Kabanata I

42.2K 1.1K 145
                                    

"You left with no goodbye,
not a single word was said."

GAANO na ba katagal mula nang makapasok ako sa village na ito? Mula nang mag-aral ako ng college ay halos hindi na ako umuwi rito. Mas ginusto kong manatili sa condo ko habang nag-aaral hanggang sa makatapos ako, hanggang makaipon at makapagtayo ng sarili kong business.

Kung sa iba, they always go back to their home, ako, iba. This is not a home for me. This is the place where i can't even feel the essence of family kahit pa narito amg pamilya ko. Dito ako lumaki pero habang tumatanda ay nare-realize ko na unti unting nagbabago ang lahat. Wala ngang permanente sa mundo.

Ang dating masayang pamilya, ngayon ay wala na. Worst is, sila mismo ang dahilan at sumira niyon.

Ipinarada ko ang kotse ko sa gilid ng daan. Hindi ako tumuloy sa mansyon ng pamilya ko. Dito ako tumuloy sa katapat ng mansyon namin, ang family's friend namin─kung saan may malaking utang ang pamilya ko.

"Manong, nariyan po ba sina Mrs. Ynarez?" Tanong ko sa guard na nasa gate.

"Oo iha, sino po sila?"

"Pakisabi nalang po si Sunny Miranda."

"Sige iha, sandali."

Nakatingin ako sa guard habang nagda-dial ng telepono. Kilala pa naman siguro ako ng mga Ynarez. I grew up here. Kalaro ko ang mga anak nila. Kahit sila mismo ay malapit sa akin. Kaya nga nakakapanghinayang na pati magandang samahan ng pamilya namin, nasira dahil lang sa kompanya at sa mga investments.

Binuksan ng guard ang mataas na gate.

"Pasok ka, iha."

Ngumiti ako at nagpasalamat. Dumiretso ako sa malaking main door. Ilang beses na akong nakapunta rito noon hanggang noong highschool ako dahil naging classmate ko pa ang anak nila sa Shinwoo University─one of the prestige school.

Sinalubong ako ng katulong nila. Inanyayahan akomg umupo sa mahabang couch.

Hindi ko alam kung bakit unti unting lumalakas ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung tama bang pumunta akong mag-isa rito. Pero kung sabagay, sanay naman akong humarap ng problema nang mag isa. I need to talk to them. Gusto kong maliwanagan sa mga bagay na hindi nila napagkasunduan ng pamilya ko─kung paano humantong sa ganito.

"Sunny."

Nag-angat ako ng tingin. Napatayo ako nang makita si Mrs. Ynarez. Suot ang simpleng dress, hindi iisiping nasa forties na siya. She looks so beautiful.

"Mrs. Ynarez." Bati ko.

She smiled. Lumapit siya sa akin saka umupo sa couch. Umupo na ulit ako. Ngayo'y katabi ko na siya pero nakaharap ako sa kanya.

"Hindi ba't Tita Vanna ang tawag mo sa akin?" Nalangiting tanong niya.

Bahagya akong ngumiti. Nahihiya pa rin ako kahit oo, ta siya. Tita pa ang tawag ko sa kaniya noon hanggang highschool ako. Paano ba namang hindi kung close ang mga pamilya namin.

"Sorry, Tita Vanna." Sabi ko.

"I think I know the reason why you are here." Aniya. Sumeryoso na ang mukha niya.

Saglit niyang tinawag ang katulong saka nagpakuha ng tsaa.

"Tita─"

"If you're going to ask me, yes you are right. Kung ano man ang sinabi sa iyo ng parents mo, yes, that's true. They lied to us, ginamit nila ang pera namin, ang investments namin to things na wala namang saysay katulad ng sugal and some illegal things. I don't like that, Sunny."

Love's Debt (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon