"Why your so early?" sabi ko kay becca yung fc kung classmate.
"Hindi kasi ako pumasok kanina." Medtech pala siya.
"Ganda talaga, ikaw lang yata yung nursing na nakilala ko na hindi haggard." Kung alam mo lang na hindi ako nag-aaral ng mabuti.
"Ha?" Syempre ayoko naman sabihin yun. Baka ano pa isipin.
"Ano secret mo? You know? Para naman gumanda ako?" Sabi ni becca sabay hawak ng nakabraid niyang buhok.
Ako kasi yung tipong hindi mahilig magtali at lagi naka hairpin. Girly ang dating kumbaga kahit hindi naman kagandahan yung buhok.
"I don't have a secret" sabi ko na naka poker face.
"Becca, pakilala mo naman kami sa katabi mo." Biglang sabi ng mga boys sa likod namin.
Hangang ngayon kasi hindi pa rin nila ako close. Actually, wala naman talaga akong close sa campus na to eh. Eh hindi ko nga matandaan pangalan nila eh.
"Siya si Calliope Reese Denver diba? Ilang beses ko naba sinabi yun sa inyo!" At binangit pa talaga yung buo kong name.
"Eh ayaw naman tumingin samin"
Pagkasabi nila nun. Tiningnan ko sila isa isa. At ngumiti ako ng pilit.
"Owwwwws"
"Galawan mo talaga mig"
"Hahahaha"
Buti pa sila, nakakapagtawa. Samantalang ako, ang dami kung iniisip. If how i'm gonna pay my tuition fee, and how i'm gonna also pass my major. Hayst. Ayoko na talaga. Malapit na din birthday ko. Ano kaya ganap?
**
"Ate!" Yung kapatid kung babae.Kakakauwi ko palang kasi. And pagod na pagod ako. Hindi dahil sa maraming ginawa sa school kundi dahil sa byahe. Layo kasi ng school.
"Oh bakit?"
"You want to come with us?" Tiningnan ko siya, mula ulo hangang paa. Tudo paganda pa.
Bunso pala namin. Her name is Caily Renn. Mas maganda kapatid ko at mas maarte at hindi yan lumalabas ng bahay na hindi naka make up, kaya gustong gusto siya ni mama. Lagi kaya yan pinupuri. Pero kahit siya ang gusto ng mama ko, I never get jealous. Kasi mahal ko sila and i'm contented in what I have.
"Oh? Where are you going?"
"Aalis, were going to the mall ." Sabay lagay ng liptint sa labi niya.
Magkaiba kami ng kapatid ko, when I was in her age, never ako naglalagay ng kung ano ano sa face ko, ayoko kasing sinasabihan na your just beautiful because of make up. Kung baga natural beauty lang dapat. Noon yun. Pero iba na panahon ngayon. Nung nag college ako natuto ako gumamit ng liptint dahil sa kapatid ko din, like mother like daughter nga naman. Dapat kasi fashionable. Act like a model. Pero saan ba ako nagmana? Lumaki kasi ako sa lolo't lola ko kaya hindi din kami magkasundo ni mama.
"With who?"
"Si mama, tara na ate" sabay hila niya sakin.
"Bakit may pera ba si mama?" Tinangal ko yung kamay niya sa pagkakahila niya sakin.
"Oo. Naka loan na siya." Hinila na naman niya ako. "Kaya tara na ate"
Biglang bumaba si mama galing sa taas. Hindi naman kami mahirap,sakto lang. Mukha kaming mayaman sa mata ng ibang tao dahil na din sa may sasakyan kami at nakatira sa village, pero ang hindi nila alam na baon na kami sa utang.
"Magbihis kana, kasi aalis na tayo." Sabay lakad sa harapan ko.
"Ayoko. Pagod ako galing school" at dinaanan ko lang siya.
"Imbes na pang shopping bat hindi mo nalang yan gamitin pambayad sa school namin." Pahabol kung sabi."Tara na cai! Baka mag close na yung mall"
Lumabas na sila ng bahay, ni hindi man lang pinansin sinabi ko. Umakyat nalang ako sa taas. Mag eemote na sana ako, kaso naalala ko na may pinapagawa pala sakin yung classmate ko sa tfn, kaya ginawa ko nalang yun. Pampalibag loob na din.
YOU ARE READING
One Life For The Two Of Us
RandomMay isang babae na tuluyang pinasok ang pintuan patungo sa lugar ng kanyang haraya. Ang lugar na imposibleng maging totoo dahil ito'y malayo na sa katotohanan, at tahimik na lugar ang kanyang inaasam-asam. Ito'y isang lugar na tanging kaalwanan lang...