"It’s fucking me up in my
head that I still care."PARANG tumigil ang mundo ko. Habang nakayakap siya sa akin ay hindi ako makagalaw dahil na rin s a gulat sa pangyayari. Ilang taon na ang nakalipas mula nang mayakap niya ako. Bata pa nga kami noon, at hindi ko akalaing... same person, same feelings. Nabalewala ang ilang taong pinilit kong alisin siya sa isip ko.
Dumadagundong ang dibdib ko hanggang manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Welcome to hell, Sunshine."
Parang awtomatikong nabura ang masasayang alaala namin sa sinabi niyang iyon.
The way he calls my full name, ganoon pa rin ang epekto. Bakit ganoon? Alam ko sa sarili kong naka move on na ako sa naramdaman ko noon para sa kaniya. Bakit pakiramdam ko, ilang araw lang nakalipas mula nang huli ko siyang makita pero ang totoo niyan, ilang taon na ang nakalipas.
Hindi ko alam ang ikikilos ko nang bumitaw siya sa akin. Ngayo'y kaharap ko na siya. His well built body, his height, his aura made me feel weak as of this moment. Hindi ko napaghandaan 'to. Hindi ko naisip na ganito ang magiging scenario sa unang pagkikita namin pagkatapos ng ilang taon.
He tilted his head while staring at me. His cold eyes... makes me more weak.
"What do you think about marrying me?"
I gulped. Tulad noon, straightforward pa rin siya. Palagi ko siyang inaaway noon dahil sa pagiging matalas ng dila niya. He speaks english like a pro pero kapag nagsalita na siya ng tagalog, nawawala ang angas niya. That's why he hates speaking in tagalog.
Nakatulala ako sa kaniya. Parang na-blanko ang isip ko sa tanong niyang iyon. He caught me off guard with his question.
"You'll fucking live with me, Sunshine."
Dumagundong ang dibdib ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman kong 'to. I'm still affected with his presence until now. Ganoon ba katindi ang feelings ko sa kaniya noon para maramdaman ko 'to?
"We... we just talked... ah, your mother. Gusto ko pa sanang kausapin ang Papa mo. I want to suggest something. I promise I will do everything to pay my family's debt."
"You can't do anything about it."
"Kaya nga gagawa ako ng paraan." Tumikhim ako. Nabawi ko na iyong tatag ng dibdib ko. Ayokong magpadala sa nararamdaman ko. Wala na siya sa akin ngayon. Isa na siya sa mga alaalang matagal ko nang kinalimutan. "Kung kailangan kong manghiram ng pera, mag-loan, o kaya ibenta ang business ko, gagawin ko."
"So that means, you don't like to marry me."
Napatda ako sa sinabi niyang iyon. "Hindi ako bagay na pwedeng ipambayad sa utang ng pamilya ko."
"Take it or leave it. You can't talk to my father. He's done with it. He approved ny suggestion so here we are."
"I don't want to marry a stranger." Napatungo ako sa sinabi ko.
"Stranger."
Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "I have a boyfriend. I am happy with him. I love him so much that I am ready to marry him. Ayokong masira ang relasyon namin ng dahil sa utang ng pamilya ko. Ayokong isakripisyo ang pinagsamahan namin because I don't deserve it!"
"Boyfriend."
"Kaya please, tulungan mo akong makausap ang Papa mo. Marami pang paraan na pwede. Hindi ko kailangang magpakasal sa 'yo. Sigurado namang hindi mo rin gusto iyon, 'di ba? Huwag mong hayaang matali tayo sa bagay na hindi natin pareho gusto."
"Shut up."
Umiling ako. "Gagawa ako ng paraa--"
Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa. I felt his lips moving against mine.
BINABASA MO ANG
Love's Debt (R18)
RomanceFrom the story, "One Night Stand", Oliver Ynarez' first son, Van Angelo Ynarez.