HINDI mapigilan ni April ang mapahanga sa ganda ng disenyo ng bahay na kinaroroonan nila. Ang bahay na iyon ay ipinatayo ni Andrew ilang buwan na daw ang nakararaan para sa kanilang dalawa. Ito mismo ang nag-disenyo ng bahay na iyon.
Nilingon niya si Andrew na nanatiling nakatayo sa may pinto at pinagmamasdan siya. He looked so gorgeous and hot in that black suit he was wearing. Katatapos lamang ng kasal nila kani-kanina. And after the long reception ay dito na nga sila tumuloy sa sinasabi nitong regalo para sa kanya.
Lumapit siya sa ngayon ay asawa niya na at pinakatitigan ito ng buong pagmamahal. "Thank you," mahinang wika niya. Hindi pa rin tumitigil sa mabilis na pagtibok ang puso niya sa katotohanang siya ang babaeng pinag-aalayan nito ng pangarap nitong bahay para sa magiging pamilya nito.
Hinapit siya nito sa baywang. His stare went to her lips. "You look so beautiful in that wedding gown, sweetheart," bulong nito, his warm breath fanning her face. Ibinaba nito ang mukha at dinampian ng masuyong halik ang mga labi niya.
Mahigpit niyang iniyakap ang mga kamay sa katawan nito at buong pagmamahal na tinugon ang halik ng asawa. Pareho silang naghahabol sa hininga nang maghiwalay ang mga labi nila. Iminulat niya ang mga mata at nasalubong ang nagbabagang tingin ni Andrew.
"Kaninang-kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko sa reception, sweetheart," anas nito. "I want you so much."
Nginitian niya ito ng ubod tamis. Kahit nakakaramdam pa rin siya ng kaba ay hindi niya na inalintana iyon. She was his wife now. Dapat lang na ibigay niya na ang lahat-lahat sa lalaking ito.
Humugot ito ng malalim na hininga bago bahagyang lumayo sa kanya at hinawakan ang isang kamay niya. "Gusto mo bang makita ang magiging kuwarto natin? You'll like it more," puno ng kasiyahang pagyaya nito.
Tumango siya at nagpatangay na lang dito hanggang sa makarating sila sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroroon ang master's bedroom – ang kuwarto nilang mag-asawa.
Hindi nga nagkamali si Andrew dahil talaga namang mas nagustuhan niya ang kuwartong iyon. The whole bedroom had a romantic vibe on it. In the middle was a four-poster bed with soft flowing drapes and white linen. The floor was made of cool marble. Pero ang mas nagustuhan niya ay ang mural ng purple tulips sa mismong ceiling ng kuwarto.
Lumapit siya sa kinaroroonan ng kama at napangiti nang makita ang mga petals ng purple tulips doon. Lumingon siya kay Andrew at ganoon na lang ang paglundag ng puso niya sa nakikita sa mukha nito. He was already sweating kahit na malamig naman ang buong kuwarto, his eyes were filled with undeniable hunger – hunger for her.
Ibinalik niya ang tingin sa harapan at tinitigan ang mga petals na nasa ibabaw ng kama – sa kama nilang dalawang mag-asawa. Ilang beses niya na rin namang nakakatabi sa pagtulog si Andrew noong nasa Japan pa sila pero iba ngayon. He was now her husband and this night was their honeymoon night. Kahit gusto niyang patigilin ang malakas na pagtibok ng puso ay hindi niya naman magawa.
Ipinikit niya na lamang ang mga mata at ilang ulit na humugot ng malalim na hininga. Kailangan niyang kumalma. Hindi niya gustong sirain ang gabing ito – ang gabi nilang dalawa ng asawa niya. Calm down, April. Calm down.
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess
RomanceHindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala...