi. Baka kulang lang ako sa gutom or something dahil hindi ako nag breakfast dahil inubos nila Aica at Erika ang pagkain.
Ganon sila katakaw.
Nakita ko sila Aica at Erika may mga kausap. Take note ha!
Students sila. Wow ha. Super friendly ba sila? Ang alam ko masusungit mga yan.
Linapitan ko sila dahil gusto ko malaman kung anong pinaguusapan nila.
"Pagnakilala niyo si Trish. Naku mabibighani kayo sa ganda niya." sabi ni Aica sa mga tao.
"Hindi lang maganda siya. Matalino pa." dagdag ni Erika.
Ano nanaman ba ito?!
Lumapit ako at nakita nila ata ako. Agad nilang pinalayas ang mga tao. Dahil alam nila kung ano gagawin ko pag nakita ko sila ako pinaguusapan.
"Binilhan ka namin ng pag-kain." sabi ni Erika. Sabay hila nila sakin dalawa para kumain.
Nakita ko. Isang carbonara. Wow ha, talagang pasta pa ang binili nila.
Tamang- tama gutom na ko. Kanina pa kasi ako nahihilo at sumasakit tiyan ko.
Chaka nanghihina na talaga ako.
Susubo sana ako ng....
"TRISH!"
*later*
***Author's Note: Wala po ko maisip kaya ito ang aking Chapter. Wala po si Luke dito. Sensya na po. Paki VOTE and COMMENT nalang, yung may gusto.
Malapit na yung climax ng story. Kaya be ready po sa mga readers dyan! Well, kasi naman wala naman nag comment dito. Ay basta! Parang wala na kong readers sa story na to. Dedma na lahat.
Oh well. Good evening people! Kagabi pa to. Baka po kasi hindi ako maka-update sa Saturday! *hugs*
BINABASA MO ANG
Loving You was my Favorite Mistake [BOOK 1 COMPLETED]
Aléatoire"I was born when you first kissed me Then I died when you left me, While I was holding on, all you did was let go. Now I don't know what to do When all I know was that I loved you." -Trisha Louise Yun "If I never met you, I wouldn't like you. If...