Chapter 11.1

11.4K 155 1
                                    

NAPANGITI si April habang pinagmamasdan si Andrew na nilalaro si Luis na karga nito. Katatapos lang nilang mag-dinner ng mga oras na iyon at nagkaroon na ng kanya-kanyang pagkaka-abalahan ang mga naroroon.

Andrew looked so good with children. Siguradong magiging mabuting ama ito balang-araw. Napaka-suwerte talaga ni Cheska sa lalaking ito, sana lang ay makita iyon ng kaibigan niya. Sana ay hindi nito sayangin ang pagkakataong magkaroon ng ganitong klase ng lalaki sa buhay.

"You obviously like him," narinig niyang wika ni Megan na hindi niya namamalayang nasa tabi niya na pala.

Gulat siyang napatingin sa kaibigan. "A-Anong pinagsasasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"You never smiled like that before, April," napailing pa ito. "Wala namang masama kung magkagusto ka sa kanya, hindi ba?"

Iniiwas niya ang tingin dito at tiningnan si Andrew nang ibaba nito si Luis para hayaang magtatakbo sa living area. Hindi niya na nagawang sagutin si Megan nang masalubong ang tingin ni Andrew. Her heart immediately thudded in her chest. Akmang maglalakad si Andrew palapit sa kanila nang bigla nilang marinig ang pagtunog ng cell phone. It was Andrew's. Kinuha ng lalaki sa bulsa ng pantalon nito ang cell phone bago sinagot iyon.

"Cheska?" anito at sumulyap sa kanya para mag-excuse.

Tumango siya at ngumiti pero hindi niya maintindihan kung bakit tila may mumunting kirot sa puso niya ng mga oras na iyon. Pagbaling niya ng tingin kay Megan ay nakita niya pa ang pag-iling nito habang nakatitig sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Ano na naman 'yang tingin na 'yan, Megan?" tinatamad pa niyang tanong dito.

"Your smile is fake, April," panloloko pa ng kaibigan. "Sinasabi ko na nga bang may gusto ka sa lalaking iyon."

"F-Fake?" umiling siya at naglakad patungo sa couch na naroroon. Pakiramdam niya ay biglang nanghina ang mga tuhod niya. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganitong sakit ngayon? Hindi naman siya ganito noon, ah? Hindi naman siya nakakaramdam ng sakit na ganito patungkol sa relasyon nina Andrew at Cheska noon, ah? Ano na ba talagang nangyayari sa kanya?

Lumapit sa kanya si Megan at naupo sa tabi niya. "You're hurt, April, pero pinipilit mo lang itago iyon sa pamamagitan niyang pag-ngiti mo."

Sumandal siya sa sandalan ng couch at pinagmasdan si Pao na pinaglalaruan ang remote ng TV. "Hindi ko alam ang nangyayari sa akin, Megan," seryosong wika niya. "I must be crazy. Sapilitan akong naging kupido sa kanilang dalawa ni Cheska noon pero bakit parang pinagsisisihan ko na ginawa ko iyon?" isinubsob niya ang mukha sa dalawang palad. "I'm so confused right now, Megan. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari sa akin."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Megan. Nanatili itong tahimik ng ilang sandali. "Alam mong wala akong kaalam-alam patungkol sa relasyon kaya wala akong maipapayo sa'yo. Only that, if you like him, bakit hindi mo iparamdam sa kanya?"

Ini-angat niya ang tingin dito. "Alam mong hindi puwede," bulong niya, hindi niya sigurado kung naitago niya ang hapding nararamdaman ng mga oras na iyon. She felt so hurt and she couldn't understand why.

"Bakit hindi? Dahil kay Cheska?" hindi makapaniwalang tanong ni Megan.

"Ayokong manira ng relasyon," buong tatag na wika niya.

"Pero ilang beses nang ginawa sa'yo iyon ni Cheska," Megan retorted, there was a hint of irritation in her voice. "Ilang relasyon mo na ba ang sinira niya? Hindi naman maaaring palagi na lang siya ang masaya dahil palagi kang nagpaparaya."

Tumitig na lang siya sa kawalan at hindi na sumagot. Hindi niya na alam ang gagawin. Hindi niya na rin maintindihan ang sariling damdamin. Inaamin niya na nasisiyahan siya tuwing kasama niya si Andrew, na gusto niya itong palaging makita at makausap, na sa bawat araw ay palaging ito ang laman ng isipan niya. Pero patuloy pa rin sa pag-kontra ang isang bahagi ng isipan niya na hindi niya maaaring palawigin ang nararamdaman niyang ito para sa lalaki. Hindi niya magagawang manira ng relasyon, hindi niya magagawang agawin ito kay Cheska kahit na ba ilang beses ng nasira ang mga relasyon niya noon dahil sa babae. At hindi niya rin naman alam kung makikita nga ba siya ni Andrew ng higit pa sa isang kaibigan lamang.

[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon