Chapter 8.2

11.6K 145 0
                                    

APRIL silently sipped her Johnnie Walkers whiskey while looking at the TV screen in front of them. Kanina pa sila tapos maghapunan ni Andrew at ngayon nga ay nanonood na ng isang movie sa may living area. Sumulyap siya kay Andrew na nasa tabi niya at nakita ang paghaplos nito sa sariling tiyan.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Naparami ang kinain ko ngayong gabi," sabi nito. "And that was your fault. Puwedeng-puwede ka na talagang magtayo ng sariling restaurant."

Tumawa siya. Kaninang-kanina pa nito pinupuri ang luto niya. Iginala niya ang paningin sa paligid. "Dito ka na ba talaga nag-stay sa pad mo? Wala kang planong gumawa ng sarili mong bahay?" naisipan niyang itanong upang mailihis ang usapan.

Inabot nito ang sarili nitong baso ng whiskey na nasa mesa at ininom iyon. "I'm planning to have a house someday. Siyempre, para na rin sa magiging pamilya ko," sagot nito. "Ang totoo, may nagawa na akong sketches ng planong bahay na iyon. Lalo na ang magiging kuwarto namin ng magiging asawa ko," tumawa pa ito.

Tinitigan niya ito. Bihira lang sa mga lalaking kakilala niya ang nagpa-plano ng mga ganoong bagay patungkol sa mga long-term relationships gaya ng pag-aasawa. Cheska was very lucky for having this man. Ibinalik niya ang tingin sa TV nang lumingon ito sa kanya. Kahit nakatutok ang paningin niya sa palabas ay wala naman siyang naiintindihan.

Inubos niya ang natitirang laman ng hawak na baso bago muling inabot ang bote ng whiskey at nagsalin ng panibago. "Siguradong magugustuhan ni Cheska na magkaroon ng sariling bahay," aniya. "Matagal na rin siyang sa condominium unit niya lang tumutuloy."

Hindi niya narinig ang pagtugon nito kaya tumungga na lang muli siya ng alak. She felt so hot all of a sudden kaya ipinaypay niya pa ang kamay sa mukha. The alcohol must be affecting her. Naka-ilang baso na ba siya ng whiskey? Hindi niya na maalala.

Naramdaman niya ang pag-abot ni Andrew sa basong hawak niya. "That's enough, April," wika nito.

Tumawa siya at inagaw dito ang baso. "Ayos lang ako, Andrew. Minsan lang naman ako uminom ng ganito kaya pagbigyan mo na ako," lumabi pa siya. Bahagya pa siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya napahawak siya sa noo.

"Manood na lang tayo," muli nitong kinuha ang baso niya at ipinatong sa mesa, nasa tono na nito ang awtoridad.

Isinandal niya ang ulo sa headrest ng couch at pinagmasdan ang kisame. Her vision swirled and she felt dizzy. Damn, what the hell was happening? Gusto niyang tanggalin ang suot na damit dahil sa init na nararamdaman. Masyado na yata talagang naparami ang nainom niya simula pa kaninang nagdi-dinner sila.

Napatingin siya sa tabi nang maramdaman ang paglapit doon ni Andrew. "April, are you okay?" tanong nito.

Tinitigan niya lang ang guwapong mukha ng lalaki. His dark eyes showed concern for her and she felt so light just by staring in those gorgeous pair of eyes. Itinaas niya ang isang kamay at hinaplos ang mukha nito. She felt him stiffen. "So handsome," she murmured unconsciously.

[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon