Chapter 41: The Art of Letting Go

860 7 0
                                    

***Chapter 41: The Art of Letting Go

"Excuse me, can I have my Louise now?"

Isang lalaking nakaharap samin ngunit hindi ko makita ang mukha niya dahil sa kanyang maskara.

Tumungo lang si Tyrone at kinuha ng lalaki ang kamay ko. Linagay niya ang kaliwang kamay ko sa balikat niya at hinawakan niya yung kanan kamay ko sa kamay niya.

Ilang minuto kaming tahimik habang sumasayaw. 

♪So close was waiting, waiting here with you♪

"Your so beautiful Louise." bulong niya sakin. 

Ngumiti ako at linapit ang mukha ko sa shoulder niya. In that way I am safe in his arms. 

"Buti tinupad mo usapan natin." Sabi ko sakanya.

"Makakatanggi ako ba sayo?" Naramdaman ko na ngumiti siya.

Ipinikit ko ang mata ko para maramdaman ko na mag kasama kami ngayun. Gusto ko yung ganitong buhay, yung walang problema sa buhay. Kami lang ni Luke ang kasama.

"Louise I just want to tell you that I love you so much and whatever happens we will always be togehter." sabi niya sakin. 

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit ba ganyan siya makapagsalita? Bumitaw ako sakanya.

♪And now forever I know

All that I want is to hold you

So close♪

"Ano ba sinasabi mo Luke? Hindi ba nandito ka dahil gusto mo tayo magsama tayo lagi? Pero bat sa mga binibitawan mo ay parang may ibig sabihin. May ginawa ba kong masama? Mayroon ba?" Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit. "Hindi mo na ba ako mahal?" Nang sinabi ko yun ay bigla nalang tumulo yung mga luha ko.

♪So close to reaching that famous happy ending

Almost believing this one's not pretend♪

"Hindi yoon ang ibig kong sabihin Louise. I just want you to protect you from harm." Paliwanag niya.

SInusubukan kong pigilan itong mga luha ko ngunit hindi ko kaya. "Harm? Do you think hindi mo ko sinasaktan dahil sa ginagawa mo?!"

♪And now you're beside me and look how far we've come

So far, we are, so close♪

Ilang minuto kaming hindi naimik. 

"Wag mo kong iwan Luke. Hindi ko kayang mawala ka." Niyakap ko siya ng mahigpit ngunit agad naman niya itong tinanggal.

"Sorry Louise. I love you but, goodbye." Hinigpitan ko yung hawak ko sakanya ngunit tinatanggal niya ito. Nagmamakaawa ako sakanya ngunit parang wala lang siya naririnig. Binitawan niya ko at sinimulan maglakad.

Nakita ko siyang naglakad palayo. Sinubukan ko siyang habulin ngunit hindi ko na siya nakita. Nakarating ako sa hallway kung saan walang tao.

Napaupo ako at umiyak ng malakas. Bat ba niya ginawa yoon sakin? Hindi na ba niya talaga ako mahal? Ano nagawa ko para gawin niya sakin yun? Madaming tanong umiikot sa utak ko na gusto kong malaman ang sagot. 

♪How could I face the faceless days

If I should lose you now?♪

"AHHHHHHHHH!" Sumigaw ako ng malakas.

Ang tanging magagawa ko lang ay umiyak. Linagay ko ang aking palad sa mukha ko at sinimulan umiyak ng malakas.

Napasama mong tao Lucas. Hindi ko to makakalimutan kung saan sinaktan mo puso ko.

***Jaazaniah's POV

"Ako nanaman ang nanalo." sabay cross arms ko. 

"Hindi ka ba naawa sakanya? Or you don't feel any hurt?" Tanong sakin ni Jereen sabay takip sa bibig niya.

"Naawa? Hindi uso yan sakin. Bat ako maawa? Tama lang yan sakanya." 

Umalis ako para hindi na ko tanungin ni Jereen kung ano-ano tungkol kay Trish. Nakita ko si Luke nakaupo sa isang bench. Ngayun Luke ako naman ang pansinin mo. Nakita ko na mayroon luha galing sa kanyang mata.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya at umupo sa bench. Hinawakan ko yung braso niya ngunit agad naman siyang tumayo. 

"Mahalin mo naman ako Lucas. Ako lagi ang kawawa dito sa situation na ito tapos ganito pa trato mo sakin. Love me Lucas, please." Hinawakan ko braso niya pero bigla nanaman niya ito tinanggal.

Tumalikod siya sakin. "Hindi mo makukuha ang gusto mo Niah. Lalo na ang damdamin ko. Hindi mo ko mapipilit na mahalin kita." Sabi niya.

"Diba mahal mo ko noon? Diba lagi mo kong inaalagaan noon? Bakit nung dumating ako pumayag ka kay papa na pakasalan ako?" Diretsyo kong sabi sakanya.

"Noon yun at hindi na maibabalik yun. Iba na ang Lucas dati kesa ngayun. Dahilan ka kung bakit nagiba ang ugali ko sa mga babae. Chaka hindi naging tayo kaya't bat kita mamahalin ulit? Minahal kita dahil kala ko ikaw na ngunit nagkamali ako. Wag mong isipin na kaya ako pumayag dahil pinilit lang ako." Sabi niya.

Sa sinabi niyang iyon, my heart break into pieces. Pagkatapos niyang sinabi yoon ay bigla nalang siyang naglakad palayo saakin. 

Hindi ako makapaniwala na hindi na niya ko mahal talaga. Kasalanan ko ang lahat na ito. Bumalik ako sa loob at nakita ko sa hallway si Trish. Umiiyak siya. Mayroon part parin sakin na gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko dapat gawin.

Hindi ako naawa sakanya. Nagsisimula palang ako kaya dapat sunod-sunod na itong gawin. Akin lang si Lucas at hindi siya maagaw nang iba dahil sa simula palang, siya na ang para saakin. Alam kong mamahalin ulit ako ni Luke. Ngayun aalis na kami, makakalayo na siya sakanya at mapupunta siya sakin.

Lucas, ako lang ang nararapat sa buhay mo. Wala nang iba.

*later*

♥ Author's Note ♥

Hey! Nakakainis lang dahil nawala yung original copy neto. Yung pag-publish ko biglang naputol kaya sorry sa mga nagbasa neto tapos ayun. Kumusta naman ang chapter na to? Nakita niyo na ang side ni Jaazaniah kaya don't hate her. HAHA! Countdown tayo guise :) 9 Chapters to go, say bye bye na and hello sa book 2! 

VOTES + COMMENT + SHARE :)  

Loving You was my Favorite Mistake [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon