NAPATIGIL si April sa pakikipag-usap sa isang staff ng coffee shop nila nang makita ang pagpasok ni Andrew at pagkaway nito sa kanya. Nginitian niya ito at sinenyasan na hintayin siya sa isang table. Muli niyang hinarap ang staff at ipinagpatuloy ang kanina niya pang sinasabi dito patungkol sa mga o-orderin nilang coffee grains sa isang farm sa Batangas.
Pagkatapos ipaliwanag sa staff ang lahat ng kailangan niyang ipaliwanag ay nagpaalam na siya dito at lumakad patungo sa table ni Andrew. Agad namang ngumiti ang lalaki nang makalapit siya.
She sat across him. "So?" panimula niya. Ilang araw niya rin itong hindi nakikita simula ng ipakilala niya ito kay Cheska. Wala na rin naman siyang naging balita sa kung ano na bang nangyari sa panliligaw nito sa kaibigan.
Bumuntong-hininga si Andrew. "W-We're seeing each other these past few days," tukoy nito kay Cheska. "S-Sa tingin ko naman nagugustuhan din niyang kasama ako," napakamot pa ito sa ulo. "M-Minsan dinadalaw ko siya sa working place niya para yayain siyang mag-lunch or mag-dinner."
Tumango-tango siya. Mabuti naman at mukhang umuusad ang panliligaw nito. "Bakit ka nandito ngayon?" naisipan niyang itanong.
Muli itong humugot ng malalim na hininga. "H-Hindi ko kasi alam kung ano pa ang maaaring gawin para mas lalong makuha ang loob niya," may panlulumo siyang nahimigan sa tono nito.
Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ang lalaki. Sumusuko na ba ito kaagad? Napailing siya at nag-isip ng maaaring itulong para mapalubag ang kalooban nito.
Maya-maya ay may bigla siyang naalala. Sandali siyang nagpaalam kay Andrew at tumungo sa opisina niya malapit sa counter. Lumapit siya sa working table na naroroon at kinuha sa loob ng drawer niyon ang invitation para sa kaarawan ni Cheska sa darating na Sabado. Mabuti na lang at dito niya ito itinago.
Lumabas siya ng opisina at masayang bumalik sa table ni Andrew. May pagtataka na sa mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanya.
Inilipat nito ang pansin sa invitation na ipinatong niya sa ibabaw ng mesa. "That's an invitation for Cheska's birthday party this Saturday," aniya.
Gulat itong napatingin sa kanya. "Kaarawan niya ngayong Sabado?" tila namamanghang tanong ni Andrew.
Tumango siya. So hindi pala nabanggit ni Cheska dito ang tungkol sa birthday party nito.
Iniusod niya ang invitation sa harap nito. "Sa'yo na 'to," sabi niya. "Ikaw na ang um-attend diyan."
"A-Ako?" hindi makapaniwalang napatingin ito sa kanya. "P-Paano ka?"
Nginitian niya ito. "Hindi rin kasi ako makaka-attend sa party na iyan dahil may klase ako tuwing Sabado. Hindi na rin ako makakahabol."
Tumango-tango ito. "Your culinary class," alaala nito. Tinitigan nito ang invitation na nasa harap. "P-Pero... ayos lang ba kung pumunta ako dito? Hindi naman ako personal na inimbita ni Cheska."
"Huwag kang mag-alala, tatawagan ko siya at sasabihing ibinigay ko na sa'yo ang invitation. Wala namang magiging problema doon."
Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "I should give her something," anito. "Pero," napailing ito at napatawa. "Hindi ako marunong mamili ng regalo."
Napailing din siya. "Hindi naman importante kay Cheska ang regalo. Your presence there will be enough."
Nakatingin lang ito sa kanya, may pag-aalangan pa rin sa mga mata.
"Or you can give her flowers," dugtong niya para alisin ang pagkabahala nito.
Napaisip ito. "Flowers," he uttered. Then he looked back at her and smiled. "Can you help me with that?"
Napatitig siya dito. His black eyes were begging like a little child and his smile was just mesmerizing. This man was really cute and handsome. Hindi niya magawang paniwalaan na kinakailangan pa nito ng tulong sa panliligaw sa babaeng gusto nito.
Sumandal siya sa sandalan ng upuan at ilang sandaling nag-isip. "Puwede tayong pumili ng bulaklak after ng work ko dito mamaya. Hahanap tayo ng siguradong magugustuhan ni Cheska para alam mo na kung ano ang bibilhin mo sa Sabado," sumulyap siya kay Andrew. "Puwede ka bang maghintay dito hanggang sa makapag-out ako? Iyon ay kung wala kang gagawin."
Mabilis itong tumango at inabot ang kamay niyang nasa mesa. "Maraming maraming salamat talaga, April," buong pusong pasasalamat nito, kitang-kita ang saya sa mga mata nito.
Napatawa na lang siya at pasimpleng hinigit palayo ang kamay na hawak nito. Hindi niya maintindihan ang pagdaloy ng kuryente sa katawan niya dahil sa biglaang paghawak nito sa kanya. Ipinilig niya ang ulo para tanggalin iyon sa isipan. "Wala 'yon," tugon niya at tumayo na. "Hintayin mo lang ako dito," iyon lang at minabuti niya nang iwan ito para bumalik sa trabaho.
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess
RomanceHindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala...