"A deep silence and a heart
full of feelings."TINAWAGAN ko si Tim. Tutal linggo naman, siguro ay hindi siya busy. Sabagay, minsan kasi kahit sunday at busy siya. Hindi ko masabi kung kailan siya free.
"Yes, Sunshine. I love you."
Napangiti ako. Ang gandang bungad. Kaya mahal na mahal ko ang lalaking 'to e.
"Hi, Tim. May work ka ngayon? Can't we see each other? Kahit dinner lang?" Tanong ko.
I missed him and as long as we can, mas gusto kong nagkikita kami palagi.
"Oh, sorry. Pero may flight kami ngayon." Sabi niya.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. "No worries! I understand your job, Tim." Sabi ko.
"Thank you, Sunshine. Don't worry, I'll make it up to you. Okay?"
"Okay, Tim. Bye."
"Bye. I love you."
Ibinaba ko na ang tawag. Sa totoo lang, okay lang naman talaga sa akin na busy si Tim pero may mga pagkakataon rin talaga na nalulungkot ako.
Bumaba ako para kumain. Mag aalas syete na at nagugutom ako. Ayoko naman kasing istorbohin kanina si Van Angelo kasama ang babae niya kaya hindi na ako lumabas ng kwarto.
Naabutan ko sa kitchen si Van Angelo na umiinom ng beer habang kumakain ng sisig.
Nainggit naman ako bigla. Pero ayoko munang uminom. Mahirap na. Hindi maganda ang epekto sa akin ng alak. May mga bagay na nangyayari dulot ng alak na hindi naman dapat. Ayoko nang maging marupok kapag lasing ako.
Hindi niya ako pinansin kaya dumiretso ako sa fridge para tingnan kung anong pwede kong lutuin. Ayoko namang magpa-deliver. Dahil wala si Manang Fe, wala talagang aasahang magluto.
E 'yang si Van Angelo, siguradong kumain na 'yan kasama si Guia. Umuwi na kaya 'yon? Akala ko dito pa siya magpapalipas ng gabi.
Akalain mo nga namang magiging sila pala. E ang tanda ko, nilalandi landi niya lang noon si Van. Bahala nga sila sa buhay nila. Wala naman akong pakialam sa kanila.
Kinuha ko iyong instant baked mac. Madali lamg naman 'tong lutuin. Nagpakulo na ako ng tubig sa kaserola.
Habang nagpapakulo ng tubig para s instant baked mac ay kumuha ako ng itlog para i-prito iyon.
Inabala ko ang sarili ko nang hindi pinapansin si Van Angelo.
"I forgot to tell you that we don't have dinner. Guia wanted to eat outside. That's why."
I rolled my eyes. So what? Ano naman kung gustong kumain ni Guia sa labas? O, edi sila na ang kumain!
"Ayos lang. Hindi mo naman obligasyon na magluto. Isa pa, kayang kaya ko namang magluto." Sabi ko.
"Instant noodles?" Tanong niya.
"Para mabilis lang maluto. Saka hindi naman ako kumakain ng rice minsan sa gabi. Ayoko ring magpa-deliver." Sabi ko.
"Alright."
Hindi na ako sumagot. Inilagay ko na iyong macaroni sa kumukulong tubig. Palalambutin ko nalang siya habang nagpi-prito ako ng itlog.
Mabilis lang din namang i-prito ang itlog. Mas nagugutom ako dahil naaamoy ko ang pini-prito ko.
Nang matapos ay inilagay ko sa plato ang pritong itlog. Malambot na rin ang macaroni kaya pinatay ko na ang kalan saka ini-drain iyon sa salaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/207468428-288-k411696.jpg)
BINABASA MO ANG
Love's Debt (R18)
RomanceFrom the story, "One Night Stand", Oliver Ynarez' first son, Van Angelo Ynarez.