"Unloving you is the
hardest thing to do."HABANG abala si Van Angelo sa pag-ubos ng strawberry cake ay hindi ko maiwasang magbalik tanaw.
Paano ko nga ba siya minahal? Bata palang kami ay naging crush ko na siya. Paano kasi, gwapo naman talaga siya tapos english speaking pa siya kaya ang malanding inner child ko noon, humanga sa kaniya. I thought he was cool because of that.
Dahil sa iisang village lang kami nakatira, naging magkaibigan kami. Siya kasi iyong bata na madalas na umuuwi lang ng Pilipinas kapag bakasyon. Kaya noon, palagi akong excited kapag natatapos ang school year dahil alam kong uuwi siya.
Sa US siya lumaki at noong mag grade five siya, dito na siya nag-aral. Naging classmates kami kaya halos lagi kaming magkasama.
Noong tumuntong kami ng highschool, doon ko mas naramdaman na hindi nalang crush ang nararamdaman ko sa kaniya. Sa murang edad, nabihag niya ang puso ko.
Tuwang tuwa ako kapag katabi ko soya sa classroom, tuwing magkasabay kaming kumain kapag lunch break at kapag sinusuntok niya ang mga kaklase kong lalaki na inaasar ako palagi.
Until now, I have no idea kung bakit bigla nalang siyang nagbago. We were both fine. Lagi siyang sinusundo ng driver nila at gusto niyang sa kanya na ako palagi sumakay pauwi kaya nga hinayaan na rin ng Mama ko noon na makisama nalang sa kotse nila tuwing papasok at uuwi kami galing school.
Dinaig pa namin ang mga couple dahil nga halos oras oras ay magkasama kami. Habang tumatagal ay lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.
I hate it kapag nalalaman kong may nagkakagusto sa kaniya. Kaya nga gawain ko noon, siraan si Van Angelo sa mga kaklase at schoolamte kong babae na patay na patay sa kaniya.
He's one of the hearthrobs at hindi naman nakapagtataka iyon.
One day, hindi nalang niya ako kinausap. Nagulat ako nang malaman ko na pumasok na siya sa school wothout his driver. Pinayagan na siyang magdala ng sariling kotse noon. Hindi man lang niya ako sinabihan. Sa school, madalas na rin siyang umupo sa likurang bahagi ng room kasama iyong mga classmate naming bully. Tuwing breaktime at lunch, bigla na rin siyang nawawala ay malalaman ko nalang sa iba naming kaklase na may kalandian siya. Kaoag hindi sa garden, sa rooftop o kaya sa bakanteng rooms.
Ayokong maniwala noon sa sabi sabi hanggang ako na mismo ang nakakita. I saw him kissing and touching some girls sa may hagdan. Nasaktan ako.
Paano naman kasi, bakit ganoon siya? Bakit bigla nalangbsiyang nagbago? I thought we were destiny. Akala ko siya ang para sa akin. Itinatak ko na noon sa isip ko na balang araw, siya ang pakakasalan ko at mapapangasawa.
But then, gumuho ang mundo ko nang malaman ko na umalis na siya ng Pilipinas at sa US na siya magpapatuloy ng pag-aaral. Nalulong ako sa pag-aaral noon dahil gusto ko siyang makalimutan. Galit ako sa kaniya dahil kahit isang salita, wala siyang sinabi sa akin.
Ngayon, natupad ang pinangarap ko noon na mapangasawa siya pero hindi ako masaya dahil lahat ng ito ay kabayaran lamang sa ginawa ng pamilya ko sa pamilya nila.
Natanggap ko na rin naman ang mga nangyari.
He's my first crush.
He's my first love.
But he's my first heartbreak.Masakit pero naka-move on na ako. Alam ko sa sarili ko na tapos na ang kahibangan ko sa kaniya. Masaya na ako kay Tim. Kuntento na ako na may nakilala akong taong makakaintindi sa akin at mamahalin ako ng lubos.
"Earth to you, Sunshine."
Natauhan ako mang magtaas ng boses si Van. "What?"
"You didn't hear me?"
BINABASA MO ANG
Love's Debt (R18)
RomanceFrom the story, "One Night Stand", Oliver Ynarez' first son, Van Angelo Ynarez.