Chapter 12 - Pag Amin

142 107 24
                                    

ANGELIE'S POINT OF VIEW

Panget na nga si Aldrin pa ang inaasam.

Malandi na nga panget pa.

Iilan lang yan sa mga naririnig ko nang pumasok ako sa School.

Lahat din yan ay binalewala ko dahil mas kilala ko ang sarili ko.

Recess namin ngayun kaya nandito ako sa canteen yung dalawa naman nasa Music Hall.

Natanaw ko mula sa malayo si Aldrin.

Pinuntahan ko sya kung nasaan sya para sana makapag usap kami i mean maintindihan nya lahat ng nangyayari panigurado ako naguguluhan  siya.

Lumapit ako sa kanya pag kaalis ng kausap nya.

"Aldrin pwede ba kitang makausap?" nakatungo lang ako.

"ano sa tingin mo pa yang ginagawa mo?" ang sungit niya talaga pasalamat ka crush kita kung hindi nasapak na kita.

"Tungkol sa mga nangyayari sorry di ko sinabi agad syo" saad ko

"And Then?" ang cold nya sakin parang wala na ata akong balak ituloy pero sige laban lang..

"Sorry sa mga panlolokong nagawa ko Ginawa ko lang naman kasi yun dahil mahal kita aldrin mahal na mahal kita" di ko inasahan na ayan ang lalabas mula sa bibig ko.

Tumulo ang mga luha ko hindi ko alam kung masaya ba ako o malungkot dahil nasabi ko na gusto ko sya.

"Wow Mahal mo ko kaya nagawa mo kong lokohin ganun ba? And what nag panggap ka para lang magustuhan ko Nasan ang pag mamahal Dun Gelay?"

"Sorry" yan na lamang ang salitang nasambit ko wala eh nangyari na wala na akong magagawa.

"Tell me sa mga panlolokong ginawa mo sakin nasan yung pag mamahal dun ah?" kalmado pero madiin yung pag kakabigkas nya.

"Aldrin..." di ko naituloy yung sasabihin ko.

"di yan ang sagot nahinihintay ko"

"kase Aldrin alam kong di mo ko magugustuhan dahil panget ako" tuluyang umagos mula sa mga mata ko ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan..

"ito lang yung naisip kong paraan para mahalin mo ko at ng mga taong nasa paligid ko at ngayun nag sisi ako dahil sa Spell na yun nag kaganto na ako ang buhay ko" patuloy pa din na umaagos ang mga luha ko.

"Spell?"

"Oo Aldrin binigay sakin ng isang Fairy..."

"Nahihibang kana ba Gelay hanggang ngayun mag sisinungaling ka pa din?" tanong ni Aldrin.

Bakit ganon di sya maniwala?

Mahirap bang paniwalaan ang mga sinasabi ko?

"Di ako nag sisinungaling"

Nag walk out na lang si Aldrin nang hindi naririnig ang paliwanag ko.

Mahal parin kaya nya ako?

O baka naman minahal niya lang ako dahil maganda ako.

Yan ang tanong na alam kong hindi malalagyan ng sagot dahil alam ko sa sarili ko na Minahal ako ni Aldrin bilang isang maganda at kaakit akit na si Angelie Maria Villanueva at hindi bilang si Angelie Velasco

Alam kong hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko at lalu na sa mga nangyayari kahit din naman ako ehh litong lito na ako kahit na sakin nag mula ang gulo.

The Ugly Girl And A Fairy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon