Chapter 19.2

12.7K 159 0
                                    

KINAWAYAN ni April ang mga kaibigang si Megan magtungo ito sa sariling mga sasakyan. Hindi na nagawang makapagtagal nito dahil may mga kailangan pa daw asikasuhin. Bumuntong-hininga siya at tumingin kay Andrew na nanatiling nakatayo lang sa tabi niya.

"Gusto mo na rin bang umalis?" tanong ng nobyo.

"Later," tugon niya. "Kukumustahin ko muna ang mga empleyado ko at hihintayin ko na rin si Raine." Nagtataka pa siya na wala pa ngayon ang kaibigan niyang iyon. Hindi naman siguro nagtatago talaga ito sa kanya. Napatawa siya sa naisip.

Lumapit sa kanya si Andrew at ikinulong ang mukha niya sa dalawang kamay nito. "Bakit ka tumatawa?" nakangiting tanong nito.

Umiling siya. "May naisip lang ako."

Napailing na lang rin ito at mariing hinalikan ang mga labi niya. Naputol lang iyon nang makarinig sila ng pagtikhim.

Pagtingin niya sa unahan ay nagulat pa siya nang makita si Cheska doon. Hindi niya inaasahan ang pagkakita dito. Naramdaman niya ang paglipat ng kamay ni Andrew sa baywang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. Napayuko siya. Hindi pa siya handang pakiharapan si Cheska. Hindi niya pa alam kung ano ang sasabihin dito.

"Anong ginagawa mo rito, Cheska?" narinig niyang tanong ni Andrew. "Hindi ba napag-usapan na natin ang tungkol sa—"

"I know," putol ni Cheska kay Andrew. "Hindi naman ako narito para sirain ang relasyon ninyong dalawa," itinutok nito ang tingin sa kanya. "Narito ako para sana makausap ka, April."

Tiningnan niya ang kaibigan, may nakikita siyang pagmamakaawa sa mga mata nito. Ilang sandali siyang nag-isip bago napag-desisyunang mas makabubuti nga kung mag-uusap na silang dalawa ngayon pa lang. Hindi rin naman maganda na patuloy niya itong pagtaguan at iwasan.

Humugot siya ng malalim na hininga at ibinaling ang tingin kay Andrew. "Puwede bang iwan mo muna kami?" mahinahong tanong niya sa nobyo.

Nanlaki ang mga mata ni Andrew, puno ng pagtutol ang mukha. "Pero, April—"

"Sige na, please?" putol niya sa nais sabihin nito. Nginitian niya ito. "Mabilis lang naman ito."

Marahas na napabuntong-hininga si Andrew pero sumunod rin naman sa kanya. Tiningnan muna nito si Cheska bago pumasok sa loob ng coffee shop at hinayaan silang mag-usap.

Nang makaalis ang lalaki ay hinarap niyang muli si Cheska. Kahit medyo nakakaramdam pa ng pagkailang ay kailangan niya namang kausapin ito. Kailangan niyang ayusin ang magagawa niya pang ayusin. "I-I'm sorry, Cheska," panimula niya, ang tingin ay nasa lupa. "H-Hindi ko gustong agawin siya sa'yo. G-Ginawa ko ang lahat para—"

"No, April," Cheska cut her. "I'm sorry. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa'yo," nasa tono nito ang hindi maitatangging kalungkutan.

Tiningnan niya ang kaibigan at nakitang nakayuko na ito.

"I'm sorry sa lahat ng ginawa ko sa past relationships mo noon," napahikbi na si Cheska, nasa mukha nito ang matinding pagsisisi. "Oo, sinasadya ko iyon noon. Sinadya kong agawin ang mga dati mong nobyo. Sinadya kong sirain ang mga relasyon mo," pag-amin nito.

Hindi niya naitago ang pagkagulat sa sinabi nito. Hindi sa nasasaktan pa siya dahil sa mga bagay na iyon pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangang gawin pa ni Cheska ang ganoon sa kanya. Wala naman siyang natatandaang ginawang masama dito, ah? "B-Bakit?" garalgal na tanong niya, hindi niya na napigilan ang pangingilid ng luha sa mga mata. She felt so hurt dahil itinuring niya itong isang tunay na kaibigan. Inakala niya na hindi nito ginustong sirain ang mga relasyon niya noon pero nagkamali siya.

"B-Because I'm jealous... I'm jealous of you, April," sagot nito. "You've got everything in life. Lahat nakukuha mo ng walang kahirap-hirap. You're rich and all, samantalang ako, kailangan ko pang kumapit sa isang lalaki para lang makuha ang mga luho sa buhay. Gusto ko rin magkaroon ng buhay ng katulad sa'yo, na makapagpatakbo ng sariling negosyo nang walang kahirap-hirap."

[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon