PAGKAGISING ni April kinaumagahan ay agad siyang nagtungo sa banyo para iayos ang sarili bago lumabas. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaalamang nasa living area lamang natutulog si Andrew. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Agad na hinanap ng mga mata niya si Andrew subalit hindi niya ito nakita sa living area. Ayos na rin ang couch na tinulugan nito. May bumalot na lungkot sa puso niya nang maisip na baka umalis na ito.
Lumakad siya patungo sa kusina at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita doon si Andrew na naghahanda na ng morning coffee nila. Napatingin ito sa kanya at malawak na ngumiti. "Pinakialaman ko na ang kusina mo," anito at napakamot sa ulo.
Napangiti siya, hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa kaalamang naririto pa rin ito. "Ayos lang," tugon niya at naupo sa isa sa mga upuang malapit sa kitchen table. "Gusto mo bang mag-umagahan muna? Maghahanda ako ng sandwich."
"That would be great," tugon ni Andrew, may malawak na ngiti sa mga labi.
Tumango siya at nagsimula na sa paghahanda ng sandwich nilang dalawa. "Kung gusto mo, puwedeng doon tayo sa pool patio mag-breakfast," suhestiyon pa niya.
Sumulyap ito sa kanya. "Can I swim there?" tanong pa nito.
Bahagya siyang natigilan sa tanong nito pero agad rin naman siyang pumayag. "Walang problema iyon," tugon niya.
"And you'll swim with me, right?" dagdag pa nito, ang tingin ay nasa ginagawa ng kape.
Muli na naman siyang natigilan. Ipinagpatuloy niya ang paggawa ng sandwiches habang pinag-iisipan ang tanong nito. Wala namang masamang mag-swimming kasama ito, hindi ba? "S-sige," pagpayag niya. "Ilang araw na rin akong hindi nakakapag-swimming dahil sa sobrang abala sa trabaho."
Pagkatapos nilang mag-umagahan ay nag-aya na itong mag-swimming. Sinabi niyang magpapalit lang siya ng damit. Nang makapasok siya sa loob ng sariling kuwarto ay tumuloy siya sa closet para maghanap ng swimsuit. Napapikit siya at napabuntong-hininga, punong-puno ng kaba ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan. Should she wear a two-piece? Napailing siya. Bakit naman siya magsusuot ng ganoon? Wala naman siyang dapat na akitin.
Ilang minuto siguro siyang nagtagal sa loob ng kuwarto dahil sa pagpili ng isusuot. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng bathrobe, sa ilalim niyon ay ang dark blue one-piece swimsuit na napili niya.
Nang makarating siya sa pool area ay nakita niyang nagsisimula nang mag-swimming si Andrew. Tanging boxer shorts na lamang ang suot ng lalaki. Nagrambulan ang tibok ng puso niya nang makita ang pagtingin nito sa kanya. Iniyuko niya ang ulo nang maramdaman ang pag-iinit ng mukha.
"April!" narinig niyang tawag nito.
Bumilang muna siya ng hanggang tatlo bago ibinalik ang tingin sa lalaking masayang kumakaway sa kanya. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili bago hinubad ang robe na suot. Iniiwas niya ang tingin dito hanggang sa makalusong siya sa pool. She shivered at the cold water on her skin.
Pagtingin niya kay Andrew ay nagulat siya sa nakikita sa mga mata nito. There was heat in his dark eyes. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya, lalo na nang maramdaman ang paggapang ng kakaibang init sa buong pagkatao niya.
Iniiwas ni Andrew ang tingin sa kanya. "L-Let's swim," aya nito at nauna na sa paglangoy.
Sumunod na lang siya dito hanggang sa hindi nila namamalayang pareho na silang nag-e-enjoy sa paglalangoy. Naghamon pa ito ng karera at pumayag naman siya. Kahit hindi naman siya professional swimmer ay ginawa niya ang lahat para mabilis na makarating sa dulo. Napatigil pa siya sa paglangoy nang mabangga sa katawan ni Andrew na nasa unahan niya na.
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess
RomanceHindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala...