Chapter 06 - Angelie Maria

244 142 25
                                    

Chapter 06 - Angelie Maria Villanueva

ANGELIE'S POINT OF VIEW

"Congrats Gelay" bati sakin ng pinsan kong si Leanne at niyakap ako niyakap ko din sya nauna na sila lumabas sakin kasama ang dalawa kong kaibigan.

Habang nag lalakad ako palabas ng back stage naka salubong ko si Aldrin
"Hi Angelie right?" nakangiti nya akong tinanong.

Ibang iba siya sa Aldrin na kilala ko "Ah o-oo" nauutal kong sagut

"By The Way I'm Aldrin" pag papakilala nya sakin parang hindi talaga siya yung Aldrin na kakilala ko.

Iba talaga pag maganda ka

Nag shake hands kaming dalawa tanda ng aming pag papakilala sa isa't isa.

Maya maya pa ay tinawag na sya ni Glenn School mate namin na isa sa mga Barkada niya kaya nag paalam na si Aldrin sakin.

Hinanap ko ulit sila tita at saktong nakita ko si Lawrence na bumibili ng street foods.

"Best ohh gusto mo?" inalok nya ako ng Fishball at kikiam na hawak nya

"Thank you na lang nasan sila tita?"

"Nandun" tinuro nya ang direksyon gawi sa kaliwa nandun daw si Tita at ang pinsan ko.

Pinuntahan ko ang direksyon na yun at nandun nga ang tita at ang dalawa kong pinsan kasama si Ricabella.

Maya maya pa ay Sumunod na din si Lawrence samin "Gelay mamaya ka pa ba uuwi?" tanung ni Tita.

"Ahh tita sasabay na ako sa inyo" saad ko.

Umuwi na kami nila tita pati na din ang mga kaibigan ko.

Habang nasa byahe kami pinag titinginan ako ng mga tao dahil ba sa korona at award na hawak ko o dahil ba ito sa itsura ko ah basta ewan ko.

Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito.

Nang makarating kami sa bahay naligo muna ako bago mahiga sa kama.

" for the First time naranasan ko ding puriin ng mga tao dahil sa itsura ko at hindi yung puro panglalait ang naririnig ko" bulong ko sa sarili ko habang naka tingin sa salamin.

Bahagya akong ngumiti

Unti-unti akong nag bago at bumalik ang tunay na ako at itsura ko nawalan na ng talab ang mahika ni Mommy Aries.

Tinawag ko si Mommy aries ng paulit ulit haggang sa dumating sya "Mommy Aries salamat po" saad ko.

Kahit yung simpleng beauty spell lang ang binigay niya sakin di ko parin talagang maiwasan na di mag pasalamat.

Dahil kay Mommy Aries ang daming magagandang ganap ngayun sa Buhay ko.

Ngumiti sya ng kaunti "Walang anuman yun Gelay, Pero wag mong gagamitin yang kagandahan na yan para manlait o manghusga ng iba" saad nito tumango ako.

Mommy Aries is right naging maganda lang ako pero di iyom dahilan para mang husga ng iba.

"Oo naman po Naranasan ko din po yun ehh" saad ko

The Ugly Girl And A Fairy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon