PASADO alas-onse na ng gabi nang makaalis ang mga kaibigan ni April sa bahay niya. Sila na lang ni Andrew ang naiwan doon. Kahit ilang beses niyang sabihin na huwag na siya nitong tulungan sa paglilinis ng kusina ay nagpumilit pa rin ito.
"Salamat sa pagtulong," wika niya nang matapos sila. Inabutan niya ito ng isang baso ng juice bago tumingin sa wrist watch na suot. "Malapit ng mag-hating-gabi. G-Gusto mo bang dito ka na muna matulog?" nag-aalangang tanong pa niya. Huli na para mabawi ang alok na iyon. Lihim niya na lang na pinagalitan ang sarili. Bakit ba niya naisip mag-alok ng ganoon? Hindi naman siya ganoon sa ibang mga lalaking kakilala niya, ah?
Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Andrew. "Ayos lang ba sa'yo?"
"W-Wala namang problema iyon," natatawang sagot niya. Mabuti naman at mukhang walang naisip na kung ano ang lalaki sa alok niyang iyon. "Kaya lang, ayos lang ba na sa couch ka matulog?"
Tumawa rin ito. "Nagawa ko na iyon minsan, hindi ba?"
Hindi niya napigilan ang pamumula ng mukha nang maalala ang pagtulog niya sa pad nito noon. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin naaalala ang nangyari nang malasing siya pero inisip niya na lang na hindi naman siguro importante iyon.
"Your friends are great," narinig niyang dugtong pa ni Andrew.
Tumingin siya dito. "They are. Para ko na silang pamilya," hindi maikakaila ang saya sa tinig niya. "Masaya ako dahil nakilala mo sila."
"Masaya rin ako na makilala ang mga kaibigan mo."
"Mukhang ang dami ngang nai-kuwento sa'yo ni Raine kanina," napailing pa siya. Habang nagluluto sila kanina ni Megan ay ilang beses siyang bumabalik sa living area at nakikita nga niyang malimit nitong nakakausap si Raine. Gusto niya sanang malaman kung ano ang ikinuwento ng kaibigan niyang iyon sa lalaki pero nahihiya naman siyang magtanong.
"Yeah," tumango-tango ito bago inisang lagok ang lamang juice ng hawak na baso. "Mukha namang mabuting tao iyong bodyguard niyong kaibigan mo. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang ayaw ni Raine sa kanya."
Bumuntong-hininga siya at naalala si Riley na halos buong dinner ay hindi pinapansin ni Raine. "Hindi naman siguro sa ayaw ni Raine kay Riley, ayaw niya lang talaga ay ang katotohanang may nagbabantay na sa bawat kilos niya," aniya. "Hinihiling ko na sana ay maging maayos na ang relasyon noong dalawa at hindi parang aso't pusa."
Napatingin siya kay Andrew nang humakbang ito palapit sa kanya. "Thanks for a very delicious dinner again, April," bulong nito habang matiim na nakatitig sa kanya. "Mukhang unti-unti na akong masasanay sa mga luto mo, ah? Baka hanap-hanapin ko na iyon."
Her mind just stopped functioning at that moment. Biglaan rin ang pagtalon ng puso niya dahil sa sinabi nito. Why was he saying those things? Hindi ba nito alam kung ano ang ginagawa ng mga simpleng salitang iyon mula dito sa puso niya?
Sinubukan niyang ngumiti at gawing biro ang tugon sa sinabi nito. "Kung ganoon... dapat palagi kang nasa restaurant ko kapag nakapagpatayo na ako," sinabayan niya pa iyon ng tawa.
Akmang magsasalita pa ito pero inunahan niya na ito. "K-Kailangan ko ng ihanda ang mga gagamitin mo sa pagtulog sa couch. D-Dito ka na muna," iyon lang at mabilis na siyang tumalikod. Hindi pa rin natitigil ang malakas na tibok ng puso niya hanggang sa makarating siya sa loob ng sariling kuwarto.
Sumandal siya sa pinto at mariing kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabantang mga luha sa mga mata niya. This was wrong. This feeling she had for that man was wrong. Alam niya iyon pero bakit hindi niya magawang patigilin ang damdaming iyon? She was so stupid.
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess
RomanceHindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala...