Chapter - 23 graduation

112 63 21
                                    

ANGELIE'S POINT OF VIEW

Pagkatapos ng lahat mangyari isa lang ang natutunan ko LEARN TO APPRECIATE YOUR OWN BEAUTY yun lang.

"Angelie Velasco Cum Laude" agad akong tumayo sa Kinauupuan ko at umakyat sa stage upang makuha ang diplomang ilang taon kong pinag hirapan at para na din mag speech.

Naging Cum Laude ako dito sa Holy Grace University.

Pero ang award na ito ay inaalay ko para sa family ko lalu na kay Tita.

Kung wala sila wala din ako kung anong meron ako ngayun.

Huminga ako ng malalim at tumapat sa mikropono.

"Good Afternoon Everyone" nag palakpakan silang lahat.

"Una sa lahat dapat mag pasalamat sa ating mga magulang na ginawa ang lahat para sa atin kung wala sila wala tayo ngayun dito" tumingin ako kay Tita.

"Tita Salamat" saad ko napangiti sya .

Tinitignan ko ang bawat estudyanteng nandito ang saya nila napakaswerte pa dahil kasama nila ang mga magulang nila samantalang ako Wala na akong mga magulang tanging ang tita ko na lang ang mayroon ako.

Namatay ang nga magulang ko dahil sa isang Insidente nabangga ng truck ang sinasakyn nilang motor ni Papa at ang mga kapatid ko naman ay naninirahan sa probinsya..

"Sa Buong School year na ito ang dami kong natutunan ang daming nangyari sa buhay ko Nanjan yung binully ako dahil sa itsura kong ito ngunit may dalawang tao na buong pusong tinanggap kung ano ako walang iba kundi ang dalawa kong kaibigan" napatingin ako kila Lawrence at Ricabella na ngayun ay bakas sa kanila na proud na proud sila sakin.

Pinag patuloy ko lang ang pag sasalita ko hanggang matapos ako.

"Thank you for the memories we have done" at tuluyan na nga akong bumaba ng stage.

Dumiretso ako sa Kinauupuan ko.

... ...

"Congrats to us" maligayang bati samin ni Lawrence.

Nasa labas na kami ng venue ngayun napansin ko na parang may hinahanap si Ricabella.

Sino naman kaya yun??

"Sino hinahanap mo?" tanong ni Lawrence sa kanya akala ko ako lang nakakahalata na para bang may hinahanap sya.

"Ahh si Mama kase sabi nya bibili lang daw sya ng palamig eh hanggang ngayun wala pa" paliwanag ni Ricabella.

"Gelay..." napalingon ako kung sino yung tumawag sa pangalan ko.

Si Leanne lang naman pala lumapit sya sakin "Bakit?" tanong ko

"Tara na umuwi na tayo Hinahanap ka na ni Mama" tinignan ko ang orasan sa Cellphone ko.

It's 6:30

"Ang aga pa ah" saad ko.

"Hay nako basta umuwi na daw tayo walang maaga-maaga kay mama"

Halos kaladkadin na ako ni Leanne papunta sa lugar kung nasaan ang tita ko na mama nya.

sumakay na agad kami ng tricycle papunta sa bahay.

The Ugly Girl And A Fairy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon