ISANG umaga ay naisipan ni April na dalawin si Cheska sa condominium unit nito sa Ayala dahil narinig niya sa isa sa mga kaibigan nito na nakabalik na daw ito mula sa London. Gusto niya sana itong kumustahin at kausapin na rin patungkol kay Andrew. Gusto niya sanang ipaalam dito kung anong klase ng tao si Andrew at kung maaari ay mas lalo nitong paglagakan ng oras ang nobyo. Napapansin niya kasi na parang nagiging abala na ito sa ibang mga bagay at mukhang napapabayaan na ang relasyon nito kay Andrew kaya siya ang malimit na nakakasama ng lalaki.
Ilang sandali siyang nag-alinlangan bago pinindot ang doorbell na nasa gilid ng pinto ng unit ni Cheska. Inabot ng ilang minuto bago niya narinig ang pagbubukas ng pinto. Hindi niya naitago ang pagkagulat nang sumalubong sa kanya ang isang lalaki na nakasuot lamang ng boxer shorts.
She was too stunned to move. Sino ang lalaking ito? Ano ang ginagawa nito sa condominium unit ni Cheska at ganoon lamang ang suot? Iyon ang mga tanong na agad na pumasok sa isipan niya.
"Hey," narinig niyang pukaw sa kanya ng lalaki, magaspang at baritono ang tinig nito na tila kagigising lamang.
Napatingin siya sa mukha nito. He was handsome and a real hunk. He looked like a foreigner o siguro ay half-Filipino ito. Nasa itsura din nito ang pagiging babaero. Matangkad din ito katulad ng mga basketball players na naglalaro sa ibang bansa.
Nakita niya ang pagtaas ng gilid ng mga labi ng lalaki habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya. She sensed danger from his stare. Tumikhim muna siya bago nagsimulang magtanong. "N-Nandiyan ba si... si Cheska?" hindi niya sigurado kung nahahalata ba ang kaba sa tinig niya.
"Si Cheska?" ulit ng lalaki sa magaspang na tono. "Natutulog pa siya. Kaibigan ka ba niya?"
Tumango siya. Nagulat pa siya ng inilahad nito ang isang kamay sa harapan niya.
"I'm Rick Montañez. And you are?"
Ilang sandali siyang nag-alinlangan bago tinanggap ang pakikipag-kamay nito. "A-April. April Rivera."
Naramdaman niya ang mariing pagpisil ni Rick sa kamay niyang hawak nito. Sinubukan niyang alisin ang kamay sa pagkakahawak nito pero hindi nito iyon pinakawalan. "Very beautiful," narinig pa niyang anas nito. "Maybe we could hang-out some other time."
Sapilitan niya nang inagaw ang kamay niyang hawak ng lalaki. Hindi niya na nagugustuhan ang malagkit na pagtitig nito sa katawan niya. Iniiwas niya ang tingin dito at itinutok sa sahig. "A-Anong relasyon niyo ni Cheska? Bakit ka nandito?" lakas-loob na tanong niya.
Nagkibit-balikat ito at humakbang palapit sa kanya. "Na-meet ko lang siya sa isang bar kagabi," ngumiti pa ito. "Hindi ko akalain na may mas maganda pa pala siyang kaibigan," patuloy na pag-komento nito sa kanya.
Iniiwas niya ang tingin dito at mabilis na umatras. Sumulyap siya sa loob ng condo para magbaka-sakaling makita si Cheska na gising na. Nang walang makita ay nagpasya siyang magpaalam na sa lalaki bago pa ito magkaroon ng pagkakataon na gawan siya ng kung ano. Kitang-kita niya sa mga mata nito at sa reaksiyon ng katawan nito ang nais nitong mangyari. "A-Aalis na lang siguro ako," mahinang wika niya. "T-Tatawagan ko na lang si Cheska," iyon lang at nagmamadali na siyang tumalikod at lumakad palayo. Narinig pa niya ang pagtawag ng lalaki subalit nagbingi-bingihan na lamang siya.
Pagkarating niya sa elevator ay saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng galit at inis para sa kaibigang si Cheska. How could she sleep with another man while in a relationship? Paano nitong nagagawang pagtaksilan ang nobyo nito? Kinagat niya ang pang-ibabang labi. She felt so sorry for Andrew.
Buong araw ay iginugol niya sa coffee shop nila pero hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nalaman kaninang umaga. Pagkauwi niya sa sariling bahay ay agad na siyang tumuloy sa kuwarto para magpahinga subalit kahit nakahiga na siya ay hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang katotohanang pinagtataksilan ni Cheska si Andrew.
Marahas siyang napailing at tumitig sa kisame. No! Hindi dapat siya nag-iisip ng masama sa kaibigan. Siguro ay may dahilan ang pangyayaring iyon. Kahit nais ng puso niya na sabihin kay Andrew ang tungkol sa nakita ay nagpigil siya. Bakit niya gagawin iyon? Bakit siya makikialam sa relasyon ng mga ito? Hindi niya gustong sirain ang tiwala ni Cheska, hindi niya gustong mag-isip ito ng kung ano patungkol sa kanya. She should stay away from this. Dapat niya nang pigilan ang sarili sa kaiisip ng mga bagay na ikagugulo lamang ng takbo ng buhay niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess
RomanceHindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala...