Chapter 19 - Aldrin's Parents

106 71 17
                                    

ANGELIE'S POINT OF VIEW

Hindi pa ako niligawan ni Aldrin pero boyfriend ko na agad siya.

Bakit ba kasi ang rupok ko?

Ako na ata ang Reyna ng karupukan.

Pero isipin niyo ah yung taong dating pinapangarap ko siya pa talaga lumapit sakin para maging boyfriend ko.

Nag lalakad ako ngayun kasama si Ricabella at Lawrence si Aldrin kasi di ko alam kung nasaan.

Nasa puso ko ata.

"Guys OH MY GOD tignan nyo oh diba yun yung bagong transfer dito sa school" Tumingin kami ni Ricabella kung saan nakatingin si Lawrence.

Si Stephanie binubully ni Abby.

"Kawawa naman si Stephanie" Napatingin ako kay Ricabella.

Nag lakad ako papunta kung nasaan si Abby at Stephanie pinipigilan nila akong dalawa pero di ako nag papigil

Nung makalapit ako sa kanila biglang tinulak ni Abby si Stephanie dahilan para matumba ito.

Nagulat ako sa ginawa nya.

Yung dalawa naman tumakbo papalapit samin at tinulungang makatayo si Stephanie.

Tumingin ako kay Stephanie di ko alam pero parang may kakaiba sa mga tingin nya sakin.

Bumalik ulit ang tingin ko kay Abby.

"Ano Gelay porket boyfriend mo na ngayun si Aldrin mag tatapang ka na?" Tinulak nya ako gamit ang isang kamay nya pero di ako natumba.

"Palaban ka na ngayun?"

Tinitigan ko sya yung tinging nakakaakit pero nang iinis.

"ate Abby..." Tumingin kami sa tumatawag sa kanya si Acey ang malditang kapatid ni Abby.

Lumapit siya papunta samin tinignan niya ako mula talampakan hanggang ulo na para bang diring diri.

May binulong sya kay Abby.

As if interested akong malaman pero ano kaya yun?

Wala nacurious lang ako pero di ako interesado.

"Let's go" dali daling unalis ang dalawa sa harap ko bumaling ulit ang paningin ko kay Stephanie.

"Okay ka lang ba?" tanong ko hinawak hawakan ko yung katawan nya.

"Yeah" walang emosyon nyang sagot.

"Gelay Nag text syo si Aldrin" napatingin ako kay Ricabella.

"Aldrin?" walang emosyon ulit na tanong ni Stephanie.

"Oo si Aldrin bakit?" maangas na tanong ni Ricabella.

"Meaning ikaw ang Girlfriend ni Aldrin ah?" taas kilay nyang sagot.

The Ugly Girl And A Fairy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon