DAHAN-DAHANG iminulat ni April ang mga mata at agad na sumalubong sa kanya ay ang isang cloud mural na nasa kisame. Inakala niya pa na nananaginip lang siya kung hindi lang dahil sa nararamdamang pananakit ng ulo. Maingat siyang bumangon at napahawak sa noo. Pilit niyang inaalala ang nangyari ng nagdaang gabi at sa kung saang lugar ba siya naroroon.
Bumalik sa alaala niya ang pagyaya sa kanya ni Andrew sa pad nito at ang pagluluto niya ng dinner nilang dalawa. Naalala niya rin ang panonood nila ng isang movie habang umiinom ng whiskey at pagku-kuwentuhan ng patungkol kay Cheska. Subalit hanggang doon na lang ang alaala niya, hindi niya na magawang matandaan kung paano siyang napunta sa kuwartong ito at kung ano pa ang mga sumunod na nangyayari.
Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan. Sigurado siya na kuwarto iyon ni Andrew dahil sa lalaking-lalaking disenyo niyon at maging sa mga sketches na nakasabit sa dingding. Hindi niya alam na nakatulog na pala siya kagabi habang nakikipag-kuwentuhan dito. Masyado yata talagang naparami ang nainom niya. Hindi pa naman sanay ang katawan niya sa alak.
Muli siyang tumingala at pinagmasdan ang cloud mural na nasa kisame. It was so beautiful. Siguradong si Andrew rin ang nagpinta ng mural na iyon. The mural increases the relaxing atmosphere of the whole room. Nakakagaan ng pakiramdam na pagkagising ay iyon kaagad ang mabubungaran. Napakaganda rin ng buong kuwarto. Ang manly king-sized bed na kanyang kinauupuan ay tunay na napaka-komportableng tulugan. Napatingin siya sa isang parte ng kuwarto na sa tingin niya ay ang built-in closet ni Andrew. Camouflage print ang disenyo niyon na mas lalong nakapagpadagdag ng lalaking-lalaking ambiance ng silid.
Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at lumakad patungo sa isang dingding kung saan doon nakasabit ang ilan sa mga sketches na ginawa ng lalaki. Sa pinaka-gitna niyon ay isang canvas ng yatch na naglalayag sa karagatan. Hinaplos niya ang ibabang parte ng canvas nang makita ang pirma ng pangalan ni Andrew doon. He was indeed a great artist. Bakit kaya hindi nito ipa-auction ang mga obrang gawa nito?
Humugot siya ng malalim na hininga at lumapit sa full-length mirror na nakakabit sa built-in closet na naroroon. Inayos niya ang sariling buhok at damit. Napatigil pa siya nang makita ang maliit na sugat sa ibabang parte ng labi niya. Itinaas niya ang isang kamay at marahang hinaplos iyon. Anong nangyari dito? Ipinikit niya ang mga mata at pilit inalala ang posibleng nangyari ng nagdaang gabi. Pero wala talagang pumapasok sa isipan niya.
Iminulat niya ang mga mata. Trying to remember what happened last night brought pain in her head. Saka niya na lang siguro aalalahanin iyon kapag wala na siyang hangover. Nagpasya na lamang siyang lumabas ng kuwarto at alamin kung nasaan si Andrew. Sa couch na ba ito natulog dahil pinagamit nito sa kanya ang kama? Nakaramdama siya ng hiya sa isiping iyon. Hindi naman talaga dapat siya nakitulog sa lugar nito. Bakit ba kasi hindi niya na-kontrol ang pag-inom?
Pagkalabas niya ng kuwarto ay lumakad siya patungo sa living area subalit hindi niya nakita doon ang lalaki kaya tumuloy siya sa kitchen area. Agad namang bumilis ang tibok ng puso niya nang masilayan ito doon, nakatalikod ito at may ginagawang kung ano sa kitchen counter. Andrew was wearing a white shirt and black sleeping trousers.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. Lumingon ito sa kanya, hindi maikakaila sa mukha nito ang pagkagulat. Ilang saglit lang ay tuluyan na itong humarap sa kanya.
"G-Gising ka na pala," anito. Nagtaka pa siya sa tila pagkabalisa sa tinig nito. "N-Nakapaghanda na ako ng kape. P-Para sa hangover mo," lumapit ito sa mga tasang naroroon at kumuha ng dalawa. Pagkatapos ay isinalin ito ang kape na nasa coffee maker sa dalawang tasa.
Lumapit siya sa upuang naroroon at naupo. Pinagmasdan niya lang ito hanggang sa matapos ito sa ginagawa at lumapit sa kanya. Ipinatong nito sa mesa ang tasa ng kape bago naupo sa katabi niyang silya.
"Salamat," mahinang wika niya. "Akala ko hindi ka umiinom ng kape."
"Every morning lang ako nagka-kape," sabi nito. Ilang sandali itong huminto bago nagpatuloy. "N-Nalasing ka kagabi. N-Naaalala mo pa ba ang nangyari?"
Iniyuko niya ang ulo. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa bagay na iyon. Hindi niya inaasahan na malalasing siya nang nagdaang gabi at hindi niya magawang maunawaan kung bakit pakiramdam niya ay may nagawa siyang hindi niya dapat ginawa.
"A-Ang totoo, w-wala akong maalala," nahihiyang pag-amin niya. "M-May ginawa ba akong mali?" nag-angat siya ng tingin para sulyapan ito.
Nag-iwas ito ng tingin at itinutok sa hawak na tasa ng kape. "W-Wala naman," bumuntong-hininga ito at ngumiti. "P-Pasensiya ka na kung pinainom pa kita."
"Ako ang dapat humingi ng pasensiya. Kung inabala pa kita kagabi," tinitigan niya ito. "P-Pero... alam mo ba kung saan nanggaling ang sugat dito sa labi ko?" itinuro niya pa ang parteng iyon ng labi.
Nakita niya ang pagkatigil nito ng ilang saglit. Bakit pakiramdam niya ay may itinatago ito? Gusto niyang malaman ang nangyari kagabi pero hindi niya naman magawang maalala.
Nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy siya. "Did I do something foolish? Nagwala ba ako o nanggulo ng mga gamit mo? Sinaktan ba kita?" She felt so stupid asking those questions.
Andrew chuckled. "Sinaktan mo ako at gumanti ako, ganoon ba? Kaya ka nagkasugat diyan?"
Napatawa na siya. "Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Imposibleng saktan mo ako kahit saktan kita." Hindi ganoong klaseng lalaki ang pagkakakilala niya dito.
Itinaas nito ang isang kamay para hawiin ang nakaharang na hibla ng buhok sa mukha niya. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya biglaan rin ang pagtalon ng puso sa dibdib niya.
Mukhang natigilan rin ito sa ginawa kaya agad nitong ibinaba ang kamay. "Hindi ko na rin masyadong maalala ang nangyari kagabi," sabi nito. "Medyo nakainom rin kasi ako."
Tumango na lang siya at itinuon na ang pansin sa pag-inom ng kape. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa hindi pa rin matigil na pagtibok ng puso niya. Hindi naman siguro ganoon kahalaga ang nangyari kagabi kaya dapat niya nang tigilan ang pagtatanong.
Bumalot ang mahabang sandaling katahimikan sa pagitan nila. Wala siyang maisip na puwedeng pag-usapan. Kailan pa siya nakaramdam ng ganitong pagkailang kasama ito? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Ano ba itong nararamdaman niya?
"M-May schedule ka ba ngayong araw?" maya-maya ay narinig niyang tanong ni Andrew.
Napaisip siya ng ilang saglit. "Wala naman pero bibisita ako sa coffee shop ngayong araw," ibinalik niya ang tingin dito. "Magkikita-kita kasi kami ng mga kaibigan ko na kasosyo ko sa café."
Tumango-tango ito. "Basta pagkatapos niyon ay magpahinga ka na. Siguradong masakit pa iyang ulo mo dahil sa hangover, tama?"
Ngumiti siya at maingat na tumango. "Hindi na talaga siguro ako iinom ng alak. Ayokong makaabala sa mga taong kasama ko."
"Huwag na nga," pagsang-ayon nito. "Lalo na at ibang lalaki ang kasama mo. Baka masaktan mo rin sila," dinugtungan pa nito iyon ng tawa.
Naiinis niyang hinampas ang braso nito. Nagagawa na siya nitong biruin at pagtawanan ngayon? Lumuwang ang pagkakangiti niya habang nakatitig sa lalaki na patuloy pa rin sa pagtawa. When he was smiling and laughing like that, she could feel a dazzling sunlight that brightens her heart. He looked so happy like a little child.
She just stared at him for the longest time. She liked the way he talked to her, the way he smiled at her. She liked his black hair, his lips, his eyes, and his wonderful manly scent. She liked the way his white shirt fits his muscular body. She liked his gentle and alluring character. She liked him.
Malungkot siyang bumuntong-hininga at muling itinutok ang paningin sa kapeng medyo malamig na. Pinigilan niya ang luhang nagbabantang pumatak mula sa mga mata niya. Bakit niya ba nararamdaman ito? Bakit hinahayaan niyang patuloy na lumawig ang pagbibigay niya ng atensiyon at panahon sa lalaking ito? Bakit kailangang magustuhan niya pa ito ng tuluyan? She bit her lower lip. Kailangan niya ng tumigil hanggang maaari pang agapan ang nararamdaman niyang ito dahil paniguradong wala itong magiging katugon. Si Cheska ang babaeng gusto ni Andrew at hindi niya maaaring agawin ito sa kaibigan. Hindi niya rin gustong gumawa ng mga bagay at desisyong may posibilidad na pagsisihan niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess
RomanceHindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala...