ANGELIE'S POINT OF VIEW
Ang saya ko ngayung araw kahit papaano nakalimutan ko yung mga pangyayari kagabi.
Aish sila Lawrence at Ricabella talaga ang nag papasaya sakin sa tuwing may problema ako.
Ang saya ko at may kaibigan akong katulad nila.
Nasa tamang kaibigan na talaga ako.
"Ohh Gelay kanina ka pa nakatulala jan ah" winiwave wave ni Ricabella yung mga palad nya sa harap ko.
"Ahh ano ulit yun?" tanong ko.
Nakaupo pa din kaming tatlo sa duyan ako ang nasa gitna si Lawrence nasa kaliwa si Ricabella naman ang naka upo sa kanan.
"kanina ka pa namin ni Lawrence tinatanong kung ano ang nangyari sayo kagabi?" paliwanag ni Ricabella.
"Ahm Na Ano eh ahmm naikwento kasi ni... Ni L-leanne" dagdag pa ni lawrence at napayuko.
Naikwento na pala ni Leanne nag tanong pa.
"Naikwento na pala sa inyo eh" pamimilosopo ko.
"Totoo ba na niloko ka ni Aldrin" bakas sa pananalita ni Lawrence ang pag aalin-langan basi sa Tono ng pananalita nya.
Halata din na concern siya sakin.
Napasimangot na naman tuloy ako.
"Oo ginamit lang nya pala ako para sa Arrange wedding nya" bahagyang nawala sa muka ko ang ngiti na kanina ay nadarama ko.
Tumingin ako sa Lupa habang nakayuko.
Bakit sa dinami dami naman ng magahandang babae jan ako pa niloko niya?
Bakit kasi ang easy to get ko?
Ewan ko ba.
"Bakit nya kaya nagawa sakin yun nuh? Sa dami dami ng ginawa kong maganda para sa kanya" saad ko tama naman halos mag buwis buhay nga ako para lang sa Aldrin na yun tapos ito igaganti nya sakin.
"Ewan ko ba nag pakatanga ako sinagot ko sya agad ni walang isang minuto nung niligawaN nya ako" parang may dumaan na anghel tumahimik kaming tatlo..
Hinimas himas ni Lawrence ang likod ko.
Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa nya.
Tumayo si Ricabella kaya sa kanya napabaling ang atensyon naming dalawa ni Lawrence.
"uuwi kana ba?" nag tatakang tanong ni Lawrence.
"Sumama kayo sakin" nag lakad sya papalayo samin halatang seryoso sya sa gagawin namin.
Pero ano naman kaya yun?
Sana di kalokohan.
Naunang tumayo sakin si Lawrence pag katayo nya ay inalalayan nya ako.
Ngumiti sya sakin.
Nung tuluyan akong nakatayo inakbayan nya ako.
BINABASA MO ANG
The Ugly Girl And A Fairy (Completed)
FantastikIsang babaeng nag nanais lamang na mahalin siya ng mga taong nasa paligid niya. Ngunit dahil sa itsura na mayroon siya puro pambubully ang naranasan niya. Isang babae na inaasam na mahalin ng taong mahal niya at yun ay si Aldrin. Sa panahon ngayun i...