Love's Debt

88K 1.2K 89
                                    

"SERIOUSLY? No, this isn't right! Anong utak meron sila para hingin iyon? And why, how... bakit ako?!"

Ramdam na ramdam ko ang galit sa dibdib ko. Hindi ako makakapayag. Hinding hindi. All my life, kahit namuhay ako ng masagana at matiwasay, hindi ako nag-asal prinsesa. I live with my own condo unit, I'm earning money from my own flower shop at walang ni isa sa pamilya ko ang hinayaan kong sirain iyon. That's my happiness!

Hindi ako katulad ng dalawa kong kapatid na nag-aagawan sa business o kompanya na pag-aari ng pamilya namin. I never had the 'feels' for the company. Gusto kong mabuhay nang alam kong hindi ako umaasa sa pera ng pamilya ko. I want to be an independent woman.

"Hahayaan mo ba kaming makulong, anak?"

Wow, anak? Big word. They never treat me as a real daughter. Pakiramdam ko nga ay ampon ako. Sa sobrang pag-iisip niyon, nagpa DNA test pa ako para lang mapanatag ang isip ko. Oo, anak nila ako. Sa kanila ako galing pero kailanman, hindi ko naramdaman na anak nila ako. They only care for my brother and sister. Mga sipsip! Ako ang bunso sa aming tatlo pero mas mature pa yata aking mag-isip sa kanila.

"Bakit hindi si Ate Veronica? Bakit ako? Tutal isa siya sa dahilan kung bakit bumagsak ang kompanya!"

Gusto kong maiyak pero ayokong ipakita ang luha ko sa harap ng pamilya ko. Kailanman, ayokong ipakita sa kanila na mahina ako. Gusto kong makilala nila ako na strong independent woman na kayang kaya na mabuhay na wala sa poder nila.

"Ikaw ang gusto nila! Ikaw, anak..."

Pakiramdam ko ay matutumba ako. I'm living peacefully. Nang makatapos ako ng college ay nagtrabaho ako sa ibang kompanya. Hanggang sa makaipon ako at nagtayo ng sariling business. Hindi ko inakalang papatok ang business ko dahil na rin sa mga kaibigan na galing sa mayayamang pamilya.

Nang makaipon ng malaki ay ibinalik ko sa magulang ko ang lahat ng tuition fees na ginamit ko noong nag-aral ako. Funny but yes, I did that. Tulad ng sabi ko, parang hindi tunay na anak ang turing nila sa akin. Ayokong balang-araw, isumbat nila sa akin ang mga bagay na iyon so I paid it all. Masarap sa pakiramdam. Nakabili ako ng sarili kong condo unit. Matagal ko na talagang gustong makaalis sa mansyon ng pamilya ko na puro pera lang ang nasa isip. You can't feel anything there. Plain business and money. Wala kang mararamdamang may pamilya ka.

And now, never have I imagine na tatawagan nila at at papupuntahin dito sa mansyon na 'to, para lang sabihin sa akin ang isang napakalaking kalokohan.

"Magkano lahat ng utang niyo? I'll ask my friends, or kahit iyong naipon ko, fine, I'll give it all." Desperada na ako.

"Anak..."

"Ngayon, tatawagin niyo akong anak? Why? Dahil may kailangan kayo sa akin? That's incredible." Sabi ko.

"Sunny!" Sigaw ni Papa na sa wakas ay nagsalita rin. Kanina pa siya tahimik.

I used to be a daddy's girl but things changed. Nilamon na sila ng business.

"What do you want me to do?!" Sigaw ko.

"Their son wants you, Sunny. Sila ang magsasabi sa 'yo kung anong gusto nila. Kapag pumayag ka, mabubura ang trilyon na utang namin sa kanila. Bibigyan nila kami ng maayos na matitirahan at hahayaan nila akong magtrabaho sa kompanya nila." Paliwang ni Papa.

Yes, what happened? Na-bankrupt lang naman ang kompanya namin and it's all because of them, of course. Nagpakasarap sila sa pera hanggang sa nalulong sila sa casino at napabayaan na ang business. Even my siblings. Pati itong mansyon na 'to, nakasangla na, halos wala nang natira.

And lahat nang inutang nilang pera at lahat ng shares sa company namin, ay kailangang mabayaran sa iisang tao.

My childhood friend's family. We grew up in the same village at close ang mga pamilya namin. That's why that family invested a lot of money to our company. Bukod sa tiwala sila kay Papa, maganda naman ang takbo ng business namin.

And now, this family is such a mess.

"What if... ayoko?" I asked.

Nakita ko ang takot sa mga mata ni Mama. Nanatiling tahimik ang dalawa kong kapatid at si Papa, nanatiling nakatingin sa akin.

"Ipapakulong nila kami ng Mama mo at ng mga kapatid mo at walang pyansa. Habang buhay kaming mananatili roon."

Huminga ako ng malalim. I did my best to provide my own living but look at now, I am the only one who can save them from the things they did.

Oo, malaki ang galit ko sa pamilya ko but I can't lie with the fact that I still care for them. Pamilya ko pa rin sila. Baliktarin man ang mundo, sila ang pamilya ko.

"I'll talk to them." Sabi ko.

"Maraming salamat, anak!" Mabilis akomg niyakap ni Mama---na ni minsan ay hindi ko naranasan.

Hinawakan ni Papa ang dalawa kong kamay. Nanggigilid ang mga luha niya. Masakit sa puso ko na makita siyang ganito. My father is a hardworking man. Napakabuti niyang tao pero hindi ko siya masisisi na nalulong rin siya sa sugal.

"Anak, maraming salamat. Hindi ko alam kung gaano kalaking utang na loob ang dapat kong pagbayaran sa iyo."

Hindi na ako nagsalita. As if I have the choice? Hindi pa naman bakal ang puso ko para hayaan ang pamilya ko kahit pinabayaan nila ako. They are my family and I'll sort out the things about it, at sisigiraduhin kong hindi sila makukulong.

LOVE'S DEBT
original story by Pinkyjhewelii

Love's Debt (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon