Chapter 7

10 0 0
                                    

"Kumain kana." Sabi ni papa. Palabas na sana ako ng bahay. Pero tinawag ako ni papa para kumain.

"Sa school na po ako kakain pa. Malalate na po kasi ako" pagsisinungaling ko. Maaga pa naman talaga eh. Pagkatapos kung sabihin yun, lumabas na ako ng bahay.

Ang aga ko sa school. Parang kina career ko na yata ang pagiging maaga ha. Dumaan muna ako sa canteen para mag breakfast, hindi pa naman kasi nag sta-start yung klase.

"Alam niyo ba, may student na tinakbo sa clinic kahapon."

"Oo, alam ko yan."

"Grabe! Binuhusan daw siya ng chemicals nung kaklase niya."

"Ang brutal naman nun"

"Sino kaya yun?"

"Nursing student daw eh."

Bigla silang napalingon sakin. Binigyan ko sila ng "porque nursing student, ako na agad" na look. Pumunta nalang ako sa lib. Kahit sa lib. Yan din ang usap usapan. Hindi ko inakala na malalaman ito ng buong campus. Paano kung malaman nila na ako yun.

Umalis nalang ako ng school. Isa din to sa advantages pag college kana. Hindi kana nila kailangan tanongin kung saan ka pupunta kasi iba iba din naman sched ng mga student sa college. Kaya di nila malalaman na nag diditch na pala ang students. Nasa mall ako ngayon. Hindi kasi ako pwede umuwi ng bahay baka malaman pa ni mama na hindi ako pumasok. Dahil wala akong pera, nag window shopping nalang ako. Pupunta sana ako sa kabilang store para mag window shopping kaso nakita ko si papa.

"Anong ginagawa ni papa dito?" Nagtataka kasi ako ngayon.

Sinundan ko nalang si papa baka naman may bibilhin na damit para sakin kasi birthday ko na bukas. Hindi ako nagpakita kay papa. Nakatingin lang ako sa kanya dito sa gilid ng mannequin. Pero nagulat ako ng may babaeng yumakap sa kanya galing fitting room at tawang tawa si papa sa babae. Gusto kung lumapit sa kanila para kumpermahin kung kabit ba to ni papa, parang hindi na yata kailangan. Malinaw na sakin na kabit nga to ni papa. Umalis na ako ng mall di ko na kasi kinaya.

**
Pag uwi ko, nasa bahay na si papa at nadatnan ko sila ni mama na naglalambingan. Hindi ko sila pinansin at aakyat na sana ako ng hagdan ng magsalita si mama.

"Anak, bukas na pala birthday mo. Ano gusto mong handa?"
May pera yata to. Maganda kasi mood ni mama pag may pera.

"Kayo na po bahala" yun nalang nasabi ko at umakyat na. Hindi ko na kasi kayang tingnan si papa.

Pagkasara ko ng pwento. Tinabunan ko agad mukha ko ng unan at doon ako sumigaw habang nilalabas ang kanina ko pang pininipigilan na luha.

"Let's end this" mahininag sabi ng binata habang nakayuko.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ng dalaga sa kanya.

"Please. Let's end this relationship" nakatingin lang ito sa paanan niya.

"This isn't time for joke. Ito lang ba ang sasabihin mo sakin? Well, it has no sense." Pilit niyang hinahawakan ang kamay ng binata.

"I want to end this because I don't want to hurt you anymore!" Pilit rin inaalis ng binata ang kamay ng dalaga.

"What are you saying? Hindi kita maintindihan. If this is about the accident. Well, its not your fault at hindi kita sinisisi dun" she said and held his hand. She kissed them and stared at his eyes.

"I wish I never dated you. I don't deserve your love. Because you love to a wrong person and thats me. You should start erasing me now to your life."

"What did I do wrong for you to leave me? Give me reason why do you have to end this relationship? If this is about me, then i'll chan..." hindi na siya pinatapos ng binata sa sasabihin nito.

"This is not about you...
this is about me. Can't you see? I lied to you! Pinaniwala kitang mahal kita." Inalis ng binata ang kamay niya mula sa dalaga.

"Thats not true. Bawiin mo sinabi mo! You love me remember?"

"Please. You deserve better than me. Everytime i'm with you, I feel so guilty. There's nothing wrong with you. You are perfect and thats the reason why I don't deserve you." Then he left her.

One Life For The Two Of UsWhere stories live. Discover now