Kabanata XXI

8.1K 343 67
                                    

"I know I'm not good,
but i’ll get there."

NAKAHIGA ako sa kama namin. Kanina pa ako gising pero wala akong lakas na bumangon. Hindi ko pa rin maiwasang umiyak. Bumalik na kami dito sa Manila kaninang madaling araw.

Tanghaling tapat na pero nanatili akong narito sa kwarto. Pakiramdam ko ay wala akong lakas na kumilos kilos.

Ilang missed calls ang natanggap ko mula kay Tim but I didn't bother to call him back.

Galit ako. Galit na galit. Kagabi noong umiiyak ako nang malaman ko na may anak na siya at kinakasama, pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Handa pa nga akong intindihin siya o patawarin but I realized na ang tanga ko na sa part na 'yon.

Hanggang sa lumalim ang gabi, Van Angelo never left me. Doon ako natauhan at nakaramdam ng matinding galit kay Tim. How dare him hurt me after making me fall in love with him?

We even talked about our future plans pero may future na pala siya. May anak na siya. Ang tagal niyang itinago sa akin 'yon. Paano ko ba naman siya pag-iisipan when he's almost a perfect boyfriend to me?

He's a great pretender. Ang tanga tanga ko para mahulog sa patibong niya. Hindi ko maintindihan kung bakit at paano niya nagawa sa akin ang bagay na 'to.

Ang daming tanong sa isipan ko. Kailan pa siya may anak? Kailan pa siya may kinakasama? Kailan pa kami pinagsasabay? Kailan pa niya ako ginagago? Mula't sapul ba, kabit na ako? Ang dami pa... na sa sobrang dami ay wala na akong kontrol sa isip ko.

I wanted to ask him but I know I can't face him right now. I can't even talk to him.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakakahiya man kay Van Angelo pero nang dahil sa akin, iniwan niya si Guia sa Batangas. Pinahatid na lamang niya sa kakilala niya ro'n, I don't know who it is. Wala akong oras para usisain iyon.

I am drowning in pain right now.

Kung sabagay, ang awkward naman kung kasama namin sa sasakyan si Guia tapos ako, iyak ako ng iyak sa byahe. Nakailang stop over si Van Angelo just to hug me and comfort me.

"Sunshine..."

Nilingon ko si Van Angelo. May dala siyang tray ng pagkain. Mula kaninang umaga ay wala rin akong ganang kumain.

Bumangon ako at umupo sa kama. Sumandal ako sa headboard. Ayokong magmatigas pagdating kay Van. I know he's tired taking care of me.

Pagod siya sa pagmamaneho pero hindi pa siya natutulog dahil binabantayan niya ako. Iniisip niya na may gagawin akong masama.

Siguro kagabi, oo. I was ready to end my life by drowning. Pero ngayon, no, mas mahal ko ang buhay ko.

"Eat this." Aniya.

Iniayos niya ang portable table sa ibabaw ng kama saka ipinatong ang dala niyang tray.

I looked at him. "You should take a rest, Van."

"No, I can't let you alone."

"Van. Tingnan mo 'yang mata mo, parang may eyebags ka na. You were tired from driving from Batangas at mula nang dumating tayo rito, wala kang ginawa kundi bantayan ako."

"Of course, you're my wife. It's my responsibility to take care of you."

Hindi ko alam kung bakit ba wala na akong makapang inis sa kaniya. Mas gumaan ang loob ko sa kanya tulad noon.

Mahal niya ako. He confessed to me last night pero hindi ko masyadong inintindi iyon dahil sa nangyari sa amin ni Tim.

I have no idea that he loves me. Minahal ko rin siya noon, pero hindi ko naman naramdaman noon na mahal niya ako. As in ni katiting ay wala lalo na noong iniwasan na niya ako.

Love's Debt (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon