"The more you care,
the more you’re hurt."HINDI ako nagbukas ng flower shop ngayon. Hindi ko alam kung natatamad lang ako or hindi ko feel? Ewan ko ba kung bakit nagpakapuyat ako kagabi kakahintay kay Van Angelo.
Sabi niya tatawagan niya ako or sasabihan kung uuwi siya. Pero walang text at walang tawag. Ayoko naman siyang tawagan. Hindi ko tuloy alam kung ilo-lock ko iyong pinto kagabi. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. Bwisit!
Balak kong mag-mall nalang ngayon para mamilo ng kung anu ano. Ayokong ma-stress kay Van. Wala naman akong pakialam kung doon siya natulog sa girlfriend niya pero sana naman sinabihan niya ako iung uuwi siya. How irresponsible.
"You didn't open your flower shop?"
I rolled my eyes at him. "May tao kasing hindi man lamg tumawag kung uuwi para sana nai-lock ko iyong pinto 'di ba? Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos."
Nilampasan ko siya saka pumuntang kusina. Kakarating niya lang dito sa bahay. Wow naman, masyado yata silang nag-enjoy ng girlfriend niya. Inumaga e.
"Hey, are you mad? Sorry, I forgot."
"You forgot? Sabagay, girlfriend mo kasi ang kasama mo. Masyado kayong masaya na hindi mo naiisip na may taong narito sa bahay mo." Uminom ako ng juice mula sa fridge.
Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. "What the fuck are you saying, Sunshine?"
Inilagay ko sa sink ang basong ginamit ko.
"Wala. Aalis ako." Sabi ko saka muli siyang nilampasan.
Dumiretso na ako palabas ng bahay habang hawak ang susi ng kotse ko.
"Where are you going?"
"Wala ka na do'n. Mind your own business." Sabi ko saka inirapan siya.
Sumakay na ako ng kotse ko. Kung pwede lang na sa condo ko na ako tumira para hindi ko na nakikita si Van Angelo. Ugh, I hate him.
Nagmaneho ako papuntang mall. Ang tagal na noong huli akong namasyal sa mall dahil nga sa bwisit na problemang ginawa ng pamilya ko na ako ang nagsa-suffer ngayon.
Dahil sa pagiging kasal kay Van, para bang palagi na akong problemado. Sa halip na wala akong iniisip na kung ano ano, lalo lang akong nakakaramdam ng stress.
Nang makarating ako sa mall ay nagparking muna ako. Bumaba ako ng kotse ko at kumunot ang noo ko nang mahagip ng mata ko si Tim.
Si Tim ba iyong driver no'ng dumaang kotse na palabas ng parking? Imposible dahil kanina, nagsend pa sya ng message na may work siya. Baka kamukha lang niya. Sobrang miss ko na yata kaya akala ko, nakikita ko siya.
Isa pa, hindi ugali ni Tim na mag-mall. Hindi siya mahilig. Depende nalang kapag pinilit ko siya pero bihira dahil nga ayaw niya. Ayaw daw niya sa mataong lugar kaya nga sa mga restaurant sa labas lang kami kumakain palagi at hindi sa mga mall.
Pumasok ako sa mall. Una akong pumunta sa Papemelroti para maghanap ng pwede kong idecorate sa flower shop ko.
Habang tumitingin ay tumunog ang phone ko. Si Van Angelo.
"What?" Sagot ko.
"Where are you? Your shop is close."
"Why are you asking?"
"Just answer me."
I rolled my eyes. Nakakainis 'tonf pagiging demanding ng lalaki na 'to. Hindi na nakakatuwa.
"Mall." Sagot ko. "Bye."
Pinatayan ko na siya ng tawag. Siya na nga ang dahilan kaya kinulang ako sa tulog kagabi, aabalahin pa nya ako ngayon. Manahimik nga siya.
BINABASA MO ANG
Love's Debt (R18)
RomanceFrom the story, "One Night Stand", Oliver Ynarez' first son, Van Angelo Ynarez.