"My life is totally destroying my life."
MAGKAUSAP kami ni Tim kanina habang nagda-drive ako pauwi dito sa bahay. We always missed each other. Ganoon naman kami palagi noon. Palibhasa, hindi naman kami pwedeng araw araw na magkasama dahil sa trabaho, hanggang tawag at videocall lang kami madalas.
Ang galing galing ko magtago ng nararamdaman. Sa likod ng mga tawa at ngiti ko habang kausap siya, may nakatagong sakit at bigat dito sa dibdib ko.
Hindi ko ginustong itago sa kaniya ito. Gusto kong matapos ang problema na ito. Naniniwala ako na darating ang araw na makakalaya rin ako mula kay Van Angelo.
Pumasok na ako sa bahay. Diretso akong umajyat sa kwarto namin para makapagpalit ng damit. Maaga pa. Usually, mga ala sais ako nagsasara ng flower shop at dahil hindi naman kami nagkita ni Tim, on time ako umuwi.
Iniisip ko kung pakikialamanan ko nalang 'yung garden dito sa bahay. I want to plant some flowers tutal wala naman akong ibang ginagawa dito.
Dati, pagkakagaling ko sa flower shop, madalas ako sa coffee shop, umiinom ng kape at nagbabasa ng libro. Libangan ko na 'yun. Pero ngayong nagbago na ang buhay ko, hindi ki alam kung magagawa ko pa ba iyong mga normal kong ginagawa noon. Pakiramdam ko may tali ako sa leeg. Pakiramdam ko wala akong kalayaan.
Pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko dahil naabutan ko si Van Angelo na kakalabas lang sa banyo. Mukhang kakaligo niya lang.
Galing ba siyang trabaho?
"You're here." Aniya.
Inirapan ko siya. Dumiretso ako sa walk-in closet namin. Kailangan ko na yata talagang masanay na makita siyang naka bathrobe lang.
Sinilip ko siya. Ginugulo gulo niya ang basang buhok niya. Bakit ba napapalunok ako sa tuwing titingnan ko siya?
"Babe."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano?"
He grins. "You forgot something?"
Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? "Ano namang makakalimutan ko?!"
"You told me you will do everything I want."
"Kailan ko sinab—" natigilan ako at literal na nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko iyong sinasabi niya. What the hell! I almost forgot! Iyong kagagahan ko kaninang umaga!
Tumawa siya. "You remember now."
"Ah, ano, ano kasi, may appointment pa pala ako."
Aalis sana ako nang humarang siya sa dadaanan ko.
"You can't just run away, babe."
Hell! Kaya ba maaga siyang umuwi ng bahay? Inaabangan niya talaga ako? Katapusan ko na. Kung bakit kasi hinamon ko siya ng ganun ganun lang?! Ang tanga tanga ko. Sarili ko rin ang nagdadala sa akin sa kapahamakan e.
"Alam mo, magaling akong magluto ng... ng... ng kanin. I mean ng.. ng ano..." I hate this!
Mas ngumisi si Van Angelo. "Let's eat. I ordered some foods."
"H-Ha?"
"Change your clothes. I'll wait for you at the living room."
Naiwan akong tulala. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Kakain lang kami, tama 'di ba? Walang malisya? Walang mangyayari? Hindi siya naghubad, hindi niya ako hinuburan... wala!
Okay, kakain daw kami. Utang na loob, sana 'yun nga lang!
Mabilis akong kumilos. Nagpalit ako ng pambahay na damit. Hindi ko alam kung ano talaga ang nasa utak ni Van Angelo pero mas maigi na iyon. Kailangan kong magpakabait dahil baka maging monster nalang siya bigla at ihagis ako sa kama.
BINABASA MO ANG
Love's Debt (R18)
RomanceFrom the story, "One Night Stand", Oliver Ynarez' first son, Van Angelo Ynarez.