Chapter 5.1

13.1K 152 1
                                    

"TALAGANG wala ring pinapalampas na lalaki iyang kaibigan mo, ano?" narinig ni April na wika ng isa sa mga kaibigan niyang si Raine, tinutukoy nito si Cheska dahil nabanggit niya dito ang tungkol sa relasyon nito at ni Andrew. Nasa loob sila ng coffee shop nila ng hapong iyon dahil dinalaw siya nito.

"Ikaw rin naman, ah?" biro niya pa dito.

Tiningnan siya ni Raine ng masama. "Kinakampihan mo ang Cheska na iyon?" naiinis na tanong nito at humalukipkip.

"Walang kailangang kampihan, Raine," nginitian niya ito. "Bakit ba laging ang init ng ulo niyo kay Cheska?"

"Alam mo kung bakit," sumandal ito sa couch na kinauupuan nito. "Dahil inagaw niya ang—"

"Stop," itinaas niya pa ang isang kamay para patigilin ito. Paulit-ulit na lang ng mga itong ipinapaalala sa kanya ang patungkol sa mga naging boyfriends niya na nalipat kay Cheska ang atensiyon. Sawang-sawa na siya. Inabot niya ang coffee cup bago sumulyap sa isang lalaking nakatayo sa isang parte ng shop nila. May disenteng distansya lang ito sa kanilang dalawa ni Raine. "So that's your bodyguard?" tukoy niya sa lalaking iyon. Napag-alaman kasi nila na pinababantayan na ng mga magulang ni Raine ang babae dahil sa isang gulong kinasangkutan nito noon.

Raine rolled her eyes. "Yeah, my statue bodyguard," naiinis nitong wika. "Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang mga taong iyon sa pagpapabantay sa akin," tukoy nito sa mga magulang nito. Alam niya rin na hindi maganda ang relasyon ng kaibigan sa mga magulang nito. Minsan ay naaawa na siya rito pero hindi niya naman magagawang pakialaman ang pribadong buhay nito hanggang sa hindi ito lumalapit sa kanila.

Muli niyang sinulyapan ang bodyguard na tinutukoy nito. The man was gorgeous and well-built. Nakasuot ito ng black suit na bumagay dito. Nasa porma at tayo nito na sanay na sanay talaga ito sa mga mapapanganib na gawain katulad ng pagiging isang bantay sa mga importanteng tao. Seryoso ang aura nito kaya nakakatakot na lapitan ito, para bang hindi ito marunong mag-enjoy o ngumiti man lang. Iyon siguro ang dahilan kung bakit 'statue bodyguard' ang tawag dito ni Raine. Para nga naman talaga itong estatuwa.

Ibinalik niya ang tingin kay Raine na nakalukot pa rin ang mukha. Halatang hindi talaga ito pabor na may bumubuntot na dito sa kahit saan mang lugar ito magtungo. "Anong pangalan niya?" naisipan niyang itanong dito.

Sinulyapan ni Raine ang bodyguard nito. "Riley. Bakit? Type mo ba siya?" nangingiting tanong nito.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang napailing. "Tinanong ko lang ang pangalan, type ko na agad?" Napaka-advance talagang mag-isip minsan nitong mga kaibigan niya.

Napanguso ito. "Sino ba kasing type mo? Iyong Andrew na ikinukuwento mo sa amin?" patuloy na pang-uusisa nito.

Iniiwas niya ang tingin dito at marahang ininom ang kapeng hawak. "Bakit ko naman siya matitipuhan? May nobya na siya at tapos na ang koneksiyon namin," ipinatong niyang muli ang tasa sa mesang nasa harap. "Kung anu-ano na talaga ang pumapasok diyan sa utak mo."

"May nobya na siya dahil sa'yo," pang-aasar pa ni Raine. Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. "Try mo kayang sulutin naman kay Cheska?"

Gulat siyang napatingin dito. "Raine! Ano bang pinagsasasabi mo?" hindi niya na napigilan ang pagtaas ng boses. Mabuti na lang at wala masyadong customers ang naroroon. Napatingin pa siya sa kinatatayuan ng bodyguard ng kaibigan na si Riley at nakitang nakatingin na ito sa kanila. Iniiwas niya na lang ang tingin dito.

Malakas na napatawa si Raine dahil sa ipinakita niya. "I'm just kidding, April," pagbawi nito. "Pero pag-isipan mo rin," kinindatan pa siya nito bago mabilis na tumayo. "I gotta go. May party pa akong pupuntahan at kailangan ko pang mag-shopping ng isusuot. See 'ya," iyon lang at naglakad na ito palayo sa kanya.

Hindi makapaniwalang sinundan niya ito ng tingin at ang bodyguard nitong nakabuntot lang dito. Sometimes her friends were just too stubborn. Alam niya naman na para sa kabutihan niya lang ang iniisip ng mga ito. Pero hindi niya magagawa ang suhestiyon ni Raine. Hindi niya magagawang manulot ng nobyo ng iba lalo na at siya pa mismo ang naging tulay para sa relasyong iyon. That idea was just purely insane!

[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon