"I wanna be okay. I wanna be fine."
HINDI KO alam kung totoo ba ang mga nangyayari. Hindi pumapasok sa buong sistema ko ang katotohanang tapos na ang pagiging Sunshine Miranda ko. I never thought this will happen. Never in my entire life.
In just a span of two hours, I am no longer single.
I am married and from this very moment, I am now Sunshine Ynarez. The hell with that surname. I hate it. I fucking hate it to death!
"We're here."
I glared at him beside me. The driver opened the door for us.
"Sunshine."
"Stop calling me by that name." Matigas na sabi ko.
"Then get out of the car. The driver needs to go."
Inirapan ko siya saka bumaba ng kotse. Kanina ko pa gustong palitan ang suot ko. I hate this fucking gown. All my life, I've been dreaming about my ideal wedding─the venue, the decorations and of course, the gown. Pero lahat nang iyon naglahong parang bula dahil sa pamilya ng lalaking kaharap ko ngayon. Kung pwede lang maging killer at patayin ko nalang silang lahat, baka nagawa ko na bago pa niya ako mapakasalan.
It's a simple wedding but hell, pari ang nagkasal sa amin. Ginanap iyon isang hotel's event room. May ilang mga bisita mula sa pamilya niya at sa pamilya ko. Wala akong inimbita kahit isang tao mula sa mga kakilala o kaibigan ko.
Why? It's not the wedding na dapat ipagmalaki sa iba. Kinasusuklaman ko sila. Kung pwede lang sana na ako mismo ang tumutol kanina sa kasal, tututol talaga ako but hell no, wala na akong ibang choice pa. Wala na akong lakas pa ng loob para tumanggi o umurong sa kasal.
Imagine in just one day, all set ang kasal. I was crying and begging yesterday pero wala iyong nagawa. They did everything. Wala akong ginawa na kahit ano ultimo pagpili ng gown na isinuot ko. They were all excited at halos hindi sila mapakali sa mga gagawin while I was in my condo unit─crying and thinking what should I say to my boyfriend.
"Earth to you, Sunshine."
Nawala ako sa pag-iisip nang pagtaasan ako ng boses ni Van Angelo.
"Are you okay with that gown?"
Sinamaan ko pa rin siya ng tingin saka itinaas ang laylayan ng gown ko.
"Kasal nga, hindi okay sa akin. Itong gown ko pa kaya?" Asik ko saka siya nilampasan.
Nauna na akong maglakad papasok sa veranda ng magiging bahay namin. Imagine, baon sa utang ang pamilya ko pero iyong pamilya ni Van Angelo, bahay ang ibinigay sa amin bilang wedding gift. Another utang na dapat bayaran? Baka kasi sa mga susunod na araw, isumbat pa nila sa akin ang malaking bahay na 'to.
"The key is here." Sabi ni Van.
Wala akong pakialam. Nanatili akong tahimik at nakasimangot. Kanina ko pa gustong ilabas ang sama ng loob ko at bigat ng nararamdaman ko. Mula sa kasal, I acted strong kahit deep inside, hinang hina na ako. Until now, gusto kong ipakita kay Van Angelo na malakas ako.
He opened the main door. Bumungad sa amin ang minimalist style ng malaking bahay na 'to or let's say, a mansion? Hindi na bago sa akin ang ganito because I was born rich.
"Do you want to shop for new appliances? Furnitures? Though, they are all new." Aniya.
I rolled my eyes at him. "Gusto ko? Matanggal ang gown na 'to!"
Sumeryoso ang mukha niya. I know how cold he is. Lalo na kapag ganyang seryoso ang mukha niya, hindi ko na mabasa kung ano ba ang nararamdaman niya─saya, lungkot o galit?
BINABASA MO ANG
Love's Debt (R18)
RomanceFrom the story, "One Night Stand", Oliver Ynarez' first son, Van Angelo Ynarez.