"Words can really hurt
someones feelings."MASAYA ako dahil sa wakas, pagkatapos ng ilang araw ay makakasama ko na ulit ang boyfriend ko. Hindi naman ako ganito dati. Mas ramdam ko lang siguro ang pagka-miss sa kaniya dahil na-stress na ako kay Van Angelo.
Hindi ko na alam kung bakit palagi akong pumapayag sa ginagawa niya. He kept on kissing me at ako namang tanga, tugon ng tugon. Hindi ko dapat ginagawa 'yon.
Katatapos ko lang magluto ng shrimp pasta dahil isa ito sa favorite ni Tim. I'm sure he'll enjoy this. Bumili rin ako ng red wine para sa dinner namin mamaya.
Inihanda ko na ang mga dapat ayusin. Gusto kong lagyan ng presentation ang dining table ko dito na hindi gano'n kahaba. Saktong laki lamang iyon.
Inilatag ko ang tabel cloth na kulay puti saka ko inayos ang dala kong red roses sa vase. Ipinatong ko iyon sa gitna ng table.
Sunod kong kinuha iyong set ng plate, spoon and fork na nabili ko kanina sa mall nang dumaan ako para mamili. Dinaanan ko rin kasi iyong pinagawa kong necklace kahapon.
Kulay puti ang mga plato ay may maliit na red heart na print sa gitna. Parang couple plate. Then I prepared the wine glasses for us.
Nang matapos ako ay hindi ko maiwasang mapangiti sa kinalabasan. I'm sure, magugulat si Tim. Gusto ko rin kasing mag-effort ng mga ganitong bagay para sa kaniya. I know he's too busy at work and I'm sure, madalas siyang pagod. Kaya naman kahit paminsan minsan ay mapagaan ko ang pakiramdam niya by doing this kind of things.
Tinanggal ko ang suot kong apron saka kinuha ang phone ko na nakapatong sa may center table sa living room.
I dialled his number.
"Tim."
"Hey, Sunshine."
"On the way ka na ba?" I asked.
I am so excited to surprise him. Pinagawan ko mga rin pala siya ng necklace na may pangalan ko and binalikan ko lang din pagkatapos kong mamili ng kung anu ano.
"Wait for me, alright? I'll call you when I'm on my way. Sorry, Sunshine, I am just too busy today."
Ngumiti ako. "No problem, Tim. I can wait, don't worry."
"Thank you, Sunshine. See you later."
"See you. I love you."
The call was ended. Sobrang busy siguro niya. Hay, naaawa tuloy ako sa boyfriend ko. Work is really important to him and ayoko namang maging sagabal doon. Isa pa, mas gusto kong intindihin na hindi oras oras ay dapat kaming magkasama. We both have different dreams and passion at masaya ako na sinusuportahan namin ang isa't isa.
I checked the strawberry cake that I bought kanina. This is also Tim's favorite. I don't know why I feel so happy doing things for him.
For now, I need to wait for him and mas maigi na manood nalang muna ako ng movie sa netflix para hindi ako mainip.
Bumalik ako sa living area saka binuksan ang TV. I grabbed the remote control and sat on the couch.
I browsed for movies at hindi ko maiwasang lumipad ang isip ko. Parang wala naman kasi ako sa mood na manood. Maybe I am just too excited for Tim's reaction when he arrives here.
Nagulat ako nang tumunog ang phone ko. I immediately checked it dahil baka si Tim na iyon but it's not him.
"What." Sagot ko sa tawag ni Van Angelo.
"Where are you?"
"Wala ka na do'n, Van Angelo."
"Are you going to meet your asshole ex boyfriend?"
BINABASA MO ANG
Love's Debt (R18)
RomanceFrom the story, "One Night Stand", Oliver Ynarez' first son, Van Angelo Ynarez.