Chapter 1.1

43.9K 385 5
                                    


NAG-IINAT pang bumangon si April mula sa pagkakahiga niya nang umagang iyon ng Lunes. Bumaling siya sa maliit na orasan sa bedside table at nakitang alas-sais pa lang ng umaga. May ilang oras pa siya bago pumasok sa coffee shop na pinagta-trabahuhan niya. Sweet Coffee Princesses shop ang tawag sa coffee shop na iyon na pag-aari nila, may ilang branches iyon sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Tatlo silang owner ng coffee shop na iyon – siya, si Raine Garcia, at Megan Villarama.

Matagal na silang magka-kaibigang tatlo. They were called 'princesses', yes, iyon ay dahil sa estado nila sa pamumuhay. Siya ay anak nina Israel at Rose Rivera, mga kilalang personalidad sa bansa at sa iba pang bansa. Ang kanyang ama ay kilalang producer ng mga pelikula dito sa bansa, samantalang ang kanyang ina ay isang sikat na composer at singer. Tapos siya ng kursong Mass Communication sa isang kilalang unibersidad pero kinuha niya lamang iyon dahil iyon ang nais ng mga magulang niya, pinagbigyan niya lang ang mga ito sa loob ng apat na taon.

Nais ng mga itong pumasok din siya sa mundo ng entertainment subalit tinanggihan niya na ang mga ito nang makatapos siya. Napagtanto niya na dapat ay sundin niya ang sarili niyang desisyon sa buhay, na dapat ay gawin niya ang nais niyang gawin at tuparin ang sarili niyang pangarap. Iyon ang isa sa mga payong ibinigay sa kanya ng Kuya Christian niya noong mismong araw ng graduation niya. Maging ito kasi ay pinilit din ng mga magulang niyang pumasok sa entertainment industry subalit mas pinili nito ang hilig nito sa arkitektura.

Laking pasasalamat nila dahil naging maunawain naman ang kanilang mga magulang at hinayaan sila sa mga daang nais nilang tahakin sa buhay. Ngayon nga ay nagma-manage siya ng coffee shops nilang magkakaibigan habang kumukuha siya ng panibagong kurso na Culinary. Tuwing Sabado lang naman ang klase niya doon kaya nagagawa niyang makapag-trabaho ng ayos.

She loved cooking at matagal niya nang pangarap na makapagtayo ng sariling restaurant kung saan mga sariling putahe niya ang nasa menus. Kahit matagal na siyang kinukulit ng mga magulang niya na tutulungan siya sa pagtatayo niyon ay tinatanggihan niya. She wanted to build her own restaurant sa sariling pera at kapag isa na siyang ganap na chef.

Napangiti siya at napailing dahil sa haba na ng nilakbay ng isipan niya. Bumaba siya sa kama at lumapit sa isang glass table na nasa loob ng kuwarto niyang iyon para pagmasdan ang purple tulips na nakalagay sa vase na naroroon. Flowers made her day, especially purple-colored flowers.

She loved purple, mas gusto niya iyon kaysa sa girly color na pink. Iyon ang dahilan kung bakit white and purple ang color theme ng kuwarto niya. Refreshing and feminine din naman ang kulay na iyon. She wandered her eyes all around her room. Her bed was soft lilac in color with striped blanket and pillows. The floor was made of glossy ceramic purple tiles that create a very relaxing atmosphere for her. Ito na ang kuwartong tinutulugan niya simula ng mag-college siya.

Ang buong bahay na ito ay bigay sa kanya ng kanyang magulang noong maka-graduate siya ng high school with flying colors. This house was located in Greenhills, ilang minutong biyahe patungo sa main branch ng coffee shop nila sa Ortigas kung walang heavy traffic.

Lumakad siya patungo sa built-in cabinet na nasa isang gilid ng kuwarto at tiningnan ang sarili sa salaming naroroon. Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon at napailing dahil sa magulong pagkakaayos ng buhok. Sinuklay niya na lang iyon ng mga daliri dahil hindi naman iyon ganoon kahaba. Her hair was shoulder-length and was colored light-brown.

Inabot niya sa countertop ng cabinet na iyon ang skin moisturizer para wisikan ang buong mukha. She was already twenty-six kaya kailangan ay palagi niyang pinangangalagaan ang kutis niya. Napatingin siya sa kama nang marinig ang pagtunog ng cell phone niyang naroroon.

Lumapit siya doon at inabot iyon para sagutin ang tawag doon. "Megan," bungad na bati niya sa kaibigang nasa kabilang linya. "Ang aga mo naman 'atang tumawag."

"Ire-remind ko lang sa iyo ang girls' meet-up natin maya-maya sa coffee shop," sabi nito.

"Mamaya? Akala ko ba sa Biyernes pa tayo magkikita-kita doon?" tanong niya pa. Sa pagkakatanda niya ay Miyerkules pa lang ng araw na iyon. Kada linggo ay may meet-up na nangyayari sa kanilang magkakaibigan sa main branch ng coffee shop na pag-aari nila sa Ortigas. Doon sila nagku-kuwentuhan ng mga pangyayari sa kani-kanilang mga buhay. They were very close, para nang magkakapatid ang turingan nila kahit pa iba-iba ang mga ugali nila. Wala namang problema sa kanya ang meet-up na iyon dahil doon naman siya madalas naglalagi sa coffee shop nila.

"Hindi ba may plano kaming mag-Batanes ng ilan sa mga kaibigan kong modelo?" pagpapaalala ni Megan. "Hindi ko alam na sa Biyernes na pala ang alis namin, akala ko naman ay next week pa," may nahimigan pa siyang pagkainis sa tinig nito.

Napailing siya. Megan was a famous model for magazines here and abroad, may ilang commercials rin itong ginawa subalit hindi naman nito nais na pumasok sa pag-arte kaya hindi nito tinatanggap ang mga alok ditong dramas and movies. "Nasabi mo na ba iyan kay Raine?" tukoy niya sa isa pang kaibigan na si Raine Garcia.

"Yes!" masiglang sagot nito. "Pumayag naman siya dahil wala rin naman siyang gagawin mamaya. And I'm sure na papayag ka rin dahil doon ka lang naman naglalagi sa coffee shop natin."

"So bakit mo pa ako tinawagan?" natatawang tanong niya.

"Wala lang," mahina itong napatawa. "Na-miss ko lang talaga kayo. Hindi ako nakapunta sa meet-up last week dahil sa schedule ko sa Paris, di ba?"

"Sobrang busy mo naman kasi," ani pa niya. Ito sa kanilang lahat ang madalas na pumunta sa kung saan-saang lugar dahil na rin sa trabaho nito at maging sa hilig nitong mag-travel. Paminsan-minsan naman ay ito ang pumapalit sa kanya sa coffee shop tuwing may mga importante siyang gagawin at available ito.

"Sinabi mo pa," bumuntong-hininga ito. "Well, see you later na lang. Siguradong magpapa-gandahan na naman kami ni Raine ng outfit," sinabayan pa nito iyon ng tawa.

Napailing na lang muli siya at nagpaalam na dito. Sigurado nga iyon. Sa kanilang tatlo ay si Megan at si Raine ang pinaka-sopistikada sa pag-aayos at pagkilos. Pero kahit na ganoon ang mga ito ay mabubuti naman ang mga itong kaibigan.

Bumuntong-hininga siya at muling ipinatong sa ibabaw ng kama ang cell phone bago lumabas ng kuwarto para tumungo sa kusina at maghanda ng umagahan at kape. Siguradong magiging abala na naman siya ngayong buong maghapon.

[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon