"Mama lagi nalang ba tayo ganito! Lagi nalang ba tayo baon sa utang! Ma naman? Hangang kailan kaba titigil!?"
Lagi nalang kasi kami baon sa utang. Ewan ko ba kay mama bat hindi niya kayang makuntento sa sweldo ni papa, carry naman yun, kaya nga lang hindi parin sapat sa pag pag-papaaral samin. Akala mo naman, nababayaran niya tuition fee ko. Alam niyo ba kung ilan yung pinaguutangan ni mama? Higit sampo. Grabe diba. Ok lang naman sana sakin kung umutang si mama, pero alam niyo kung saan napupunta yung pera na inutang ng mama ko? sa mga napagutangan niya.
"Eh para din naman sa inyo to. Hindi kayo makakapag-aral kung hindi ako uutang. Kasi kung hindi lang ganyan kaliit ang sweldo ng papa niyo, hindi ako uutang" ayan na naman siya. Yan yung lagi niyang dahilan.
"Para sa school?" I smirked.
"Eh hindi mo nga mabayaran yung tuition fee ko eh!"Isa yan sa mga kinaiinisan ko kay mama, simula pa lang nung bata pa ako mukha ng pera yang mama ko. Kahit ako, pera na yung tingin ko sa mama ko. Hindi kasi sanay yung mama ko na walang pera, kasi sa kanilang dalawa ni papa siya yung haligi ng tahanan samantalang yung papa ko siya yung ilaw ng tahanan kaya mas malapit kami kay papa. Ofw kasi mama ko dati. Simula nung nabuntis siya sa bunso namin which is pangatlo. Pinatigil siya ng papa ko sa pagbalik dun. Baka pa kasi anong mangyari sa kanya ng bunso namin. Kaya yun. Hangang sa hindi na siya makabalik sa america.
"Saka ko na babayaran pag nakuha ko na yung pera" hayst! Anong klaseng buhay naman to oh. Kaya ayoko umuwi dito eh kasi alam ko hindi na naman ako makakapag-aral. Hangang salita lang kasi si mama. Sana nanatili nalang ako sa manila. Kung hindi lang namatay si lolo hindi ako uuwi dito.Eh pwede naman ako mag dorm ha at maghanap ng trabaho sa manila. Pero ayaw naman ng papa ko baka mapano pa raw ako.
"Magtrabaho ka! Tularin mo kapatid mo. Para makapagbayad ka sa tuition fee mo! " Yung pangalawa ko kasing kapatid nagtratrabaho, kaysa mag-aral nagtratrabaho para lang matulongan si mama.
Lagi pinaparamdam ni mama sakin kung gano ako ka iresponsable. Ako yung una niyang anak pero ako yung walang kwenta. Iresponsble na ba yung sumama ka sa sa lolo mo para makapagtapos ng highschool at para mabawas-bawasan din yung gastosin ng mga magulang mo? Iresponsable naba yung hindi ko mabayaran tuition fee ko? Hindi paba sapat yung taasan ko grade ko para lang magka scholar. Hindi ako matalino pero sinipagan ko mag-aral para mapagmalaki naman ako ng mga magulang ko. Pero wala parin naman.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Ayoko na kasing makinig kay mama. Alam ko na kasi kung anong susunod na sasabihin niya, mag asawa nalang raw ako ng foreigner para daw makaahon kami sa hirap at para daw makapag-aral na daw ako. Be practical na daw ngayon. Nung nasa manila ako never ako pinatrabaho ni lolo sa manila kahit gusto ko. Ang gusto lang niyang gawin sakin ang pagbutihin ko ang pag-aaral ko, sapat na daw yun sa kanya. Nung namatay si lolo para narin akong nawalan ng karamay sa buhay. Alam ko na maraming taong nagmamahal sakin pero iba parin sakin si lolo. Hindi lang siya lolo ko kundi best friend ko na rin siya.
Lo? Bat mo kasi ako iniwan? Sabi mo sakin na hihintayin mo akong maka graduate sa college. Ang daya mo naman eh.
A/N: please comment.
YOU ARE READING
One Life For The Two Of Us
De TodoMay isang babae na tuluyang pinasok ang pintuan patungo sa lugar ng kanyang haraya. Ang lugar na imposibleng maging totoo dahil ito'y malayo na sa katotohanan, at tahimik na lugar ang kanyang inaasam-asam. Ito'y isang lugar na tanging kaalwanan lang...