"People can’t save you but they can
fucking destroy you."BUMABA ako sa kusina. Late na ako nagising tutal linggo naman ngayon at hindi ko kailangang magbukas ng flower shop.
Kanina ay hinanap ko agad sa tabi ko si Van Angelo. Hindi dahil gusto ko siyang makita agd kundi dahil nahihiya ako. Gusto kong mag-sorry dahil sa inasal ko kagabi.
Nalasing ako pero malinaw sa alaala ko ang kagagahang ginawa ko. I never though I could do that. Pagkatapos ko siyang pagsabihan na nasasaktan ako sa tuwing ginagawa niya iyong punishment niya sa akin pero ako, ako pa mismo ang nag-initiate kagabi.
Naiinis ako sa sarili ko. Ang pokpok ko.
Muntik na akong mapaurong nang makita ko si Van sa kusina. He's wearing an apron while he's topless. Is he serious?
I took a deep breath. Kaya ko 'to. I don't want him to get confused dahil sa inasal ko kagabi so I need to apologize for what happened.
Mabuti nang malinaw.
Tumikhim ako habang papalapit sa kusina. Sinadya ko talaga iyon para makuha ang atensyon niya.
"It's almost done. Sit down." Aniya.
May kumislot sa bandang dibdib ko. Ano ba 'to? Bakit parang normal lang sa kaniya ang lahat?
Umupo ako sa dining table habang nakadungaw sa kaniya na abala sa harao ng stove.
"Si Manang Fe?"
I want to open a topic. Ayokong manahimik nalang pagkatapos nang nangyari kagabi.
"Sunday. Day off. She needs time for her family." Sagot niya habang abala pa rin sa ginagawa niya. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin.
"Oo nga pala." Sabi ko. I need topic! Naba-blanko ang isip ko.
Lumapit siya sa akin dala ang dalawang plato. Inilapag niya iyon sa dining table.
Hindi ko maiwasangmapatingin sa katawan niya. What the hell is he doing? Bakit kasi kailangang topless kapag nagluluto? Tapos naka-apron pa. Para siyang nagmomodel ng apron.
Nakaramdam ako ng gutom nang maamoy ang biluto niya.
Fish fillet with white sauce tapos may omelette. Nakakatakam.
Sunod niyang dala ay ang malaking bowl na may rice. Napakabait yata niya ngayon dahil nagluto talaga siya ng breakfast.
Bumalik siya sa may stove at pagbalik niya, may dala na siyang dalawang maliit na cup of soup. Ipinating niya sa gawi ko ang isa at ang isa naman ay sa kaniya.
Tinanggal niya ang apron niya.
Napalunok ako. Gusto kong ilayo ang tingin ko sa katawan niya pero parang may sariling isip ang mata ko para pasimpleng tumingin.
"Sorry, I'll just wear this." Sabi niya saka dinampot ang gray na sando na nakapatong sa may upuan.
Nang maisuot iyon ay umupo na siya sa harap ko.
"Let's eat." Aniya saka inabala ang sarili niya sa pagkain.
Ako naman, parang tuod na nag-iisip kung dapat ko na bang i-open-up iyong nangyari kagabi.
Nagsimula akong kumain.
"Masarap 'tong fish fillet." Sabi ko. Ang sarap kasi ng sauce niya.
"That's my recipe."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Mahilig ka bang magluto?"
"Kind of." Sagot niya.
Wow, akala ko pagiging gago lang ang side line niya pero mahilig din pala talaga siyang magluto.
BINABASA MO ANG
Love's Debt (R18)
RomanceFrom the story, "One Night Stand", Oliver Ynarez' first son, Van Angelo Ynarez.