Angelie's Point Of View.
kasalukuyan akong nag aayos ng sarili ko like naligo ako nag toothbrush kumain ganun.
For clarification kumain muna ako bago mag toothbrush uminom ako ng binigay sakin Ni Mommy Aries and gaya ng inaasahan gumana naman sya at gumanda ako maganda naman talaga ako kahit walang ganito judgemental lang tlaga ang iba sa kanila I'm beautiful no matter what.
"Oh gelay ayos na ayos ah san lakad mo?" nakita kasi Ako ni Kuya Rodney na nag susuklay sa harapan ng salamin.
"secret basta may pupuntahan lang ako saglit" saad ko
"Haha date ba yan?" dagdag pa nya oo ata date namen ni Aldrin.
"Hahaha hindi ahh kaibigan ko lang yun" humarap ako sa kanya pero pwede na ding maging date yun.
"sa pag kakaalam ko si Ricabella at Lawrence lang kaibigan mo"
di pwedeng madagdag si aldrin ah?
"As Angelie Maria Villanueva kasi tssk nako naman may nakilala kasi ako na ganito yung itsura ko alangan naman di ko gamitin yung mahika diba? Eh di baka mapatakbo yun sa takot ng dahil saken atakihin pa yun kasalanan ko pa" paliwanag ko at tumayo ako mula sa kinauupuan ko.
"Ahh sigeh na nga dyan kana" lumabas si Kuya Rodney ng bahay.
Tanging pulbo lang ang nilagay ko sa muka ko di naman kasi ako mahilig mag make up or maski liptint dahil lagi kong inaalala yung sinabi sakin ni mama nung bata pa ako.
*FLASH BACK*
pinakelaman ko yung gamit na pang make up ni Mama like lipstick face Powder at kung ano ano pang nasa make up kit nya pero kahit isa walang tumalab sa muka ko wala pa ding pinag bago.
Pumasok si Mama sa kwarto namin dali dali kong tinago ung make up sa likodan ko I'm 9 years old by that time.
"Gelay ano yang nasa muka mo?" bungad nito sakin pag pasok na pinto.
"Ahh Ma-make up po mama" yumuko ako lumapit si mama sakin sa kama.
"Eh ano yang nasa likodan mo?" taas kilay syang nag tanung sakin.
Nilabas ko yung make up kit ni Mama "Sorry po Ma" saad ko halos maluha luha ako akala ko kasi papaluin ako ni Mama or what.
"okay lang yan gelay pero tandaan mo ah.."
"ano po yun ma?"
"Ang Babaeng walang make up ay parang kalikasan ang sarap pag masdan dahil sa natural nitong kagandahan" paliwanag ni mama.
*END OF FLASH BACK*
Habang nakatitig ako sa Make up ni tita na nakita ko dito sa sala naalala ko yung sinabi na mama.
Biglang nag chat sakin si Aldrin
"Hi Angelie nandito na ako ikaw ba nasan kana?"
"ahh papaalis palang"
Nag out na agad ako at dali daling lumabas ng bahay para pumara ng tricycle medyo matagal kasi kung lalakadin ko pa.
BINABASA MO ANG
The Ugly Girl And A Fairy (Completed)
FantasyIsang babaeng nag nanais lamang na mahalin siya ng mga taong nasa paligid niya. Ngunit dahil sa itsura na mayroon siya puro pambubully ang naranasan niya. Isang babae na inaasam na mahalin ng taong mahal niya at yun ay si Aldrin. Sa panahon ngayun i...